Chapter 2

293 7 0
                                    


Scar's P.O.V

"I saw something in my dreams" sabi ko kay Ruther, at tumingin naman siya sakin, at sumenyas na ituloy ko yung sasabihin ko

"Well, i told you naman before diba? Na nasa dreams ko si kael with someone, and they're dating... and it actually happened, as far as i can remember, my intuitions have never been wrong, and I am afraid that what I'm feeling right now, and what i saw in my dreams... Well, nevermind." Sabi ko na lang sa kaniya at hindi ko na tinuloy ang iba ko pang mga sasabihin, kinurot naman niya ako at sinamaan ko siya ng tingin

"Sino may kasalanan? Sino ba umasa?" Sabi niya at umakto ako na ihahampas sa kaniya ang librong hawak ko, kung ano ano pa sinasabi eh di na lang ako suportahan sa mga kabaliwan ko sa buhay. Atsaka asan na naman ba ang mga teacher, bat wala na naman? Masyado na ata nag eenjoy ang teacher's organization sa province namin ah, bat lagi na lang nag papatawag ng board members?

"May sports competition kasi na magaganap, kaya tignan mo iba nating kaklase wala, mga nasa try out, mga teachers naman nag lalapag ng connections para sa mga need nila" sabi ni ruther, di ko naman tinanong salita ng salita, tsaka bakit ang daming alam nito, parehas lang naman kami ng pinapasukan ah?

"Teacher si mama, siya nag contact sa kakilala niya para mag provide ng medic for standby" sabi niya pa, takte nag babasa na ata ng utak ito, bigla naman niya akong pinitik sa noo, at halos isampal ko na sa mukha niya yung librong hawak ko dahil nagulat ako, di naman ako nagulat talaga, alam mo yung bigla ka na lang nagising, ganun

"Kita naman sa mukha mo kung anong iniisip mo, bumalik ka na nga dun sa upuan mo" sabi niya sakin at inirapan ko na lang siya at agad na bumalik sa upuan ko para mag selpon lang, i mean okay lang naman din sakin na walang mga klase, since hindi naman need kung may natutunan ka o wala eh, basta maayos ka magkabisado at pumasa ka okay na yun. Habang nag lalaro ako ng Mobile legends, taray may free wifi school namin, syempre joke lang, katropa lang talaga namin yung isang teacher kaya lahat kami connected sa wifi ng office, na halos katabi lang namin kaya malakas signal, so ayun nga habang nag lalaro ako naaninag ko ang pag upo ni kael sa tabi ko, ginagawa nito dito? Di naman ito yung upuan niya eh, although di naman kami binibigyan ng assigned seats pero meron kaming designated area, syempre divided kasi kami sa tropa tropa eh.

"Sali" sabi niya bigla at nakita ko naman sa phone ko na defeated ako, di ko na lang siya pinansin at inantay na lang na mag open siya, nang nakapag open na siya agad ko din siyang ininvite at nag start na kami mag laro.

"Di ko jowa yun"  sabi niya bigla, ano ba yan bigla bigla na lang mag sasabi ng kung ano ano, nawawala ako sa focus sa laro eh, kahit classic lang naman toh

"Kael, wala akong pakelam, mag set ka bilis para end na" sabi ko sa kaniya at sinunod naman niya ang sinabi ko, at maya maya pa ay nanalo kami

"Yoko na pagod na ako" sabi ko na lang at nag patugtog sa phone ko, habang nakatunganga ako nagulat ako ng nakatingin sa akin si kael, syempre agad naman akong na conscious, hindi ko naman alam kung bakit siya naka tingin sa akin

"Alam kong maganda ako, wag mo kong titigan" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya ng bahagya at natulog na lang, ano yun? Sira ulo ba toh?

"Hindi ko pa jowa yun, kaya wag kang mag alburoto dyan" sabi niya habang naka tungo sa armchair, umiwas naman ako ng tingin sa kaniya, ano bang problema ng lalakeng toh? Kung ano anong sinasabi, atsaka "pa"? So nililigawan niya? Anyways, what's his point? Bakit niya kailangan sabihin sakin? Eh bakit ba ako affected masyado sa mga sinabi niya, eh wala naman dapat akong pake dun, napaka epal kasi eh, hindi ko naman tinatanong

"Kain tayo" rinig kong sabi ni kael, hindi naman agad ako humarap sa kaniya dahil yung labi ko naka automatic na ngiti, ano naman kayang pumasok sa isip nito at bigla akong inaya kumain? Baka guilty siya kasi alam niyang nag seselos ako? Ano ba yan. Sasagot na sana ako ng pag harap ko sa kaniya ay iba pala ang kausap niya, agad din naman akong umiba ng tingin dahil nakakahiya yun kung nag salita agad ako. Hindi ako natutuwa sa araw na ito ah, masyadong nang iinis.

Always Been with YouWhere stories live. Discover now