Chapter 26

105 3 0
                                    


Mark's P.O.V

"Hon, okay ka lang?" Takang tanong ko sa kaniya tinignan niya naman ako mula ulo hangang paa, at tumango lang sa akin at tinuloy niya na ang pag aayos ng damit namin

"Kelan ka tatabi sa akin uli?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa tabi niya, hindi naman siya tumingin sa akin at itinuloy ang ginagawa niya. Nung past time na bago pa mag bago ang lahat, yung gabing magka yakap kami, after nun sinabi niya na dun na siya sa guest room matutulog mas okay daw kasi yun

"I don't know, maybe never, maybe soon" sabi niya sa akin at medyo nainis naman ako, lagi na lang kasi siyang ganyan sa akin, yung mga sagot niya walang gana, minsan di ko pa ma-gets, tapos madalas tumitingin lang siya sa akin tapos walang sasabihin...

Maaga akong nagising dahil gusto kong maabutan na tulog si scar para tatabi ako sa kaniya matulog, dahil ganun ako kakulit. Pero pag bukas ko ng pinto ay wala siya, agad naman akong nag hanap sa buong bahay pero wala siya, narinig ko naman na bumukas ang gate kaya agad akong tumakbo papunta dun, nakita ko naman siya na naka cycling shorts at hoodie habang naka rubber shoes.

"San ka galing?" Takang tanong ko sa kaniya habang nag pipigil nang inis dahil sa ginawa niyang bigla na lang pag alis tapos ang dilim pa sa paligid, pano na lang kung may mangyare sa kaniya sa daan, pero isinantabi ko ang inis ko at nag focus sa kaniya

"Jogging" maikling sabi niya at agad na siyang pumasok sa loob at nilagpasan lang ako. Mas lalo namang nag init ang ulo ko sa ginawa niya, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil hindi ko rin kakayanin pag nag away kami niyan, dahil for sure talo ako sa kaniya.

"Di ako papasok" sabi niya ng makita niya ako sa sala, galing siya ng cr at naka tapis lang siya ng towel sa buong katawan niya, hindi ko naman mapigilang mapagmasdan siya mulo hanggang paa, at napalunok na lang ako ng May kung ano anong pumapasok sa isip ko.

"Bakit di ka papasok?" Takang tanong ko sa kaniya at sinundan siya sa kwarto niya, pero agad naman akong napa talikod ng bigla niyang tanggalin ang towel niya

"Tinatamad ako eh" sabi niya lang, hindi ako umalis sa pwesto ko pero naka talikod ako sa kaniya

"Gusto mo bang wag na din ako muna pumasok?" Sabi ko sa kaniya naramdaman ko naman ang kamay niya sa braso ko at humarap ako sa kaniya

"Nope, pumasok ka, aalis din ako eh" sabi niya sa akin at ngumiti, pero yung ngiti niya halatang pilit, ano bang nangyayare sa kaniya? Ayoko naman na i-confront siya dahil, baka mas lalo pa siya lumayo sa akin, pero gusto ko nang malaman kung ano bang nangyayare sa kaniya.

Ang pwede ko na lang gawin ay mag hintay ng mag hintay, kailangan ko lang mag tiwala na, soon mag sasabi din siya sa akin, baka timatry niya pang intindihan or gawan ng solution yung nangyayare sa kaniya, all I can do is tell him na andito lang ako lagi sa tabi niya...

Pero mali ako, hindi ko na kinaya na ganito na lang siya lagi sa akin, agad naman akong kumilos at nag bihis agad para sundan siya kung saan siya pupunta. Nang nakarating na siya sa pinuntahan niya, naalala ko naman ang lugar na ito, eto yung tagong cafe, yung pinuntahan niya nung iniiwasan ko siya... Andito na naman siya... Ibig sabihin may problema nga talaga siya sa akin, nakita ko naman na sinalubong agad siya ng yakap nung may ari nung cafe, josh ata name nun ewan nakalimutan ko na.
Tangina naman kasi, andito naman ako bakit kailangan sa iba pa siya mag labas ng sama ng loob. Pinag masdan ko lang siya the whole time na andun siya, buti na lang hindi niya laging kasama yung lalake na yun, parang pinupuntahan lang siya saglit nung lalake tapos aalis na din. Tinawagan ko naman ang cellphone ni Scar, at pinagmasdan lang siya, nakita ko naman na nilabas niya yung phone para tignan kung sino yung tumatawag at inilapag niya lang ang cellphone niya sa table, at tinitigan lang ito, ng tumigil na ang pag riring ng phone niya, nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak, hindi ko man kita mula dito ang nga luha niya, pero kitang kita ko kung pano siya umiyak, halata din dahil namumula ang mukha niya at ang bandang dibdib niya, nilapitan naman siya nung lalake at agad itong niyakap, hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong lumapit sa kanila. Bakit siya umiyak? Ano bang nangyayare sa kaniya? Dahil pa rin ba ito sa ginawa ko sa kaniya nung nakaraan? Alam kong hindi nakakalimot si scar sa mga taong may ginawa sa kaniyang mali, pero hindi siya ganito mag react or kumilos, sinasabi niya nang direkta sa tao kung anong ayaw niya dito at kung ano ang gagawin niya at gusto niyang mangyari, hindi yung ganito na hihiwalay siya at lalayo. Nang makalapit na ako sa kanila ay agad ko lang hinila si scar, nag try pa siyang pigilan ako pero para bang hindi ko na siya marinig, susunod na sana yung lalakeng kausap niya pero binilisan ko lang ang pag hila kay scar hanggang nakarating na kami sa sasakyan...

Buong byahe namin pauwi ay walang nag salita saming dalawa, aircon lang at ang mga ingay lang ng mga sasakyan na kasabayan namin ang naririnig sa loob ng sasakyan, ayoko munang mag salita dahil baka masaktan ko lang siya ng sobra kung mag sasalita ako habang sobrang galit ang nararamdaman ko. Hindi ganun kadami ang tanong na gusto kong itanong sa kaniya, pero sigurado ako na hindi niya agad masasagot lahat ng iyon kung hindi ko siya pipilitin, mahal ko siya, mahal na mahal ko siya, makasarili man pero akin lang siya, at hindi ako papayag na mapunta siya sa iba, ayokong makita na sa iba siya ng lalabas ng sama ng loob, wala akong pake kung sa akin siya may sama ng loob, gusto ko sakin lang siya mag rereklamo. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, hindi ko muna agad ipinasok ang sasakyan, pinatay ko lang ang makina nito, akala ko agad na lalabas ng sasakyan si Scar, pero hindi.

"Pwede bang sabihin mo na kung anong problema? Kasi sigurado akong may kinalaman ako dyan, kaya sabihin mo na" medyo may inis na tanong ko sa kaniya, inantay ko lang ang sagot niya pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana, hindi ko na napigilan na mahampas ng malakas ang manibela

"Punyeta naman Scar! Ano bang problema mo ha!? Sabihin mo na, hindi yung lalayuan mo ko ng lalayuan! Asan na yung scar na walang inaatrasan!? Asan na yung scar na walang pake sa iba basta nasabi niya yung gusto niyang sabihin? Asan na yung scar na i coconfrot agad yung problema kesa patagalin pa!? Tangina scar ilang buwan ka nang ganito sa akin, kung tungkol pa rin ito sa ginawa ko sayo, matatanggap ko pa eh, pero alam kung hindi yun tungkol dun" bulyaw ko sa kaniya at nahila ko siya mula sa kwelyo niya, kaya sobrang lapit ng mukha niya sa akin, nakita ko naman ang pag uumpisa ng pag iyak niya... Hindi ko alam, pero kung ano ano nang pumasok sa isip ko, kung ano ano nang nararamdaman ko, naghahalo halo na ang mga emosyon ko... Pero ang alam ko lang ay mahal ko siya... Hindi ko napigilan at agad ko siyang hinalikan habang. nakahawak pa din ako sa kwelyo niya, balak ko na sanang itigil ang ginagawa ko ng bigla niyang inilagay ang isa niyang kamay sa batok ko at napasabunot siya sa akin, dahil dito ay tuluyan nang nawala lahat ng pag pipigil ko at mangyare na ang mangyayare..

"Mahal na mahal kita scar" sabi ko sa kaniya habang medyo hinihingal hingal pa at ngumiti naman siya sa akin

"I can't believe that you're in love with me too, I've been waiting for you to say it... I love you too" sabi niya sa akin at hinalikan ako uli, hinding hindi ko na papakawalan si scar, akin lang siya, at sa kaniya lang ako....











THE END

Always Been with YouWhere stories live. Discover now