Kinaumagahan ay nagising ako na nakayakap kay seo jung habang siya ay ganon din saakin.
I blushed...
Kinuha ko ang kamay niya sa bewang ko saka nilagay sa gilid niya saka tumayo, napagdesisyonan kong lutuan siya ng almusal total ngayon ay mag asawa naman na kami. I forgot to mention na may bahay na binili si seo jung para saamin. Dito kami natulog kagabi, mom insisted that we should move in sa bahay na binili ni seo jung at dun nalang daw siya sa bahay namin. malapit lang naman to sa bahay ni mama kaya pumayag nalang din ako.
I don't know where did he got the money to buy this house, I know for sure that he is the forgotten prince but he isn't aware of his own family tree. I want to ask him about his family but I don't think this is the right time for that.
Madami akong niluto, thank goodness at marunong ako magluto ever since namatay si mama, natuto akong magtrabaho at magluto para mabuhay ang sarili ko.
Habang nagluluto nagulat pa ako ng may kamay na pumulupot sa bewang ko "magandang umaga, misis" malambing na wika ni seo jung.
'potangina seo jung! wag kang ganyan kinikilig ako!'
Napalunok muna ako bago siya binati pabalik.
'ano daw? misis?'
Nakayakap padin siya sa bewang ko saka tinignan niya ang niluto ko, habang ako naman parang na bato dito sa tinatayuan ko.
"anong niluluto mo, eun?" tanong niya saka sumiksik sa leeg ko, parang nakalimutan kong huminga dahil sa position naming dalawa.
"bap (cooked rice), kuk (dishes with broth), kimchi, at banchan (side dishes). hindi ko kasi alam mga gusto mong pagkain e..." sabi ko sabay kamot sa ulo ko, mahina naman siyang natawa.
"kahit ano, basta luto mo gusto ko yan" nakangiting sabat niya
'anong nakain nito? bakit ang sweet niya? I'm not ready for this'
Kapagkuwan ay inalis niya ang kamay niya sa bewang ko saka lumabas ng kusina. Nakita ko siyang hinanda ang mesa. Pagkatapos nun ay binalikan niya ako saka nilagay na ang mga side dishes sa mesa. Pagkatapos ng lahat ay umupo na kami sa mesa. Just like on the movie sa hapag ka uupo kapag kumakain.
Habang kumakain tinititigan ko ang reaction ni seo jung kung nasarapan ba siya niluto ko, initinaas niya ang tingin niya saka tinignan din ako. Itininaas niya ang kilay niya saka may nagtatanong na tingin.
"mm...okay lang ba ang niluto ko?" nag aalinlangang tanong ko, bahagya siyang ngumiti saka tumango.
"ngayon lang ulit ako nakakain ng maayos, kaya salamat misis" mahina niyang sabi
"ikaw ah, kanina kapa sa misis misis na yan ah!" pagbibiro ko sakanya, mahina siyang natawa
"misis naman kita ah, anong masama dun?" nakangiting wika niya
"wala naman akong sinabi mister..." napangiti siya ng tudo ng marinig ang tinawag ko sakanya, lumabas ang dimples niya.
"magtatrabaho kaba ngayon, eun?"
"hindi muna siguro, alam naman ni hae won na bagong kasal tayo" tumango naman siya
"gusto mo bang mamasyal?"
"talaga?!" nasasabik kong wika, nakangiting tumango si seo jung.
Nang matapos kaming kumain ni seo jung ay naligo muna kami, syempre hindi sabay. saka nagbihis para mamasyal sa centro. sabi niya kasi may fiesta daw dun mamaya.
'I'm so excited!'
YOU ARE READING
THE FORGOTTEN || JW STORY
Historical FictionWhen the sun and moon collide, the 21st century young woman will be taken back in time to the Goryeo Dynasty of Korea in the body of her late ancestor, Cha Eun-young, and she will meet the prince, who has been forgotten for a long time. Will she be...