Ch.37: Cheating

6.2K 101 1
                                        


Brey's POV




"Woah! Really? So anong nangyari? May dugo ka bang nakita sa sheet?" Excited na tanong ni Bonie matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Santi kagabi but of course hindi detalyado. Private moment na namin yun no!







"Dunno. Pinalitan kasi lahat ng sheets sa bahay kaya hindi ko alam kung may stain or wala. Fuck! Yung result ng DNA test na lang ang pag-asa ko para malaman ang katotohanan." Nakasimangot kong sabi sabay nguya ng kinakain kong banana que. Nandito kami ngayon sa apartment ng magkapatid at kumakain ng meryenda. Iniwan ko muna si Santi at Timmy sa bahay dahil naiirita ako sa tutor ng anak ko. Akala mo kung sinong maganda. Pwe! Ni wala nga syang binatbat sa butas ng pwet ko. Excuse me!






"Hintayin na lang natin yung result." Tumatangong sabi ni Bonie. Napatingin naman ako kay Oli at Gab nang mapansing nagkikilitian sila sa isang gilid. Napangisi ako habang nakataas ang isang kilay. Kinalabit ko si Bonie na ngayon ay busy naman sa hawak nyang cellphone.






"Anong meron sa dalawang 'yan? Akala ko ba ay may world war sila? Anyare?" Natatawa kong tanong saka ko nginuso yung dalawa. Napahagikhik naman si Bonie







"Ewan ko ba dyan! Naging ganyan na lang sila ka-sweet simula last week. Ang sabi lang sakin ni Gab eh nagpapanggap daw syang fiancee ni Oli. Tawang-tawa nga ako habang kinikwento nya yun eh. Lakas ng trip nilang dalawa." Umiiling nyang sabi. Napangiwi naman ako.






"Nagpapanggap silang dalawa? Bakit daw?" Naguguluhan kong sabi






"Habilin daw ng lola ni Oli. Ewan ko, bahala silang dalawa dyan. Tsaka mukhang nagiging totoo naman na yung pagpapanggap nila kaya hinahayaan ko na lang." Kibit balikat na sagot nya. Tumango naman ako habang nakatingin pa rin kay Gab at Oli na ngayon ay nagsusubuan na ng banana que habang nagtatawanan. Hmm.. They're a cute match.







"Eh ikaw, Bonie? Anong balita?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Napanguso naman sya saka sumandal sa sofa






"Sa radyo at tv? Ganun pa rin, nangangapa sa dilim. Minsa'y naisip ko na umalis na lang di--" agad kong sinapak si Bonie bago nya pa ituloy yung lyrics ng kanta. Napakamot naman sya saka uminom ng juice na nakalapag sa mesa.






"Hmm. Well, binasted ko si Satyr kanina lang, kasi nga diba? You told me last night na alisin yung communication ko with him. So, ayun. And hindi pa naman ganun kalalim yung feelings ko para sa kanya, kaya.." Nagkibit balikat sya. Tumango-tango na lang ako







"Buti naman at nakinig ka."







Ilang minuto pa kami nag-stay sa apartment nila hanggang sa nagdesisyon akong umuwi na dahil for sure ay umalis na yung tutor ni Timmy sa bahay.




"Teka lang, manong." Pinahinto ko agad ang sakay kong taxi sa isang tabi nang matanaw si Santi di kalayuan sa pwesto ko. Nasa loob sya ng isang coffee shop. Nakita kong may kausap syang babae, hindi ko lang matanaw yung mukha nung babae dahil nakatalikod sya banda sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Is he.. cheating on me?

Slut's Instant BabiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon