Ch.45: The past (part two)

5.4K 87 2
                                        


Habang buhat-buhat ako ni Santi ay naramdaman kong dinala nya ako sa loob ng hospital. Buti na lang at hindi pa kami nakakalayo sa hospital.





"Baby.. Are you okay? Can you hear me?" Gusto kong tumango sa tanong nya pero hindi ko magawa. Sumasakit pa rin ang ulo ko habang inaalala ang lahat. Maging ang araw kung saan nalaman ni Santi na pinagtataksilan ko sya. Sa loob ng ilang linggo kong pakikipagrelasyon sa daddy nya kapalit ng pagsagip sa family business namin, ay nalaman na nyang pinagtataksilan namin sya.






"You're cheating on me! And what's even worse is that you're cheating on me with my dad! For pete's sake, Briana! That's my father! Why are you doing this to me?! What did i do to deserve this from you, huh?! I gave you everything, Briana! Tell me, what did he do to have you? Did he bribed you with money? With Sex? Tell me! I can give you that, Briana! I can--" agad ko syang sinampal dahil sa mga pinagsasabi nya. Naiinsulto ako, pero mas lamang 'yung sakit at dismaya na nararamdaman ko. Totoong sinahulan ako ng pera ng daddy nya pero kahit kailan ay hindi ako nagpagalaw sa kahit na sino! I'm saving my virginity for him! Only for him, dahil s'ya lang ang lalaking mahal ko!






"You don't know anything, Santi! Wala kang alam! You don't even know that your father forced me to cheat on you in return of saving my family's business and saving my family's reputation! You know how much my family needs our business! That's where we get out financial needs, Santi! And this is the only way i know to help my mother get treated! Hindi mo alam na nahihirapan rin akong itago sa'yo 'to! You don't know anything.. You don't.." Napahagulgol ako sa harap nya. Sobrang bigat sa dibdib. Ilang taon ko rin kinimkim sa sarili ko 'to. Walang kahit na sino ang pinagsabihan ko tungkol dito. Nahihiya akong malaman ng iba ang tungkol dito. Nahihiya akong mas madungisan pa ang pangalan ng pamilya namin dahil sa pakikipagrelasyon ko sa tatay ng fiance ko kapalit ng pera. Ayokong husgahan nila ako, at mas lalong ayokong husgahan nila ang klase ng pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko. As much as possible, as much as i can, sasagipin ko ang pamilya ko, whatever it takes.. Dahil ganun ko sila kamahal, at ganun sila kaimportante sa akin.





Ilang sandaling napatigil si Santi, halatang nabigla sya sa mga nalaman nya. Nagulat na lang ako nang bigla syang nagsisigaw at pinagtatapon lahat ng gamit na mahawakan nya. Napahikbi ako at pilit syang niyayakap para pakalmahin sya pero hindi ko sya maawat. Galit na galit sya, naaawa akong makita syang ganyan.





"Where is that fucking asshole! I'm going to kill him! I'm gonna kill him!" Nataranta ako nang makawala sya bigla sa pagkakayakap ko. Mabilis syang tumakbo palabas ng condo, agad ko naman syang hinabol pero masyado syang mabilis tumakbo. Laking pasasalamat ko na lang nang madapa sya, mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa malapitan ko sya. Nakaluhod lang sya doon habang pinagsusuntok ang sahig. Lumuhod ako sa harap nya para yakapin sya pero nanatili lang sya sa pagwawala. Pinagtitinginan na kami ng mga ibang nakatira doon pero wala akong pakialam sa kanila. Si Santi ang mas mahalaga para sa akin ngayon.






"Santi, please forgive me. I had no choice! My family is more important than my happiness. I hope you understand.. I love you.. so damn much! But i think it is better for us to just end this relationship. We're still young, we should not just focus on ourselves, we still have our family, Santi. Let's just end this. If after years, we're still in love with each other, then i think that's the right time to have a relationship again, a more serious and strong relationship. For now, goodbye.. Santi." Dahan-dahan akong tumayo habang walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. It's done, it's over. Siguro nga tama ang sinabi ng dad nya na mga bata pa kami para sa isang seryosong relasyon. In time, maiintindihan nya rin kung bakit mas pinili ko ang pamilya ko kesa sa kanya.






Naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin kaya mabilis akong tumakbo palayo sa kanya at sumakay agad ng kotse. Wala sa sariling pinaandar ko ito. Wala pa akong lisensya sa pagmamaneho. Tinakas ko lang talaga ang kotseng ito ni daddy para puntahan si Santi sa condo nya at kausapin sya. Alam kong ang pinsan kong si Syra ang nagsabi sa kanya tungkol dito, narinig ko sila ni tita na pinag-uusapan ang tungkol sa relasyon namin ni tito Damian. Walang iba pa ang magsusumbong kay Santi maliban sa kanya.





Patuloy lang ako sa pagmamaneho nang ihinto ko ang kotse sa isang tabi para umiyak. Hindi ko akalaing dito na magtatapos ang lahat sa amin ni Santi. Sobrang mahal namin ang isa't-isa, pero hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Patuloy lang ako sa walang sawang pag-iyak nang makarinig ako ng mga taong nagsisigawan sa labas. Pinahid ko ang mga luha ko saka tumingin sa labas ng bintana at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang paparating sa pwesto ko ang isang rumaragasang delivery truck. Natataranta at kinakabahan man ay pinilit ko pa ring makalabas ng sasakyan. Akmang pipihitin ko na ang pintuan ng kotse para makalabas, pero huli na ang lahat. Naramdaman ko na lang ang malakas na pagbangga ng malaking delivery truck sa kotse kung saan ako nakasakay.

Slut's Instant BabiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon