"Honey, Does it still bother you?" Tanong ni mark, he's probably talking about my relationship with the rest of the class, I mean, i have been with them since elementary days, and this is probably our last year together, since our school doesn't accommodate senior high. Last year na nga dun pa nagka loko loko, well it's better na din naman na mag end siya ng ganito kesa makipag plastikan pa kami sa isa't isa."Unless you side with them, then it will hunt me forever, if not then don't worry" sabi ko na lang sa kaniya at kinurot niya naman ang pisnge ko at siniko ko siya sa sikmura, masyado na siyang nagiging sweet sakin minsan na cringe na ako instead na kiligin
"Di ko magagawa yun hon, hawak mo na ako for life" sabi niya at inirapan ko na lang siya, agad naman akong humarap sa laptop at tinuloy ang pag register sa possible na school ko for 11th grade
"Hawak for life tapos lalayo naman after graduation, or kaya makakalimutan ako pag nagka jowa" sabi ko sa kaniya at napatawa naman siya di ko naman na siya pinansin pa dahil ayaw niya sabihin sakin sang school siya mag senior high school, eto kasi ako nag reregister sa pinaka malayong school na pwede para sure ako na never ko nang makakasalamuha yung mga dati kong kaklase bukod kay mark kasi wala naman siyang choice kung hindi puntahan ako or puntahan ko siya pag bored ako, unless mag iibang bansa na siya sa SHS niya, kaya baka ayaw niyang sabihin sakin kasi ibang bansa na pala siya.
"Baka umiyak ka dyan ah, di ko lang sinasabi sayo kasi di ko pa alam kung saan ako, atsaka hindi pa ako ready mag jowa, andito ka naman eh" sabi niya sa akin pero dedma siya, actually di ko pa sure tong school na pinag aapplyan ko eh, kasi naman di pa rin ako decided sa strand ko, but definitely tvl yung choice ko, i just don't know what branch, it's either fashion design or tourism operation. They're not so far off naman, but still sobrang undecided ko. Pagka click ko ng send ay nagulat na lang ako ng biglang isara ni mark yung laptop.
"Tara gala tayo, libre ko syempre." Sabi niya, eh dahil wala naman na akong gagawin, at sobrang boring dito ay umo-oo na lang ako sa kaniya at parehas na kaming nag ayos.
Pag dating namin sa mall ay agad muna kaming dumeretso sa bilihan ng ice cream, its almost like a habit of mine, to eat ice cream pag punta ng mall, ewan ba kung bakit ganun medyo iritable ako pag hindi ako kumain ng ice cream pag asa mall.
"Hon, San mo gusto pumunta sunod?" Tanong niya sa akin habang inaabot sa akin ang hawak niyang ice cream, agad ko namang tinikman iyon at ibinalik sa kaniya
"Kadiri bubblegum, yuck! Anyways, bahala ka kung san mo ko dadalhin, sasama naman ako dahil wala akong choice" sabi ko sa kaniya at tumango tango lang siya sa akin. Habang nakain ako ng ice cream ay hindi ko maiwasang mapansin na patingin tingin sa akin si mark, hindi naman ako naiilang pero yung amount ng times ng bawat tingin niya sa akin ay sobra masyado, pero dedma dahil masarap ang ice cream
"Wag ka nga mag madali kumain napaka kalat mo" sabi niya sakin sabay punas sa bibig ko ng tissue, inantay ko naman siyang matapos bago kainin uli ang ice cream. Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay sunod naman kaming pumunta ng arcade, at dun ay nag hiwalay kami dahil siya ay nagpunta dun sa basketball na thingy, tapos ako ay pumunta sa tekken, napaka hilig niya sa sports, lahat ng sports na alam ko ay kaya niya, swimming, basketball, volleyball, badminton, tennis at kung ano ano pa. Habang pinanunuod ko mag laro si mark mula sa malayo ay may biglang pumasok sa isip ko na hindi kanais nais, kaya hindi ko na muna iyon ininda at agad na ibinalik ang sarili sa pag lalaro. Buong mag hapon ay nag ikot ikot lang kami sa mall, natry na namin halos lahat ng stalls na available sa buong mall, nag fitting pa kami ng mga damit kahit hindi naman namin binili yung iba.
Habang nag lalakad pauwi ay nakaramdam ako ng kung ano anong emotion, ang sakit ng dibdib ko bigla, na para bang may nakadagan dito na sobrang bigat na bagay tapos yung puso ko parang tinutusok ng paulit ulit, medyo nahirapan din akong huminga. Baka pagod lang ito... pero hindi eh, sobrang sakit eh. Alam ko naman kung ano tong nararamdaman ko, at alam ko kung bakit, pero in denial lang ako, dahil ayoko masyado mag dwell sa ganung thinking at feelings, pero parang di ko na kaya.
Agad naman akong dumikit kay mark, literal na dikit, at hinawakan ko ang kamay niya. Bigla naman siyang huminto sa pag lalakad at agad na tumingin sakin, hindi siya nag salita, tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa at pinag masdan ako, umiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil di ko pa kayang sabihin kung ano yung nararamdaman ko. Nagulat na lang ako ng bitawan niya ang kamay ko at agad akong niyakap, at doon biglang bumuhos ang luha ko. Ng dahil sa biglaang yakap niya sa akin ay umiyak ako ng umiyak, hindi siya nag salita, hindi niya ako tinanong, niyakap niya lang ako habang ako ay umiiyak ng sobra. Andito kami sa sidewalk sa ilalim ng street lights, para kaming nasa spotlight sa isang movie, nakayakap lang siya sakin.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pag iyak, ay pinakalma ko saglit ang sarili ko, humarap naman sakin si mark at pinunasan ang mukha ko bago siya umakbay sakin at ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi. Ng makarating kami sa bahay niya, ay wala ni isa samin ang nag salita, pero hindi niya ako iniwan kahit isang segundo, hindi siya umalis sa tabi ko.
Nakahiga kami parehas sa iisang kama, at feeling ko madaling araw na pero gising pa din ako, dahan dahan naman akong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Habang nakatulala sa kung saan ay nagulat ako ng biglang gumalaw si mark at sumandal din sa headboard ng kama.
"Honey? Kaya mo na ba pag usapan yung kanina?" Tanong niya sa akin at tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko
"Siguro sumabog lang ako, after everything that happened, anger was the only emotion that I was able to show, I was too prideful to even let myself feel other emotions other than anger. As you probably know, I have always deprived myself of letting my emotions show. Tapos kung ano anong bagay pa ang pumasok sa isip ko, kaya mas lalong nadagdagan ng nadagdagan. And honestly, ang nagpa iyak sakin kanina ay yung thought na kaya mo ko inaya na dito matulog sainyo, at kaya mo ko inaya gumala kanina is because sinusulit mo yung mga araw na kasama mo ko, dahil sooner or later lalayo ka na sakin at sa ibang lugar na titira or mag aaral. I guess, I no longer can stand alone." Mahabang sabi ko sa kaniya at niyakap niya ako, at tumulo na naman ang luha ko
"Alam mo Callie, hindi ko mapipigilan yung mga nararamdaman mo, at lalong hindi ko makocontrol kung ano ang mga iisipin mo, pero gusto ko lang ipaalam sa iyo na hinding hindi ako lalayo sayo, at mas lalong hinding hindi kita iiwan. Actually, wala pa talaga akong school na papasukan, kasi surprise dapat toh eh, inaantay kitang makapag enroll sa school na gusto mo tapos dun din ako mag eenroll tapos gugulatin kita sa first day ng school, kaso dahil dun napag overthink pa kita." Sabi niya sa akin habang pinupunasan ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito sa akin si mark, kasi sobra sobra na ang ginagawa niya para sakin, hindi ko naman masabi na kaya siya ganito sa akin dahil sa ginawa ko para sa kaniya dati, kasi itong ginagawa niya para sa akin ay sobra sobra na. Ayoko din naman masyadong isipin na dahil dun sa ginawa ko para sa kaniya dati kaya siya ganito sakin, kasi ibig sabihin nun parang napipilitan lang siyang maging mabait at tulungan ako dahil sa salitang "utang na loob".
"Callie, Stop. Whatever you're thinking, stop it. Masyado na kitang kilala para malaman ang pattern ng thoughts mo, and yes I do owe you for what you did for me back then, but That's in the past now, i have moved past that, I am grateful for what you did for me, but that's not the reason why I stayed with you. When we started talking until we got closer, I said to myself that I finally found my person, and that's you, you are my person. You are so real and frank about everything except yourself, you are so confident yet so shy, you act so extroverted yet so introverted, you are the epitome of paradox, you stayed completely neutral through everything and anything and I loved that. I just wish that I am your person too, and I know that you still have a lot of things you haven't talked about, and I know you still don't trust me completely, but I am not offended by that, because I understand your way of thinking, and even though you haven't trusted me completely, i can tell that the trust you have given me is greater than what you have given to everyone in this entirety." Mahabang sabi niya sa akin, at nakatingin lang ako sa kaniya, pinag masdan ko ng mabuti ang mukha niya, ang tangos ng ilong niya, medyo makapal yung kilay niya pero sakto lang para sa kaniya, medyo pinkish yung lips niya na medyo mukhang dry, ang cute niya tignan pero ang gwapo din, medyo kita mo yung pagka sharp ng jaw niya, pero meron pa rin siya baby face, at yung mga mata niya, may pagka light brown ito, habang naka tingin ako sa mga mata niya ay tumingin din siya sa akin, parang nag uusap yung mga mata namin, nagulat na lang ako ng bigla niyang ilagay ang isang kamay niya sa batok ko at dahan dahan akong hinila palapit sa kaniya, at hindi ko na napigilang mapa pikit...
YOU ARE READING
Always Been with You
Non-FictionBakit ba apaka taray mo sakin? Kala ko ba may gusto ka sakin? Papaakbay akbay ka pa dyan, makikipag holding hands ka pa tapos tataray tarayan mo lang ako? Diba dapat mabait ka sakin kasi gusto mo ko?" Sabi niya sa akin, hala? Problem neto? Alam kong...