Ch.22 : House Moving

8.2K 165 3
                                        



Two weeks mula nang sabihin ni Syra ang tungkol sa aksidenteng nangyari na ikinamatay ni tito at tita ay marami nang nangyari. Pina-crimate namin yung katawan nila dahil yun daw ang huling habilin nila kay Syra bago pa man sila malagutan ng hininga. Dumating rin dito yung attorney na may hawak ng last will and testament ni tito at tita, diniscuss nya samin yung hatian namin ni Syra sa mga naiwang ari-arian. Kay Syra nakapangalan yung bahay at lupa samantalang yung rest house naman sa baguio ang nakapangalan sakin. In terms of money naman, 60-40 yung hatian, sakin yung 40%.







Nasabi ko na rin kay Santi yung tungkol sa pagkawala ni tito at tita kaya di ako agad nakalipat sa kanila at syempre pumayag sya. Ilang beses nya rin akong tinawagan nung crimation para lang kamustahin ako. At ngayon nga, para tuparin yung pangako ko.. nandito na ako ngayon sa tapat ng gate nila Santi at kanina pa dinudutdot yung doorbell nila. Bumaba pa ako ng kotse para lang mag-doorbell tapos wala manlang nagbubukas!






After ng ilan pang minuto ay hindi pa rin bumubukas yung gate kaya bumalik nalang ulit ako sa loob ng kotse bago pa ako mainis at pasabugin bigla 'tong mansyon nya!








Nagpasak muna ako ng headset sa tenga saka umidlip. Kung nagtataka kayo kung bakit di ko kasama yung abnoy na magkapatid ngayon ay dahil pinapunta sila ng lola nila sa tagaytay para tumulong daw sa preparation ng kasal ni kuya Thyro, yung gwapo nilang panganay. Sa tagaytay rin dati naganap yung college reunion nila Bonie at dun rin namin unang nakilala si baklitang Oli.









[Now Playing : Animals - Maroon 5, pa-play nalang nung nasa itaas, hoho!]








"Just like animals! animals! Like animals, mals!"








Habang nakikibirit sa kanta ni Adam Levine na kabiyak ng puso ni awtor [WOHOHO!] ay bigla nalang may kumatok ng pagkalakas-lakas sa bintana ng kotse kaya napamulat ako bigla. Agad kong binaba yung bintana.

Slut's Instant BabiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon