Ch.32: Curious

5K 102 1
                                    


Bonie's POV




Kinaumagahan, pagkatapos naming mag-almusal at maligo ni Gab ay umalis na agad kami ng apartment para puntahan ang bahay nila Brey. Dala-dala rin namin yung laptop namin gaya ng sabi ni Brey.





"Bakit kaya kelangan pa natin dalhin 'tong laptop? Ang bigat kasi." Pagmamaktol ni Gab habang naghihintay kami ng taxi.







"Malay ko rin." Kibit-balikat kong sagot. Ngumuso naman sya habang hirap pa rin sa pagbitbit ng laptop nya.








"Bigat talaga~" napa-irap ako sa reklamo ni Gab








"Eh bakit kasi hindi mo nilagay sa loob ng bag 'yan ha? Gaga mo talaga!" Naaasar kong sabi sa kanya. Mas lalo naman syang ngumuso. Sino ba namang hindi maiinis sa katangahan ng kapatid ko? Pati nga yung charger at fan ng laptop eh buhat-buhat nya. Hay naku!







"Hey, single ladies." Pareho kaming napatalon ni Gab sa gulat nang biglang may humintong kotse sa tapat namin. Automatic na napa-irap ako sa ere.







"Ang aga-aga pa para mang-asar ka Satyr, pwede ba?!" Naiirita kong sabi. Ngumisi lang sya. Narinig ko namang humagikhik si Gab sa tabi ko. Tsk. Isa pa 'to.








"San punta nyo? Hatid ko na kayo."





Slut's Instant BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon