Ch.34: One in a million

5.3K 104 3
                                        


Pagkatapos naming mag-research ay sinamahan nila akong magpa-DNA test. Ang sinabi sa amin ay makukuha namin ang DNA result after 2 to 3 weeks. Dumiretso kaming tatlo sa Paraiso Bar para magliwaliw at para mawala rin kahit saglit sa isipan ko 'yung pagdududa ko.



"Hi Gabriela, you still remember me?" sabay-sabay kaming napaangat ng tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ng table namin. He looks familiar. Nakatingin sya kay Gab at nakangiti. Napataas lang ako ng kilay habang binubuga ang usok ng hawak kong yosi. Tinignan ko ang reaksyon ni Gab





"Oo naman! Pinsan ka ni Oli, diba?" nakangiti nyang sabi. Mas lalong ngumisi yung lalaki dahil naalala nga sya ni Gab. Now that i thought of it, tama nga ang hinala kong nakita ko na sya. Pinsan nga pala sya ni Oli. Tsk. Bakit kaya masyadong close to perfection ang lahi ng mga ito? nakaka-intimidate.






"Great! Gusto mo bang sumayaw? Tara?" walang sabi-sabi ay tumayo agad si Gab saka sila nagpunta sa dance floor para sumayaw. Napangisi na lang ako saka tumingin kay Bonie na busy sa hawak nyang cellphone habang nakakunot pa ang noo






"Sinong ka-text mo?" pagtataka ko sabay kuha ng iniinom kong Margarita. Di pa rin naaalis ang tingin ni Bonie sa screen ng cellphone nya.






"Itong Satyr na 'to! Ang kulit-kulit kasi! Binigay pala ni Gab yung number ko sa kanya! Hayup!" naaasar nyang sabi. Napataas ako ng kilay






"Satyr who?" pagtataka ko. saglit syang napatingin sa akin saka sya mas lalong bumusangot







"Satyr Andrews. Kaibigan ni kuya Thyro. Lagi akong inaasar nito eh." napangisi ako pagkarinig sa binanggit nyang pangalan







"No freaking way? Satyr Andrews? as in Satyr Andrews na dating model ng EG Corps? Eh naka-make out ko na yan before. He's a bastard, Bonie. I'm telling you, sayang lang ang atensyon mo sa lalaking yan." naiiling kong sabi saka muling uminom. Napatingin sya sa akin nang hindi makapaniwala. Halatang gulat dahil sa mga nalaman nya. Napahalakhak na lang ako dahil sa naging reaksyon nya.

Slut's Instant BabiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon