Chapter 18

7 5 0
                                    


Seo Jung POV



Nakita kong tumatakbo papunta sakin si seonwoo kaya napakunot ang noo ko. Nang makarating siya sa harapan ko ay yumuko siya hinahabol ang hininga niya.



"ano ang balita?" kalmadong tanong ko



"kamahalan, nilusob ng mga pirata ang bayan ng Jeonsan..." wika ni seonwoo, nanlaki ang mata ko at nilusob ng kaba ang sistema ko



"nasaan siya?" kinakabahang tanong ko kay seonwoo, nakita kong napalunok ito saka umiling.



"hindi ko alam, kamahalan. ngunit sa kasamaang palad po ay napaslang ang kanyang ina" mababang ani ni seonwoo, bigla akong nawalan ng balansi sa aking narinig buti nalang at nahawakan ako ni eunuch oh.



"kamahalan..." nag aalalang ani ni eunuch oh



"hanapin mo siya, kahit saan basta mahanap mo siya" nanginginig na wika ko kay seonwoo, tuwid itong tumayo saka yumuko para magbigay galang.



"masusunod po, kamahalan"



'sana naman ay okay lang siya'




flashback




Nang makabalik na ako sa palasyo ay deretso akong pumunta sa silid ng aking ama. Nakita ko siyang nakalikod saka nakatayo.




"ama..." pagtawag ko sakanya, binalingan naman niya ako ng tingin. ngumiti siya ng makita ako, nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit.




"anak, maligayang pagbabalik..." nakangiting ani ng hari, nginitian ko siya saka inanyayahan niya akong maupo.




"alam nyo na po ba kung sino ang nasa likod ng pagpapatay sakin?" agad na tanong ko sakanya, tumango lamang siya saka tipid na ngumiti.



"ang reyna at ang iyong kapatid..." napakunot ang noo sa sinabi ng aking ama



"ang mahal na reyna? bakit?"



"hindi ko din alam na makakayang gawin iyon ng reyna at ni han byeol" malungkot na ani ni ama



"ano ang gagawin natin ama?" tanong ko sakanya



"baba na ako bilang hari at ibibigay sayo ang posisyon...ikaw na ang magpasya sa kung ano ang gagawin mo sakanila" wika ng hari, tinignan ko siya at tumango



"masusunod, ama" mahinahong wika ko saka umalis ng kanyang silid.



end of flashback




Sa totoo lang ay hindi ko din alam ang gagawin sa reyna at sa aking kapatid. Gayun pa man ay hindi ko rin matanggap na kaya nilang gawin yon para lamang makuha ang trono.



totoo ngang nabubulag ng kapangyarihan ang tao. to be honest, I'm scared of the throne. Natatakot ako na baka magbago din ako ng dahil sa kapangyarihan na makukuha ko kapag naging hari na ako ng goryeo.



pero sisiguradohin ko na ako ang magbabago ng goryeo, bibigyan ko ng kalayaan ang mga tao.



sa ngayon ang iniintindi ko ay ang kaligtasan ni eun young. hindi ko alam kung nasaan siya, sana ay mahanap siya ni seonwoo at maidala dito sa kaharian. the advantage of being a king is that you can protect the one you love by using your power and that's what I am doing right now. using my authority to search for her and to protect her.



hinaplos ko ang bracelet na magkaparehas sa binigay ko kay eun young, magkikita pa tayo mahal.



'kasi nangako akong papakasalan ka'






















THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now