Brey's POV
Tanghali na nang makarating ang magkapatid, hinila ko agad sila sa may pool area. Buti na lang at may pinuntahan ang mag-ama kaya kami lang ang nandito sa mansyon.
"Brey, bakit ba pinadala mo pa 'tong laptop? Ang bigat-bigat! huhu!" Reklamo ni Gab habang umiinom ng juice na pinahanda ko kay Manang Tits. Huminga naman ako ng malalim kaya pati ang abala sa pag set-up ng laptop na si Bonie ay napatingin rin sakin.
"Wala, may kakaibang kutob lang kasi ako. Feeling ko.. Feeling ko nagsisinungaling si Santi sa akin eh." Alanganin kong sabi. Nanlaki naman ang mga mata nila. Halatang di makapaniwala.
"Instinct?" Sabi ni Bonie. Nagkibit ako ng balikat
"Pero grabe naman Brey! Di naman siguro no! Tsaka ano naman kaya ang reason if ever na niloloko ka nga nya, diba?" Nakangiwing komento ni Gab. Tumango-tango si Bonie. Napabuga naman ako ng hangin.
"Kaya nga, Brey. Pinatira ka nya dito sa mansyon nya, pinakilalang mommy ng super cute na si Timmy, tapos niloloko ka lang pala nya? Lakas naman ng trip ni Santi kung ganun, Brey. Ang effort ha!" Naiiling na sabi ni Bonie. Napabuntong hininga ako. I don't fucking know either. Kutob nga lang siguro ito pero--
"Eh kasi isipin nyo ha, sa Vegas daw kami unang nagkakilala but as far as i can remember, hindi pa ako nakakarating sa bansang yun, and remember yung motto ko in life? I'll die virgin. Virgin, meaning never pa ako nakipag-sex sa kahit na sinong lalaki, kaya paanong nagkaroon agad ako ng anak? Tsaka kung may amnesia nga ako, bakit klaro pa sa isipan ko yung childhood memories ko? Pero ang isa pang pinagtataka ko, talagang familiar si Santi sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko sya nakita or sino ang kamukha nya pero super familiar talaga sya sa akin." Nakakunot noo kong paliwanag sa kanila. Pati sila ay halatang napapaisip rin.
"Edi magpa-DNA test kayo ni Timmy, brey. Malay mo yun na ang maging sagot sa lahat ng tanong mo, diba?" Tumango-tango ako sa sinabi ni Bonie. Yan rin talaga ang plano ko.
"Kagabi, habang tulog si Timmy sa kwarto nya, kinuha ko yung toothbrush nya sa banyo tsaka ko pinalitan ng bago para hindi sya makahalata. Ipapa-DNA test ko yun mamaya right after nito." Sagot ko saka ko binuksan ang laptop ko. Pinapunta ko sila dito to help me clear my mind. Hindi ko kayang mag-isang solusyunan 'to.
"Ay, ano nga pa lang gagawin natin sa laptop, Brey? Hihi!" Tanong ni Gab habang nakatitig sa kulay pink nyang laptop.
"Ipasak mo sa bibig mo tapos nguyain mo, Gab." Tamad na sagot ni Bonie habang seryoso sa pagtype sa laptop nya. Napasimangot naman si Gab saka tinignan ng masama si Bonie.
"Seryoso nga kasi! Sungit mo! Psh." Natawa na lang ako sa itsura ni Gab. Para syang inagawan ng lollipop ni Bonie dahil sa busangot nyang mukha.
"Mag research tayo about sa amnesia thingy pati na rin sa kung paano malalaman kung virgin pa ang isang babae." Sagot ko. Tumango naman silang dalawa. Nagsimula na rin akong mag research.
Ilang minuto pa bago iharap ni Bonie sakin ang laptop nya. Napatingin agad ako sa article na nahanap nya about virginity.
----
Despite a lot of the myths out there about virginity, if you are wondering how you can tell if a girl is still a virgin, the only way to know for sure is to ask her. Not even an examination by a doctor can confirm if a girl has had sex. The same is true for guys.
-----
"Sabi sa article na yan, malalaman mo kung virgin pa ang isang babae, kung tatanungin mo mismo sa kanya." Paliwanag ni Bonie habang binabasa ko ang nakasulat sa article. Naks. Translator na pala si Bonie ngayon.
"Pero sinabi rin ni Satyr kanina samin na malalaman mo daw kung virgin ka pa kung dinugo ka right after nyo mag-sex, brey. Makipag-sex ka kaya kay Santi para malaman natin kung virgin ka pa." Nakangiting sabi ni Gab. Uminit naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Futah talaga mag-isip 'to-- pero in fairness, may point sya.
BINABASA MO ANG
Slut's Instant Babies
General FictionI'm a F*cker but I didn't wish to become a Mother. -- -- [A/N: 'GENERAL FICTION' po ang Category nito (bukod sa Humor) kaya warning lang sa mga HINDI 13 yrs. old & above readers, pwede nyo rin naman basahin pero pinapaalala ko lang po na 'NON-TEENF...
