"I told you, it's been years already! And we both know that Briana doesn't have to do anything with our parents' divorce! Your asshole father is the one who is responsible for all of this! He clearly know that Briana was my fiancee but what did he do? He forced Briana to cheat on me in return of saving her family's business! It's him you should hate and not my woman!" Biglang sumakit ang ulo ko habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi ni Santi. Bigla na lang may mga imahe na lumalabas sa isipan ko habang pinapakinggan s'ya, mga malalabong imahe.
"Don't call him asshole, kuya! He's still our father! Si Briana ang may kasalanan ng lahat! Kung hindi sana sya tanga para tanggapin ang alok ni daddy, hindi sana nangyari ang lahat ng ito! Kuya! Nandun ka noong muntik na mag suicide ang mommy nang mag file ng divorce ang dad! At nandun ka noong itutok ko ang baril sa sarili ko nang iwan ako ni Ryan para lang ipagpalit sa babaeng 'yun! Nasaksihan mo lahat ng paghihirap namin ni mom, kuya! Alam mo na may suicidal tendency kami, pero bakit pilit mo pa rin binabalikan ang babaeng 'yun?! Hindi ko maintindihan! Hindi ba pwedeng kami naman ang kampihan mo, kuya?! Kami naman!" Histerikal na sigaw ni Savina habang sinasabunutan ang sarili nya. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Damn it, Sav! You know how hell I've gone through the moment she left me! I chose to take care of you and mom, to be with you instead of chasing her! But Sav, don't you think it's time for me to have my own happiness too? All my life, i've never asked you for anything, just this one, Sav. For once, can you consider what will make me happy, too?" Kahit nakapikit ay rinig ko ang pagsusumamo ni Santi. Hindi ko na napigilan ang pagdaing. Impit akong napasigaw dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Bigla na lang unti-unting bumabalik ang mga ala-ala sa isipan ko.
"That's not love, Briana. Mga bata pa kayo, ilang taon ka pa lang ba? You're just sixteen, and Santi is just eighteen. Both of you are still young. You should enjoy first before getting into a serious relationship." Dahan-dahan akong nilapitan ni tito Damian, ang daddy ng fiance kong si Santi. Hindi ko inaasahan ang paghalik nya sa labi ko! I am his son's fiancee, for pete's sake! Hindi ko napigilang umiyak. Pinagsasampal ko sya dahil sa ginawa nya pero nahuli nya ang kamay ko kaya napatigil ako kahit na nanggigigil ako sa sobrang galit!
"Alam mong nalulugi na ang family business ninyo! Ang mommy mo ay lulong na rin sa droga! Kapag pumayag kang maging akin, sisiguraduhin kong hindi kayo maghihirap, Briana. Ipapagamot ko rin ang mommy mo. Wala ng iba pang tutulong sa pabagsak ninyong negosyo dahil sa bad reputation ng pamilya n'yo! Alam ng tito at tita mo ang tungkol dito at pumayag sila. Nasa iyo na kung sasabihin mo sa mga magulang mo ang tungkol dito." Napahikbi ako sa sinabi nya. Alam ng tito at tita ang tungkol dito? Kaya ba ganoon na lang sila kabait sa akin ay dahil may iba silang gusto mula sa akin? Bakit ako pa? Alam nilang may fiance na ako! Alam nilang nagmamahalan kaming dalawa ni Santi! Bakit nila nagawa sa akin ito?!
Naramdaman ko ang pag panic ni Gab at Bonie sa tabi ko nang muling sumakit ang ulo ko. Napapikit ako at pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko na lang ang mabilis na pagtakbo ni Santi palapit sa amin. Napapikit ako muli nang makaramdam ng pagsakit ng ulo. Naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin ni Santi habang sinisigaw ang pangalan ko.
"Kuya Santi, ano ba! Hayaan mo na ang babaeng 'yan! Baka nagda-drama lang 'yan!" Rinig kong sigaw ni Savina sa kanya pero hindi sya pinansin ni Santi. Pinilit kong magmulat ng mga mata para tignan sya. Kita ko ang takot at pag-aalala sa kanya. Tinitigan ko syang mabuti. Napapikit akong muli dahil sa pagsakit ng ulo ko. Unti-unting nagbalik ang mga ala-ala ko. Si Santi.. Naalala ko na kung paano kami unang nagkakilala.
"Miss, are you okay? I think you're drunk." Naramdaman ko na may umalalay sa akin para tumayo. Tumingala ako at namangha nang makita ang isang napaka-cute na lalaki. Sa tingin ko ay mas matanda sya sa akin ng ilang taon. Nakasuot pa sya ng school uniform at mukhang kagagaling lang sa school.
"I'm okay. Thank you!" Humawak ako sa magkabilang braso nya para makatayo. Ngumiti sya at parang natatawa dahil sa naging itsura ko. Nakatunganga lang kasi ako sa kanya. Ang cute nya talaga! Ano kayang pangalan nya? Ngayon ko lang sya nakita sa village namin! I think he's got a foreign blood. Amerikano siguro ang isang 'to. Sabagay, nasa Las Vegas ako, malamang puro amerikano ang nandito.
"No problem. By the way, i'm Santi.. Santi Lothario, and you are?" Naglahad sya ng kamay sa harapan ko. Di ko na napigilan ang kilig ko. Kahit lasing ako ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng kilig!
"I am Briana, Briana Louis C. Andrada! Nice meeting you, Santi." Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin sya. Ilang sandali pa kaming nagtagal sa gilid ng kalsadang 'yun. Nakaupo habang nag-uusap. Naikwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako naglasing. Nag-away na naman kasi ang daddy at ang mommy sa bahay kaya umalis ako at uminom sa bahay ng kaklase ko. Alam kong bata pa ako para uminom pero iyon lang kasi ang alam kong paraan para makalimot. Simula ng araw na mag-usap kami ni Santi ay araw-araw na kaming magka-text. Hiningi nya kasi ang number ko bago nya ako ihatid sa bahay namin.
Naging close kami sa isa't-isa. S'ya ang lagi kong tinatawagan kapag may problema ako sa bahay, at kapag nag-aaway ulit ang mom at dad. Hanggang sa mag birthday ako, 15th birthday ko, naghanda sya ng surprise para sa akin. Sa garden nila, puno ng mga ilaw at garlands. Tuwang-tuwa ako. Nandoon lahat ng pamilya nya, ang mom at dad nya, at ang kapatid nyang si Savina. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing 'yun, iyon kasi ang gabi kung saan nag propose sya sa akin. Mga bata pa kami para magpakasal, kaya nga proposal pa lang ang inalok nya sa akin. Hindi naman bago sa amin ang teen engagement. Dahil na rin siguro sa kinalakihan naming lugar. Normal na lang ang maagang pag po-propose ng kasal kahit wala pa sa tamang edad.
![](https://img.wattpad.com/cover/33103991-288-k549459.jpg)
BINABASA MO ANG
Slut's Instant Babies
BeletrieI'm a F*cker but I didn't wish to become a Mother. -- -- [A/N: 'GENERAL FICTION' po ang Category nito (bukod sa Humor) kaya warning lang sa mga HINDI 13 yrs. old & above readers, pwede nyo rin naman basahin pero pinapaalala ko lang po na 'NON-TEENF...