Chapter 17

9 5 0
                                    


Nagdaan ang ilang buwan ni isang mensahe galing kay seo jung ay wala akong natanggap, hindi ko na alam kung ano ang nangyare sakanya, huling balita ko sakanya ay nasa palasyo na siya. Hindi pa din naman na annunsyo ang pagbabalik niya pero yun ang sabi ni seonwoo. He explained to me that Seo Jung is a prince and that he only stayed here in the village because he was announced dead when he was assassinated along way to celebrate the rain ritual. The king covered the fact the he is alive in order to know who is the person behind the assassination of Seo Jung.





I know for a fact that he is a prince but I was not ready when he left me. It was my fault that I fell in love with him, I should have known my place. Dapat alam kong hindi kami pwede dahil prinsipe siya at hindi naman talaga ako taga rito.





"anak! bilisan mo! aalis na tayo dito!" hinihingal na bungad ni mama at nagmamadaling lumapit sakin hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patakbo





"sandali ma! ano po ang nangyayare!" kinakabahang tanong ko sakanya





"nilulusob ang lugar natin anak! pagnakuha nila tayo ibibinta nila tayo at gagawing alipin..." umiiyak na wika ni mama, kahit kinakabahan ay mabilis akong tumakbo hawak ang kamay ni mama.





Hingal na hingal na si mama at parang hindi na niya kayang tumakbo pa kaya nilapitan ko siya akmang bubuhatin ko siya ng may tumamang pana sa dibdib niya, nanlaki ang mata ko at tinignan siyang unti unting napahiga sa lupa.





Parang nagslowmo ang lahat, nilapitan ko si mama biglang tumulo ang luha ko.





"m-mama..." humagolgol ako ng humagolgol ng maramdamang hindi na siya humihinga





"mama! no...no please wag nyo akong iwan" pagmamakaawa ko pero hindi na siya sumasagot saka may lumabas na ring dugo bibig niya.





Nabitawan ko si mama ng may humila ng buhok ko pinatayo ako at pinaharap sakanya. Malademonyo siyang ngumisa saka hinala ako papunta sa mga umiiyak na babae, hindi ako pumalag at nakatingin lang sa kung saan nakahiga si mama.





for the second time, nawalan nanaman ako ng ina.





bakit ba laging ako nalang ang naiiwan? bakit lagi nalang ako iniiwan? what did i do to deserve this? nakaya kong mamuhay dito dahil kay mama at seo jung pero ngayong wala na silang dalawa hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.





'I feel so lost'




nanginginig ako, inilibot ko ang paningin ko sa paligid marami akong nakitang katawan na nakahandusay, mga bahay na nasunog at mga bata na umiiyak.





tuliro lang ako ng tinali ng lalaki ang kamay ko konektado sa ibang mga babae, pinatayo kami niya saka nag umpisang maglakad. habang naglalakad palinga linga ako sa paligid, hindi ko alam kung saan kami nila dadalhin. rinig ko pa din ang iyakan ng ibang babae sa likuran.





"manahimik kayo kung hindi puputulin ko yang dila nyo!" sigaw ng lalaki nakasakay sa kabayo.





uhaw na uhaw na ako pero hindi naman pwedeng humingi ng tubig kahit karampot na tubig ata ay may bayad.






i know for sure, they will sell us for slavery.





















THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now