Ch.38: Pinsan

5.8K 106 2
                                    


Brey's POV



"Miss, hindi pa ba tayo aalis? Thirty minutes na tayong nakatambay lang dito. Tumatakbo yung metro ng sasakyan." Tinignan ko ng masama yung taxi driver dahil sa irita ko.






"Teka lang manong! Excited much ka eh, babayaran ko naman ang metro. Kung gusto mo, pati tuition fee ng anak mo bayaran ko na rin. Wag ka lang maingay dyan." Napakamot lang sya ng ulo saka tumahimik. Nanggigigil pa rin ako habang pinapanood ang pagtataksil na ginagawa ni Santi sa akin. Gusto kong pumasok sa loob at sugurin ang dalawa pero may something na pumipigil sa akin kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong panoorin ang ginagawa nila. Actually, reaksyon lang ni Santi ang nakikita ko dahil hindi ko naman makita yung mukha ng babaeng kausap nya. Nakakunot ang noo ni Santi at parang seryoso ang pinag-uusapan nila.






"Tsk. Tara na nga manong. Alis na tayo!" Naiirita kong sabi. Napakamot ulit sya ng ulo saka pinaandar na ang taxi. Habang nasa byahe ay hindi pa rin nawawala ang inis ko. Parang kagabi lang, ang sweet-sweet nya sa akin tapos ngayon? Nakuha nya pa akong lokohin!






"Dito na lang, manong." Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. Inabutan ko sya ng isang libo kahit 600 lang talaga ang dapat kong bayaran. Padabog akong nag-door bell saka padabog na pumasok sa loob nang magbukas ang gate.






"Manang, juice nga!" Naiirita kong sabi pagkapasok ko sa loob. Nagmartsa ako papuntang sofa pero napatigil ako sa paglalalakad. Nanlaki ang mga mata ko nang di inaasahang makita si Syra dito. Ang demonyita kong pinsan ay nandito?! What the actual fuck?







"Anong--"







"Heto na ang juice, ay! Pinapasok ko nga pala si Madam Syra." Naiilang na sabi ni Manang Tits nang mapansing nakatitig ako ng masama sa pinsan ko. Kinuha ko ang juice saka wala sa huwisyo ko itong nilapag sa mesa.







"Iwan mo muna kami, Manang." Tumango si Manang Tits saka mabilis na umalis







"What are you doing here at pa'no mo nalamang nandito ako?" Naiirita kong bungad. Ngumisi sya saka tumayo at humalukipkip sa harapan ko







"I've heard from Manang Titania na matagal ka na raw kasal at may anak ka na, that's so funny! Pero alam mo kung ano ang mas nakakatawa? Yung may amnesia ka raw! Bitch, you actually believed that? I never thought that you are this dumb, Briana. Hindi ka pa kinakasal ever at mas lalong wala kang amnesia! Tanga ka ba? Wake up!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang ibuhos sa mukha ko ang juice na nasa mesa. Napasinghap ako at tinignan sya ng matalim, balak ko sana syang sugurin at pagsasampalin pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong dapat maging reaksyon sa ganitong sitwasyon.







"Oh well, hindi naman yun ang pinunta ko dito. Nakakatawa lang talagang marinig yun. Anyway, nandito ako para ipakita sayo 'to! Believe it or not, pero nahanap ko ang mistress ng dad mo, and yes, nakaligtas s'ya sa car accident. Buhay ang kabit ng dad mo, bitch." Hinagis nya sa akin ang isang brown envelope na agad ko naman nasalo. Napatitig ako dito.






"Don't thank me for that. Ang gusto ko lang namang kapalit ay ang 40% na ipinamana sayo ng parents ko, ilipat mo lahat ng iyon sa account ko. Afterall, akin naman talaga yun dahil hindi ka naman tunay na anak ng mom at dad. I need the money this weekend kaya bilisan mo ang paghulog nito, or else.. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!" Pagbabanta nya saka nya pa ako binunggo sa balikat bago sya tuluyang umalis. Naiwan akong nakatungaga lang doon at hindi alam ang gagawin.

Slut's Instant BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon