Ch. 12 : Calling card

10K 198 13
                                    

Brey's P.O.V.







"Thank you ma'am.." nakangiting sabi sa akin nung matandang lalaki na kausap kanina ni Mr.*Hawt* Stranger pagka-abot ko ng bayad, tinanguan ko lang sya saka ko na pinaandar yung engine at sinara yung bintana ng kotse






Nalaman namin kanina sa matandang lalaki na kausap ni Mr.*Hawt* Stranger na nagpa-ayos pala sya ng hood ng kotse nya. Dahil ata dun sa pagkakahagis ko ng stiletto ko kagabi. Well, kasalanan nya rin naman yun dahil isa syang malaking epal na bigla nalang bumubusina kaya ko natamaan yung hood ng kotse nya, buti nga sa kanya! 





"Brey, sa tingin mo ba kilala ka nung lalaking yun dahil sa sinabi nya sayo kagabi?" tanong ni bonie sabay dukot sa nilalamon nilang lay's ni gab, yung natirang junk food ng demonyita kong pinsan dito sa kotse KO. Dugyot talaga ng bruhang yun!





Na-ikwento ko pala sa kanilang magkapatid yung tungkol dun sa sinabi sakin kagabi ni Mr.*Hawt* Stranger na 'You never changed.' Sa totoo lang, di naman big deal para sakin kung kilala nya man ako dahil di na nakakapagtaka yun, sa ganda at karisma ko ba namang 'to? Sino ang 'di makakakilala sakin? kaso nakaka-curious lang talaga dahil bukod sa familiar sya sakin eh parang sya yung tipo ng lalaki na hindi madaling malandi, though alam ko namang wala ni isang lalaki ang makakahindi sa kamandag ko pero parang iba talaga sya eh.






"Bakah namarn ishtokeyr ni brey.." Sabi naman ni gab habang tumatalsik-talsik pa yung nginunguya nya sa maganda kong mukha, napapunas tuloy ako ng mukha. sya kasi ang katabi ko at talagang nakaharap pa sya sakin habang nagsasalita, nasa likod naman si bonie. Isang dugyot din 'tong si gab!





"Tsk! Wag ka ngang dugyot gab, ihagis kita palabas dyan eh!" naiinis kong reklamo, bigla naman syang tumigil sa pagnguya habang nakatingin sa labas ng kotse






"UY BREY! YUNG LALAKING SEXY OH!" napatingin naman ako sa side kung san sya nakaturo.






"Ang hot nga talaga nya brey, kahit nakaupo lang sya at walang ginagawa eh ang sexy pa rin nyang tignan." Komento naman ni bonie sabay agaw ng kinakain ni gab

Slut's Instant BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon