Mahigit tatlong linggo na rin ang nakalipas mula ng komprontahin ko ang kabit ni dad. I admit na malaking ginhawa ang naramdaman ko nang maibuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko, lahat ng kinimkim ko for years ay nabawasan. Kahit papaano ay nakatulong rin si Syra sa akin. Well, binigay ko naman ang hinihingi nyang kapalit kaya quits na kami. For three long weeks ay marami akong natutunan sa buhay. Una na doon ay ang maging matapang, kahit sino naman sa sitwasyon ko ay manghihina dahil sa lahat ng problemang nangyari sa akin. Pangalawa ay ang matutunang magpatawad, hindi ko pa totally napatawad ang kabit ni dad, but i'm on the process of it. Malaki ang naging kasalanan ni dad at ng kabit nya sa pamilya namin pero aaminin kong may point sya sa mga sinabi nyang, nagmahal lang sila. For the sake of peace, sinusubukan ko syang intindihin. I could say na kahit papaano ay nagiging mature na rin ako sa mga bagay-bagay.
"Aish! Ang asim ng sinigang mo, Bonie! Ano bang hinalo mo dito? Pawis ng kili-kili mo?!" Natatawa na lang ako habang pinapanood si Gab na tumitikim ng ulam na nilapag ni Bonie sa mesa. Tanghalian na kasi. Nakapamewang si Bonie habang hawak-hawak ang sandok na pinanluto nya.
"Hibang ka ba? Magulat ka kung matamis 'yan! Malamang maasim 'yan kasi nga sinigang! Ang arte mo talaga!" Saka nya pa sinapak ang kawawang si Gab gamit ang hawak nyang sandok. Napangisi na lang ako saka inayos ang mga baso namin.
"Aray! Grabe ka sa'kin ha! Ayheytchu forever!" Pagmamaktol ni Gab. Nagtaas naman ng kilay si Bonie
"Walamporeber! Dyan na nga muna kayo at magsasandok lang ako ng kanin!" Naaasar na sabi ni Bonie saka sya bumalik sa kusina. Nagkibit balikat na lang ako saka akmang titikman ang luto ni Bonie nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan kami ni Gab. Nagtaas ako ng kilay saka sya nginitian.
"Please, Gab.."
"Ako na nga." Nakasimangot nyang sabi saka sya tumayo para tignan kung sino ang kumatok. Pinagpatuloy ko ang pagtikim sa sinigang ni Bonie. Uhmm.. Maasim nga! Sumisipa ang asim sa lalamunan ko! Aba, matinde! Ilang sandali pa ay nagsisigaw na si Gab habang may winawagayway na isang brown envelope. Bigla akong kinabahan nang makita ko 'yun.
BINABASA MO ANG
Slut's Instant Babies
General FictionI'm a F*cker but I didn't wish to become a Mother. -- -- [A/N: 'GENERAL FICTION' po ang Category nito (bukod sa Humor) kaya warning lang sa mga HINDI 13 yrs. old & above readers, pwede nyo rin naman basahin pero pinapaalala ko lang po na 'NON-TEENF...
