Habang naglalakad pa uwi, nararamdaman kong may sumusunod sakin kaya mabilis akong naglakad nagulat ako ng may biglang nagtakip ng aking bibig saka ipinaharap sakanya.bumungad sakin ang nakangiting mukha ni seo jung "ang bilis mo maglakad, mahal..." wika niya, pinalo ko siya sa dibdib saka payak na napangiti
"baliw ka, mister! halos atakihin ako sa kaba!" pagalit na ani ko, tinawanan niya lamang ako saka may kinuha sa kanyang bulsa.
kinuha niya kamay ko saka may inilagay na kulay red na bracelet "para saan to mister?" tanong ko sakanya
"regalo ko sayo, magkapares yan..." wika niya sabay pakita ng bracelet na magkaparehas ng binigay niya sakin.
"hindi mo ba nagustohan?" nag aalinlangang tanong niya, umiling ako sabay ngiti sakanya
"gusto mister" nakangiting wika ko habang nakatingin sa bracelet.
"promise bracelet yan, mahal..." nakangiting wika niya "pangako kong pakasalan ka sa pangalawang pagkakataon" dagdag pa niya, gulat ko siyang tinignan
"h-ha? kasal naman na tayo mister para saan pa gagastos kalang uli"
"hindi pa naman ngayon mahal, makakapag ipon pa ako..." wika niya sabay kindat sakin kaya mahina akong natawa
Habang nakahiga sa silid namin ni seo jung naririnig ko ang panay buntong hinga niya na para bang malalin ang iniisip.
"anong iniisip mo mister?" tanong ko, nakayakap ako ngayon sakanya ganun din siya, malakas na napabuntong hinga siya bago sumagot
"may tiwala ka ba sakin?" mahinang tanong niya, I raised my head to look at him straightly in the eyes.
Tumango ako sakanya "bakit mo natanong mister?" tanong ko
"kahit anong mangyare maniwala kalang sakin, naiintindihan mo ba?" he said desperately, gusto ko siyang tanungin pa pero mas pinili ko nalang namanahimik.
Tango lang ang naging sagot ko sakanya at kapagkuwan ay nakatulog kaming dalawa. Nang magising ako wala na siya sa tabi ko kaya tinignan ko kung nasa kusina siya pero wala hinanap ko siya sa bawat sulok ng bahay pero wala akong seo jung na nakita. Pinuntahan ko ang bahay ni mama pero wala din siya dun pati na rin si seonwoo. Nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay namin kung nakita nila si seo jung pero sabi nila wala daw.
Naiiyak na umuwi ako sa bahay dun ko lang nakita ang isang sulat na nakatupi dalidali ko itong kinuha para basahin. Nang mabasa ko parang nanikip ang dibdib ko.
'anong ibig sabihin niya?'
Binasa ko ulit ang sulat niya "eun, paumanhin pero kailangan kong umalis. wag kang mag alala magkikita at makikita din tayo, hahanapin kita. tungkol sa kasal natin, patawad pero hindi totoong kasal tayo. ginawa ko lang yun para hindi ka makasal sa lalaking hindi mo gusto. wag mo akong hanapin, ako ang maghahanap sayo sa tamang panahon..." humihikbi na napaupo ako sa sahig.
Hindi ko alam kung magagalit ako dahil nag sinungaling siya o malulungkot dahil iniwan niya ako. May ideya ako kung saan siya pumunta kung tama nga ang nasa isip ko, wala akong magagawa. Ito ang nakatakda. Ang nangyare samin ay hiram na sandali lamang.
'pero bakit ang sakit?'
YOU ARE READING
THE FORGOTTEN || JW STORY
Historical FictionWhen the sun and moon collide, the 21st century young woman will be taken back in time to the Goryeo Dynasty of Korea in the body of her late ancestor, Cha Eun-young, and she will meet the prince, who has been forgotten for a long time. Will she be...