Ch.13 : *Tut* Motel

11K 172 7
                                    

"I-press mo na brey, bilissss!" kinikilig na sabi ni bonie habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. nai-type ko na kasi yung number ni Nicasio—pft. Di pa rin talaga ako makapaniwala na sa gwapo nyang yun eh NICASIO ang pangalan nya. Wahahahaha! Grabe lang laugh trip naming tatlo kanina!






"Wag kang atat bonie, ito na nga oh." nag-clear throat muna ako bago ko i-press yung call button





*Ring Ring~*





Tumutunog na. mas dumikit naman si gab at bonie sakin saka nilapit ang mga tenga nila sa CP ko. mga eng-eng talaga 'tong magkapatid na 'to. Naka-loud speaker na nga eh. 






[Hello?] Oh-kay?




Nagkatinginan kaming tatlo nang may magsalita sa kabilang linya. Bakit parang iba ata yung boses nitong Nicasio na 'to? Boses ng matandang lalaki eh!





"Ehem.. Nicasio?" bungad ko. bigla namang nagtakip ng bibig yung dalawa pagkabanggit ko ng 'Nicasio' at halatang pinipigilan nila ang matawa






[Ay opo, sino po sila?] SAY WHUT?!






"Ay! Wrong number ata eh.." bulong ko sa dalawa tsaka ko tinignan yung number sa calling card at number na ini-type ko sa CP ko, pareho naman pero bakit ganun? Sino 'tong hukluban na sumagot sa tawag ko?





[Hello po? Andyan pa po ba kayo?—Mang Nic, let's go—ah opo sir, nandyan na po!] biglang nanlaki ang mga mata naming tatlo nang marinig yung familiar na boses na kausap nitong kausap namin sa kabilang linya. Si Mr.*Hawt* Stranger yun!






"T-TEKA! YUNG SIR NA TINAWAG MO KANINA, PWEDE BANG PAKAUSAP SA KANYA?!" sigaw ko sa kabilang linya. Napangiwe naman si gab at bonie dahil sa bigla kong pagsigaw. Sarreh naman!

Slut's Instant BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon