Chapter 5

20 6 0
                                    


Kinuha ko ang kamao ni seo jung at yun ang inunang ginamot "bakit ba kasi sinuntok mo pa yon? sana hinayaan mo nalang ako ang sumuntok sakanya" pangangaral ko sakanya habang siya naman ay nakatingin lang sa kamay niya na ginagamot ko.



"tss, alangan namang hayaan ko nalang na bastosin ka nun..." inis na usad niya



"ano ba akala mo sakin, aba kung ako yung sumuntok sakanya baka hindi lang yun ang abutin niya, pasalamat siya at ikaw ang sumuntok sakanya" pagtatapang tapangan ko, pinapagaan ko lang ang mood para hindi na siya mainis.



Pagkatapos kong gamutin ang kamay niya ay sinuri ko ang mukha niya, madami siyang pasa at may hiwa din ang bibig niya. Wala sa sarili kong hinaplos ang labi niya nagulat naman ata si seo jung at napatingin siya sakin. Napabalik ako sa ulirat at inalis ang kamay ko at kumuha ng cotton para pahiran ang dumudugo niyang ilong at bibig tapos nilagyan ng pamahid saka tinabunan ng gasa ang pisnge niyang may hiwa.



"eun-young! may mensahe galing sa hari kailangan nating pumunta sa centro" sigaw na tawag ni hae won, tumango lang ako sakanya bilang sagot. Nauna nang umalis si hae won, tinapos ko muna ang pagagamot sa mga maliliit na sugat ni seo jung at inayos ang mga first aid saka ibinalik sa loob ng kwarto ko.



"tara, sabay na tayong pumunta sa centro..." bungad ni seo jung sakin ng makalabas ako ng kwarto, tinanguan ko lang siya. Hindi ko man kasi alam ang daan papuntang centro e, kaya sasama nalang ako kay seo jung.



"para saan ba yang mensahe ng hari, seo jung?" nagtatakang tanong ko sakanya.



"hindi ko alam, baka sa buwis o may mga bagong tuntunin" pagpapaliwanag niya, napatango naman ako.



Parehas na parehas talaga sa napapanood kong pelikula.



Nang makarating kami sa centro, maraming tao tapos may mga kawal na nakapalibot saka may isang lalaki na nakatayo sa intablado may hawak na mahabang sulat. Hinawakan ni seo jung ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.



"lumapit ka dito baka mawala ka, madaming pa namang tao" wika niya kaya medyo lumapit ako sakanya.



Bahagyang itinaas ko ang mga paa ko dahil hindi ko makita ang tao sa intablado, tinignan ako ni seo jung at bahagyang napangiti ng makita ang paa kong bahagyang nakataas.



Napanguso ako...



"Makinig ang lahat! Ang kautusang ito ay galing mismo sa Hari! Dahil sa nalalapit na kasal ni Prinsipe Wang Han-Byeol! Ipinag uutos ng Hari na lahat ng walang asawang babae ay kinakailangang makasal sa loob ng linggong ito!" napasinghap lahat ng marinig ang kautusan.



'that's nonsense!'



Nakakunot ang noo ni seo jung ng marinig ang kautusan.



"Ang hindi susunod sa kautusan ng hari ay may malaking kaparusahan!" sigaw ng kawal na lalaki saka bumaba at sumakay sa kabayo niya sumunod naman sakanya ang mga kasama niya.



Hinila na ako ni seo jung paalis dun saka hinatid sa bahay.



"mauna nako, eun." paalam ni seo jung sakin, nagpasalamat ako sakanya saka kinaway ang kamay ko.



Napagdesisyonan kong ako na ang magluto ng hapunan namin ni mama.



"anak! eun-young asan ka?" rinig kong sigaw ni mama.




"nasa kusina mama!"




Pumasok si mama sa kusina saka nilapitan ako "anak narinig mo ba ang kautusan kanina?" nag aalalang tanong ni mama



"opo, mama..." mahinang sagot ko



"ano na ang plano mo anak? magpapakasal ka?"



"wala naman akong pagpipilian mama" sabi ko kay mama saka nginitian siya "okay lang mama, wag po kayong mag alala" panigurado ko sakanya para wag ma siya mag alala.




I don't know what to do, to be honest. Marriage is not a joke, pero kung hindi ko susundin ito baka malaki ang kapalit.



'Bahala na si batman'

























THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now