Chapter 9

17 6 0
                                    

'Awkward' i said to myself, nandito kami ngayon ni seo jung sa loob ng isang room, and the atmosphere is really awkward. wala ni isang nagtangkang magsalita.



I decided to lighten up the mood "pano ba yan seo jung? pwede ko na bang gawin ang gusto ko ngayong asawa na kita?" pagbibiro ko sakanya, kunot noo naman siyang napatingin sakin.



Kapagkuwan ay napangisi siya "bakit? may gusto ka bang gawin sakin eun-young?" mapang asar na tanong niya, pinanliitan ko siya ng mata 'aba't palaban din pala to'



Tumawa naman siya sa hitsura ko tapos ay tumayo siya saka hinubad ang damit niya, ang natitira lamang sakanya ay ang kulay puting panloob niya. Pagkatapos nun ay binuklat niya ang tela saka inilapag sa sahig. Humiga siya saka tinapik ang gilid niya, senyales na tumabi ako sakanya, tuliro akong lumapit sakanya saka humiga sa tabi niya.



Bahagya niyang inangat ang ulo ko saka ipinatong sa braso niya. Nilagay niya ang braso niya sakanyang mata habang ako naman ay nakatingin lang sa kisame.



"seo jung, may tanong ako..." hindi siya sumagot pero nagpatuloy lang ako sa pagsalita.



"ano yung binayad mo sa pinuno?" I have been very curious about it, that jade looks expensive at binigay niya lang yun ng walang pag aalinlangan.



"...bigay ni mama" simpling wika niya



Napabangon ako ng marinig ang sinabi niya "ha!? bakit binigay mo yun?" inis na sigaw ko sakanya, inalis naman niya ang braso niya sa mata saka tinignan ako sa mata.



"wag kang mag alala, makukuha ko din yun ulit..." wika niya sabay hila ulit sakin pa higa saka nilagay ang kamay ko payakap sakanya.



Our position is so intimate, nakayakap ako sakanya habang nakaunan sa braso niya. This is so sweet, kahit kelan hindi pa ako naging ganito ka lapit kay kai.



kai...



I just remembered na may boyfriend pala ako though not here in this era. 'I'm not cheating right? this doesn't count as cheating right?'



"seo jung, last nalang..." pangungulit ko sakanya tanging mahinang ungol lang ang sinagot niya.



"magpapakamatay ka ba talaga nung araw na yon?" kuryosong tanong ko sakanya.



"...oo"



"bakit?" tanong ko ulit saka tumagilid para makita ng mabuti ang mukha niya.



"basta, sakin nalang yun" may pinalidad sa boses niya kaya hindi nalang ulit ako nagtanong.



Pinaglalaruan ko ang pantali ng damit niya, hindi ko alam kung gising pa ba siya o tulog na. Tinignan ko ang mukha niya at pinag aralan ng mabuti. What I love about his facial features is his eyes, I don't know they're so deep that you'll actually get lost by simply looking at it. Itinaas ko ang kamay ko saka bahagyang hinaplos ang kilay niya pababa sa labi niya. Napatigil ako ng bigla niya hinawakan ang kamay ko na humahaplos sa labi niya. Tinignan ko siya at parang bigla nalang nag iba ang atmosphere sa loob ng kwarto. Napalunok ako.



"b-bakit?" nautal ako sa paraan ng pagtitig niya sakin.



"kanina pa ako nagpipigil, eun..." seryoso niyang sabi, napakurap naman ako "matulog kana" dagdag pa niya sabay tagilid at niyakap ang braso niya sa bewang ko saka siniksik ako sa leeg niya habang ang baba niya nakapatong sa ibabaw ng ulo ko.



'tangina eun jeong! umayos ka!' pangangaral ko sa sarili ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.



'this man will be the death of me..."













THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now