Chapter 12

15 6 0
                                    


3rd person






The Palace



"Kalihim Yoon, pwede mo bang tawagin ang Commander-in-Chief" utos ng hari sa kanyang secretarya.



"masusunod po, mahal na hari..." wika ni kalihim yoon at yumuko bilang tanda ng paggalang sa hari.



Pinuntahan ni kalihim yoon ang binatang sundalo sa kanyang silid at nakita niya itong naglilinis ng kanyang patalim. Tumikhim si kalihim yoon para kunin ang atensyon ng binata. Napalingon naman ang binata sakanya atsaka ibinalik muna ang kanyang patalim sa gilid ng mesa niya at sinenyasan si kalihim yoon na umupo sa harapan.



"ano ang maipaglilingkod ko kalihim yoon?" tanong niya gamit ang malalim na boses.



"ipinapatawag ka ng mahal na hari..."



Tumayo naman kaagad ang binatang sundalo at saka sinuot ang pangsundalong damit. Tumayo na din si kalihim yoon at lumabas ng silid, nakasunod lang sakanya si seonwoo.



Nang makarating sa silid ng hari, yumuko ang binatang sundalo at nagpakilala sa hari. Sinenyasan siya ng hari na maupo.



"ano ang ang maipaglilingkod ko sainyo, mahal na hari" magalang na pagsabi ni seonwoo, ang batang pinuno ng sundalo.



"may ipapahanap ako sa'yo..." tumango naman ang binata "gusto ko hanapin mo ang panganay kong anak" nangunot ang noo ni seonwoo pero wala siya sa posisyon para tanungin ang hari patungkol doon.



"Ang pangalan niya ay Seo Jung, hanapin mo siya sa loob ng isang buwan. Ang gawaing ito ay sa pagitan lang nating dalawa, siguraduhin mong walang makakaalam patungkol dito. Nagkakaintindihan ba tayo?" maawtoridad na pag utos ng hari.



Tumayo ng tuwid si seonwo at nilagay ang kamay niyang may hawak ng espada sa dibdib niya "makakaasa po kayo, kamahalan..." wika ni seonwoo at yumuko bilang respeto sa hari.



Tumango naman ang hari "maaari ka ng umalis..." yumuko ulit si seonwoo at lumabas na ng silid.




Habang naglalakad napaisip pa rin siya sa iniutos ng hari sakanya, ngayon niya lang nalaman na may ibang anak pa pala ang hari maliban sa kanilang prinsipe.



Sa tagal ng paseserbisyo niya sa Palasyo ni isa hindi niya pa nakitang magkalapit ang prinsipe at ang kanilang hari. Kahit na matanda na ang hari hindi siya bumaba sa trono kahit na pwede naman na niyang ibigay ang trono sa kanyang anak.



Kim Seonwoo is a well known ruthless soldier and at age of 20 he was appointed as the Commander-in-Chief. Eversince he was a child he was trained by his father to become a great soldier that could help and protect the next King of Goryeo. He was not in favor with their prince as the next King, because he saw that the prince doesn't give a shit about his people but only to his own personal greed. And now that he got to know that the King has another child, he will surely find him and help him to become a king. If, and only if he is fit to become the next King of Goryeo.



Seonwoo looked at the Palace before ridding his horse and starting his journey of finding the missing prince.



















THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now