Nang makabayad na ang lalaki nagtaka pa ako ng hindi pa siya umalis kaya nagpasya akong lapitan siya at tanongin.
"mm...may kailangan pa po ba kayo sir?" kalmadong tanong ko sakanya, tinignan niya ako saka nagsalita.
"may alam ka bang pwedeng matutulogan dito?" kalmadong tanong niya, napaisip muna ako saka biglang pumasok sa isip ko ang bahay ni mama, sabi niya kasi maaakupahan niya yung kwarto ko.
Tinanguan ko ang lalaki "meron po, sandali at magpapaalam lang ako tapos ihahatid kita doon..." nakangiting bulalas ko tumango naman siya at hinayaan akong umalis.
"hae won, pwede na ba akong umalis? wala naman ng customer..." mapaalam ko kay hae won, nag okay naman siya kaya linapitan ko na ulit ang lalaki at inayang sundan ako.
"ano nga pala ang pangalan mo?" nag aalinlangang tanong ko dahil baka ayaw niyang ibigay pero hindi ko alam kung ano itatawag sakanya.
"...seonwoo" tipid na sagot niya
"ako nga pala si Eun Jeo- ay Eun-Young..." tumango lang siya.
Nang makarating kami sa bahay ni mama nagtaka pa'ko ng makita si Seo Jung na nandito tinutulungan si mama sa paglilinis ng bakuran.
"mister! nandito ka pala" nakangiting wika ko, napangiti naman siya pero unti unting nawala ng makita si Seonwoo, napakunot ang noo niya. Tumayo siya saka lumapit saamin ni seonwoo.
"mahal, sino yang kasama mo?" nagtatakang tanong niya sabay tingin kay seonwoo.
"mister, si seonwoo pala..." wika ko sabay turo kay seonwoo, tinanguan naman niya ito at ganon din ginawa ni seonwoo "Seonwoo, asawa ko pala si Seo Jung..." pagpapakilala ko kay Seo Jung.
Nakita kong medyo nanlaki ang mata ni Seonwoo pero kapagkuwan ay bumalik din sa walang emotion ang mukha niya.
"o anak! buti naman at dumaan ka dito nagluto kami ni seo jung ng haponan nati– o may kasama ka pala anak..." wika ni mama
"mama, kailangan po ni seonwoo ng matutuluyan...diba sabi nyo paaakupahan nyo ang kwarto ko?" tumango naman si mama, tinignan niya si seonwoo saka nginitian.
"mukang pagod na pagod ka, ijo..." nag aalalang tanong ni mama, tipid naman siyang nginitian ni seonwoo.
Dinala ni mama sa kwarto si seonwoo para ipakita kung okay lang ba sakanya, habang ako at si seo jung naman ay naiwan sa labas. Naramdaman ko nalang na ipinalibot niya ang kanyang kamay sa bewang ko at hinagkan ako.
"namiss kita, mahal..." malambing na ani niya
'See? napakaclingy niya. I'm not complaining though'
"ano ka ba mister! e ang lapit lang naman ng pinagtatrabahoan ko" natatawang wika ko sabay palo sa braso niya, pati siya ay natawa din sa kabaliwan niya
Napabitaw naman siya ng lumabas si mama at seonwoo, nakita ko pang medyo nangunot ang noo ni seonwoo pero ipinagsawalang bahala ko nalang yun.
"tara na't kumain ng haponan..." nakangiting wika ni mama
Tinulungan ko si mama sa paghahanda ng haponan habang ang dalawa naman ay nakaupo lang sa labas. Habang nasa kusina nag uusap kami ni mama.
"kay gwapong bata naman nung kasama mo anak, mukang anak mayaman bat napadpad dito?" nagtatakang tanong ni mama, napakibit balikat naman ako.
"hindi ko din alam mama e, kumain lang yan kanina sa restaurant ni hae won tapos nagtanong kung may pwede daw ba siyang matulogan dito kaya sinama ko siya sabi mo kasi paaakupahan mo yung kwarto ko" wika ko, tumango naman si mama at inilabas na ang mga pagkain.
Nakita kong nag uusap ang dalawa, hindi ko alam kung ano pero mukang nagkakasundo naman sila kaya napangiti ako.
"o siya! kumain na kayo at baka lumamig pa"
Nag uusap lang kami ng kung ano ano at nagtatawanan, si seonwoo nakangiti lang habang nakikinig. Ng matapos na kaming kumain ay nilinis nanamin ang pinagkainan at nagpasya na kaming umuwi ni Seo Jung.
'another day has gone by so fast'
YOU ARE READING
THE FORGOTTEN || JW STORY
Historical FictionWhen the sun and moon collide, the 21st century young woman will be taken back in time to the Goryeo Dynasty of Korea in the body of her late ancestor, Cha Eun-young, and she will meet the prince, who has been forgotten for a long time. Will she be...