Ch.23: The next day

7.6K 170 6
                                        





*Tok Tok!*






"Mommy, wake up! It's tanghali na po.. Mommy!" WALA PA AKONG TULOG TIMMY! WAG KANG MAINGAY DYAN, PLEASE!






"Baby.." Bigla akong napabalikwas ng bangon nang marinig yung boses ni Santi. Yan nanaman yang BABY na yan eh!! Nakakapangilabot! Masyado akong napuyat dahil sa kanya!! Naalala ko nanaman tuloy yung paghalik nya sakin kagabi! PARA NA AKONG MABABALIW NITO!







"Ah.. T-TEN MINUTES!" nauutal kong sabi saka agad na pumasok sa CR para maligo. Habang naghihilamos ng mukha ay di ko maiwasang mapahawak sa noo ko. napangiti nanaman ako na parang ulol. Bakit ba ganito nalang ang effect ng halik nyang yun sakin?! hindi naman ako naapektuhan ng ganito katindi tuwing hahawakan at hahalikan ako ng isang lalaki pero.. MAKAPAGHILOD NA NGA!





Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat gawin sa loob ng CR ay mabilis akong nagbihis at bumaba na para mag-almusal kahit tanghali na. Pagkarating ko sa dining room ay sabay na napatingin sakin yung mag-ama, di ko nalang sila pinansin at dire-diretso akong umupo saka kumain. Habang busy sa pagnguya ay pansin kong kanina pa pasulyap-sulyap si Santi sakin kaya mas binilisan ko pang kumain, wala na ngang nguya-nguya. Agad akong tumayo at akmang maglalakad na paalis nang magsalita si Santi.







"Can we talk, briana?" seryoso nyang sabi kaya napalingon naman ako sa kanya. Ngumiti nalang ako ng pilit saka tumango.






"Sure. About what?" pag-uusisa ko.








"Us." Sagot naman nya saka sya tumayo at bahagyang ginulo yung buhok ni Timmy "Finish eating your lunch, okay?" tumango-tango naman si Timmy sa kanya habang ngumunguya pa. naglakad na palapit sakin si Santi kaya napalunok nalang ako bigla. Di ko rin alam kung bakit.

Slut's Instant BabiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon