Habang abala ako sa pagseserve ng mga order ng customer, pumasok si seo jung sa restaurant, he's wearing a light blue hanbok. He looks so fresh and handsome.
"miss! ano tulala kana lang ba diyan? ang order namin nasaan na?" sigaw ng matandang lalaki, tinignan ko siya ng masama napatahimik naman siya.
Agad kong kinuha ang order niya at nilapag sa mesa niya saka umalis at pumunta sa direction ni seo jung.
"seo jung! anong order mo?" maligayang bati ko sakanya, tinignan niya lang ako saka nag order ng rice soup.
"okay!" umalis nako para ibigay kay hae won ang order niya.
Maya maya pa may pumasok na lalaki base sa hitsura niya mukhang suplado 'to. Napalunok ako ng makitang nakatingin siya sakin kaya nilihis ko ang tingin ko at tumalikod para kunin ang order ni seo jung.
Lumapit ako kay seo jung saka nilapag sa mesa niya ang rice soup. Nginitian ko siya bago tumalikod para pumunta sa lalaki na mukhang suplado.
"mm, ano po order nyo?"
Hindi siya nagsalita pero tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, his eyes stayed at my breast kaya pinagcross ko ang kamay ko sa aking dibdib 'aba't bastos to ah!'
"ano tinitingin tingin mo diyan?" inis na wika ko sakanya, nginisihan niya lang ako at nag order ng noodles.
Inis akong naglakad papalapit kay hae won at sinabi ang order ng lalaki.
"o ba't parang inis na inis ka?" tanong ni hae won.
"wala, wag mo nalang akong intindihin" ani ko sakanya, tumango naman siya.
"eun-young, ito na ang noodles..." kinuha ko na ang noodles at nilapag sa mesa ng lalaki, aalis na sana ako ng bahagya niyang tinapik ang pwetan ko, kaya nanlalaki ang mata ko sa gulat.
"bastos ka ah!" galit na sigaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako.
Kuyom ang kamao ko at handa na sana siyang suntokin ng bigla nalang umulhot si seo jung sa gilid ko at pinagsusuntok ang lalaki. Nagpalitan sila ng suntok, nakita kong dumugo ang ilong ni seo jung pero mas maraming sugat ang manyakis na lalaki. Nilapitan ko si seo jung para awatin mabuti nalang at huminto rin siya. Hingal niyang pinahid ang dugo sa ilong niya saka ako tinignan, madilim ang mukha niya at parang galit talaga.
"seo jung...ang ilong mo dumudugo" nag aalalang ani ko sakanya. Hinawakan ko ang braso niya para huminahon siya kapagkuwan ay huminahon naman siya saka umalis.
"seo jung!" tawag ko sakanya pero dere-deretso lang ang lakad niya, sinenyasan naman ako ni hae won na sundan kaya tumango ako at tumakbo papunta kay seo jung.
Nang maabutan ko siya hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa bahay, hindi naman siya nagreklamo at nagpadala lang sakin.
Ng makarating sa bahay, iniupo ko siya sa malaking mesa sa labas at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. May nakita akong first aid kit dito kanina habang naghahanap ng masusuot. Nang makita ko ang first aid kit dalidali na akong lumabas nakita kong nakahiga si seo jung ang braso niya nakatabon sa mga mata niya. Napabuntong hininga ako saka nilapitan siya.
Umupo ako sa gilid niya at tinignan siya, he looks so peaceful. Nagulat ako ng inalis niya ang braso niya at bumangon. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, namula ako dahil sa hiya. Tumikhim siya at tumingin siya sa gilid, habang ako naman ay kinakalma ang puso ko.
'what the heck, eun jeong? may boyfriend ka!'
YOU ARE READING
THE FORGOTTEN || JW STORY
Historical FictionWhen the sun and moon collide, the 21st century young woman will be taken back in time to the Goryeo Dynasty of Korea in the body of her late ancestor, Cha Eun-young, and she will meet the prince, who has been forgotten for a long time. Will she be...