"nasan ako?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko, napabalik ako sa realidad ko ng may narinig akong umubo sa gilid ko ng tinignan ko ito nakita ko ang lalaki na umuubo ng tubig at medyo nakamulat na ang mata.
Nilapitan ko siya at mahinahong hinaplos ang likod niya "okay kalang ba?" nag aalalang tanong ko sakanya.
Napatingin siya sakin at medyo napalayo kaya napabitaw ako sakanya "Eun-Young? Anong ginagawa mo dito? Buhay ako?" sunod sunod na tanong niya sakin pero isa lang ang nakakuha ng interest ko yun ay ang tinawag niya sakin.
"Eun-Young? Ako?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Oo, sino pa nga ba"
"Nagkakamali ka, hindi ako si Eun-young. Ang pangalan ko ay eun-jeong." pagpapaliwanag ko sakanya.
"bakit mo ko tinulungan?" blanko ang mukha niya.
'galit ba to sakin dahil tinulungan ko siya?'
"bat parang ayaw mo pa?" mataray na tanong ko pabalik sakanya
"may nagpapakamatay ba na gustong maligtas? tanga kaba?"
'aba't tangina neto ah'
"asan ba tayo? may cellphone kaba diyan?" mataray na tanong ko sakanya.
"nasa dyesong river..." kunot noong sabat niya "bakit parang hindi mo alam, e lagi na naman dito pumupunta" dagdag pa niya
"huh? ngayon lang ako nakapunta dito" takang wika ko.
"ano ba nangyayare sayo eun, hatid na nga kita sainyo" sabi niya sabay hawak sa pulsohan ko "tara na..." nagpadala nalang ako sakanya mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.
Habang naglalakad wala ni isang nagsalita kaya napagdesisyonan kong magsalita "alam mo ba kamukha mo yung prinsipe na nakita ko sa internet, this may sound weird pero totoo talaga kahit search mo pa name niya, Wang Seo Jung" wika ko sakanya, bigla nalang siya napahinto ng lakad at tumingin sakin ng nakakunot ang noo.
"...bakit?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"anong lengwahe yan at sinong Wang Seo Jung, Seo Jung ang pangalan ko pero hindi Wang at saka para sa may dugong maharlika lang ang mga Wang" pagpapaliwanag niya kaya ako naman ang napakunot ang noo dahil sa sinabi niya.
"ha? same kayo ng name?" tanong ko
"name? ano yan?" takang tanong niya
"pangalan, same kayo ng pangalan" tumango lang siya, tumahimik na ako at tumingin na sa nilalakaran namin mas lalong nangunot ang noo ko ng makita ang mga bahay na nadadaanan namin mga sinaunang bahay.
"sandali! nasan tayo?" pagpipigil ko kay seo jung daw.
"nasa jeonsan, ano ba nangyayare sayo eun?" I'm still processing what's happening, I don't want to freak out. Napakaimpossible naman ng nasaisip ko.
"anong taon na?" tulirong tanong ko
"marso 13, 1391" nagtatakang sagot niya.
"impossible..." i said to myself, baka inuuto niya lang ako "sigurado ka ba? hindi mo ba ako binibiro?" kahina-kahinalang tanong ko sakanya.
"bakit naman kita bibiruin?" nakita ko namang seryoso siya habang sinasabi yon kaya medyo naniwala ako.
'baka panaginip lang to' pagkukumbinsi ko sa sarili ko 'tama panaginip lang to'
Ipinagsawalang bahala ko nalang muna ang iniisip ko at nagpadesisyonang e-enjoy nalang ang panaginip ko, baka naman sa kakatingin ko sa mukha ng prince na yun napanaginipan ko siya.
YOU ARE READING
THE FORGOTTEN || JW STORY
Historical FictionWhen the sun and moon collide, the 21st century young woman will be taken back in time to the Goryeo Dynasty of Korea in the body of her late ancestor, Cha Eun-young, and she will meet the prince, who has been forgotten for a long time. Will she be...