Chapter 14

82 2 0
                                    


"You have forgotten about me, when you started pursuing this girl, so with that logic I will also forget about you while being pursued by this tall and handsome fella" sabi ko sa kaniya, nandito kami ngayon sa bagong cafe sa lugar namin, remember? Yung place kung san ko sila nakita ng girl niya, kapal ng mukha dito talaga ako dinala

"Bakit ba andito tayo? Sabing ayoko dito eh" iritableng sabi ko sa kaniya, bigla niya lang kasi akong hinila kanina, tipong lumabas lang ako ng bahay ko para maghanap ng kainan tapos ayun bigla na lang siya sumulpot kung saan tapos hinila ako dito

"Are you serious with that david guy?" Biglang seryosong tanong sa akin ni mark, sakto naman na dumating ang order namin at uminom muna ako ng kape bago tumingin sa kaniya

"I'm just gonna give him a chance" sabi ko sa kaniya at bigla na namang nagbago ang mood niya at halatang naiinis siya

"Ano bang problema mo sa lalakeng yun ha? Hindi ka naman inaano eh, ako nga dapat ang naiinis eh at dapat hindi na kita kinakausap... you ignored me for a whole fucking month dahil lang bigla kang nagkagusto sa isang tao...  who does that!? Well, apparently, you do that, ugh!" Iritang sabi ko at marahas na tumayo at kinuha ang order ko at lumabas na ng coffee shop, hindi ko din akalain na ganito pala yung naging epekto sa akin ng pag iwas niya sa akin ng dahil lang may nililigawan siya, di ko inakala na ganito pala yung nararamdaman ko... puno ng inis, and i feel so betrayed and left out.

Nag madali lang akong mag lakad kahit di ko alam kung saan ako pupunta, bigla naman akong hinawakan ni mark sa braso na ikinatigil ng paglalakad ko, umakma naman ako na itatapon ko sa kaniya yung kape na hawak ko, at agad naman siyang umilag, pero hindi ko naman itinuloy ang pagtapon sa kaniya nun, kasi kape yun, kaya ininom ko na lang.

"Scar, Mag usap tayo please?" Sabi ni mark at pinanliitan ko siya ng mata at inirapan siya sabay talikod at lalakad na sana ako ng hinila niya ako palapit sa kaniya at bigla akong niyakap ng mahigpit

"Scar please, Hindi kita bibitawan hanggat di ka kumakalma" sabi niya sa akin at mas hinigpitan lang ang pagyakap sa akin, hindi na rin naman ako pumalag dahil malaking tao siya, at kumpara sa akin para akong stick, sexy pa rin naman ako, pero malaking tao lang talaga siya, kaya useless lang pag pumalag pa ako

"Bitawan mo na ako" seryosong sabi ko sa kaniya at napa buntong hininga naman siya, hinawakan niya naman ang kamay ko at nag lakad na, sinundan ko na lang kung saan niya ako balak dalhin...

"Sorry talaga, wala na akong ibang alam na sabihin or gawin kung hindi mag sorry ng mag sorry sayo... hindi ko din alam kung bakit hindi kita kinausap for that long, siguro masyado akong na excite dahil sa may nililigawan ako ngayon... pero hindi yun excuse para kalimutan kita..." sabi niya sa akin pero hindi ko na pinakinggan ang mga susunod niyang sinabi, wala lang parang ang nonsense na kasi ng mga excuses na sinasabi niya eh

"Na excite? Mark, tangina, kung excited ka pumalakpak ka, hindi yung kakalimutan mo kaibigan mo... kung ano anong excuses binibigay mo, aminin mo lang na hindi mo nakikita yung point kung bakit ako nagagalit" at this point sure ako na hindi niya gets kung ano yung pinaka rason kung bakit ako nagagalit, and I might not be able to forget about this for eternity, gusto kong mag lash out sa kaniya ng todo, pero hindi ko na ginawa dahil sobrang nonsense na lang at waste of energy kung hindi naman niya kita yung main point ko... all I can do is do the same to him, so that he'll know what i felt and meant... well, it'll only work if he cares about me, as deep or close to how I care for him

"Have you got no more excuses? Well, I shall take my leave then, good riddance" don't mind my sudden formality, i do this all the time specially when I'm talking to someone I'm very upset with, well upset might be a bit of an understatement for what I am feeling, but that's the only word close to what I feel... agad naman akong umalis na doon at dumeretso sa bahay ko at doon nakita ko si david na nag aantay sa akin, napatingin naman ako sa kaniya ng masama, ngumiti naman siya sa akin ng mapansin niya ako

"David, wala ako sa mood" sabi ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin, pero ngumiti lang siya sa akin at inakbayan ako

"I know, and I also know na pag wala ka sa mood mas gusto mong mag stay somewhere kesa sa house mo, usually kanila mark ka napunta, pero dahil siya ang dahilan ng pagka wala mo sa mood, wala kang choice kung hindi ang umuwi, kaya andito ko para bigyan ka ng another option... sa bahay ko" sabi niya at medyo nagtataka ako kung bakit alam niya yun, oo totoong mas nag stay ako somewhere pag wala ako sa mood, kasi mas nawawala ako sa mood pag asa bahay ako, at dati laging sa bahay ni mark ang deretso ko kahit anong mangyare sa akin... ang tanong pano niya nalaman? I doubt na alam ni mark yung ganitong reasoning ko, pero bakit alam ni david?...

"Andito na tayo" sabi niya sa akin ng matapat na kami sa bahay nila, naglakad lang kami mula sa bahay ko papunta dito, nasa iisang village lang pala kami, at hindi masyadong malayo yung house nila sa akin

"So pano mo nalaman yung mga sinasabi ko kanina?" Agad kong tanong sa kaniya ng makapasok ako sa kwarto niya, ngumiti naman siya sa akin at may binuksan na kabinet at nakita ko na puro pagkain ang laman nito, agad naman akong lumapit doon at namili

"Well, let's just say na, friend ko ang isa niyong ka batchmate, and I also know what happened before your moving up ceremony" sabi niya at hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino yung kaibigan niya, there's only one person in that batch, mark not included, that would know about me, that fact and the drama

"So you are close with one of those who have betrayed me... it's Ruther isn't?" Sabi ko sa kaniya at tumingin sa kaniya ng seryoso, nakita ko naman siya na tumango tango at medyo natawa, napatingin naman ako sa kaniya ng seryoso at ngumiti lang siya at itinuro ang mga hawak ko

"Why? Mayaman ka naman eh" sabi ko sa kaniya at pumunta na sa kama niya at naupo, sumunod naman siya sa akin at inopen ang tv niya

"David, I am not sure what the future holds, but as of now, I still can't see you as someone to have a romantic relationship with, i have no feelings for you as of now... are you still going to continue pursuing something so unsure and chaotic?" Seryosong sabi ko sa kaniya, totoo naman eh, pogi siya, mabait, matangkad, he is literally everything I wanted and have wished for, but I can't like him, well not can't, but I'm not into him, maybe not yet

"Its fine, I can still be your friend, and from now on my goal isn't to be your husband, my goal is to replace mark. I want to be the kind of friend, mark is to you" sabi niya at napangiti naman ako sa kaniya at hahawakan niya na sana ang kamay ko ng biglang nakita ko yung phone ko na umilaw, at nakita ko sa screen na may natawag

"Hello?" Takang sagot ko sa tumawag sa akin dahil wala itong name sa phone ko

"Hello, scar, pwede pasundo si mark dito sa bahay nila Maxene, nag inom kasi kami at ayaw umalis ni mark nag wawala siya dito"

Always Been with YouWhere stories live. Discover now