Habang naglalakad wala ni isang nagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko and the fact na magpapakasal kami bukas. Di ko na talaga alam.
"di ka ba masaya?" biglang tanong ni seo jung kaya napalunok ako
"hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, akala ko talaga katapusan ko na ng makita ang lalaking yun ang mapapangasawa ko..." kalmadong pagkasabi ko pero ang totoo niyan kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
Hindi siya sumagot, pero nagtaka ako kung bakit sa iba kami dumaan "saan tayo pupunta seo jung?"
"...basta" ani niya kaya hinayaan ko nalang siya.
Dinala niya ako sa market dito sa centro, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito pero kapagkuwan ay nagkaideya nako ng dinala niya ako sa pamilihan ng mga damit. I think he will buy our wedding dress for tomorrow.
"pumili kana ng susuotin mo bukas, eun" sabi niya saka bahagyang nakangiti.
"sigurado ka bang papakasalan mo ako, seo jung? baka naman naawa kalang sakin at napilitan, okay lang naman sakin kung aatras ka makakapaghanap pa kami ni mama ng mapapakasalan ko" nahihiyang ani ko, napabuntong hininga naman siya.
"sigurado ako eun..." sabi niya sabay tingin sa mga mata ko "papakasalan kita" dagdag pa niya sabay angat ng kamay niya para haplosin ang pisnge ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at naramdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko. 'eun-jeong, this is bad'
"kaya wag kana mag isip ng kung ano ano at maghanap kana ng susuotin mo, saka alam na ng mama mo na ako ang papakasalan mo" sabi niya sabay patalikod sakin para maghanap ng susuotin habang siya naman ay naghanap din.
"ija, isa ka ba sa magpapakasal bukas?" nakangiting wika ng lola na nagtitinda ng mga damit, nakangiting tumango naman ako sakanya.
"siya ba ang iyong mapapangasawa?" tanong niya saka tinuro si seo jung na may kausap na lalaki.
"opo lola..."
"aba't bagay kayo ija, mukang mahal ka naman ng batang iyan" nakangiting wika ni lola kaya, medyo nagulat pako sa sinabi niya.
'kami? bagay? at ano daw? mahal ako ni seo jung? oh! please lola wag naman kayong ganyan'
"ah! hindi po lola, hindi niya ako mahal baka naawa nga lang po saakin kasi isa ako sa bidding kanina..." awkward kong sabi kay lola.
"nako! maniwala ka ija, kanina ko pa yan tinitingnan kasi kay gwapong bata. nakita ko kung paano ka niya tignan habang pumipili ka ng damit mukang mahal na mahal ka nga e" malakas na bulalas ni lola kaya napatingin sa direction namin sina seo jung at ang lalaking kausap niya. Tinaas niya ang kilay niya at may nagtatanong na tingin, umiling lang ako saka nginitian siya.
Napaisip ulit ako sa sinabi ni lola 'baka naman maissue lang tong si lola at pati tingin nilalagyan na niya ng meaning? Oo, tama eun. Maissue lang talaga si lola'
"O siya, ija. May nahanap ka na ba?" tanong ni lola kaya ipinakita ko sakanya ang all white na hanbok, it's simple yet it looks elegant saka bagay to sa malaporselana kong kutis.
"nakapili kana ba?" bungad ni seo jung ng makalapit siya saakin, tumango ako sakanya bilang sagot "ikaw? may napili kana ba?" tinanguan niya lang din ako.
Pagkatapos naming mamili ay kumain kami sa labas at binilhan niya rin si mama. He's so kind, hindi ako magsisisi na siya ang papakasalan ko.
'actually, I'm happy and excited for tomorrow'
YOU ARE READING
THE FORGOTTEN || JW STORY
Historical FictionWhen the sun and moon collide, the 21st century young woman will be taken back in time to the Goryeo Dynasty of Korea in the body of her late ancestor, Cha Eun-young, and she will meet the prince, who has been forgotten for a long time. Will she be...