Chapter 12

78 4 0
                                    


"Kael? Bat andito ka?" Gulat na sabi ko ng maabutan ko si kael sa labas ng school ko, first of all di ko siya nilapitan nung nakita ko siya, iiwas sana ako kaso tinawag niya ako at tumakbo siya palapit sakin

"Inaantay kasi kita eh, di ko kasi alam schedule mo eh" sabi niya sa akin at may inabot na flowers... flowers? Bakit flowers!? Anong meron?

"Para saan toh?" Takang tanong ko sa kaniya at napakamot lang siya sa batok niya habang parang nahihiya, tangina? Asa Romantic movie ba kami? Bakit parang masyadong feel na feel niya yung pagiging leading man, eh hindi naman siya leading man sa story ko

"Wala lang naisipan ko lang na bigyan ka, at pwede ba kitang ihatid pauwi? Dala ko naman motor ko eh" sabi niya sa akin, at tumingin ako sa motor niya, back when I still have feelings for him I have always wanted to ride on his motorcycle, pero ngayon parang ayoko na, but then mas okay na din kasi hindi ako mapapagastos sa pamasahe. Can you believe it? After na after ng last stay ko dun sa bahay ni mark eh, pa unti unti niya na akong nakakalimutan dahil sa sobrang focus niya dun sa girl, nakakairita sobra, kala ko naman slow pa sa slow yung pag fade ng attention niya sa akin, kala ko aabutin ng months bago ko mapansin yung difference, pero hayup after 3 to 5 days pansin na pansin ko na. Wala nga siya sa subjects namin na magka kaklase kami eh, andun lang siya sa subject niya at nung babae

"Scar?" Nagulat ako ng bigla akong tapikin ni kael, napatingin naman ako ng masama sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin at inabot sa akin ang isang helmet, luh desisyon? Di pa nga ako napayag eh

"Tara na nga" sabi ko na lang sa kaniya, at sumakay na kami sa motor, paalis pa lang kami ng makita ko si mark na may kasamang babae, nakatalikod sila pero masyado ko nang kabisado si mark kaya sure ako na sila yun, mukhang ang saya nila...

"Kael, as much as possible I don't want hurt anyone, well emotionally, because I've had my fair share of emotional problems, so I know how hard it is to deal with them... but please stop, whatever this is, just stop it, I do appreciate it, and also the fact that you're the first person to call himself na manliligaw ko and the first person na nag bigay sa akin ng flowers... I'm really thankful for it, but my feelings for you have died the moment my right fist slammed into your face that day, all my feelings for you is now gone. And this isn't a romantic movie where I secretly still have feelings for you and hides it, no its not like that, it really is dead and gone. Go find yourself a great person, I highly doubt you'll ever find someone like me, but that's the beauty of looking for someone else, they don't have to be me. So thank you" sabi ko sa kaniya at niyakap siya, ramdam ko naman ang paghinga niya ng malalim ng mayakap ko siya

"Kala ko may chance pa ako kahit papano, pero ng dahil sa sinabi mo, ngayon naiintindihan ko na, ang mga bagay na wala na, ay wala na talaga, pero salamat at pinag bigyan mo ako ngayong araw na ito na makasama ka kahit sa isang sandali." Sabi niya sa akin at ngumiti, kita ko naman sa mga mata niya ang pag pipigil niya ng luha, ngumiti na lang ako sa kaniya at pumasok na sa bahay.

I have never felt this feelings before, i feel like the main character of a soft romantic movie, except I rejected the guy, so there's that, but still, I love how this feels, like the world revolves around me. Okay enough of that, hindi na kami masyado nakakapag usap ni mark, as in, kahit chat wala na, daig pa nung mga panahong iniiwasan ko siya, kasi yun iniiwasan ko siya physically pero nag uusap pa rin kami through chat, eh ngayon kahit chat wala. Welp, mas okay na rin siguro toh, kasi wala naman na akong choice kung hindi masanay sa ganitong set up, maybe in the future we're not gonna be friends anymore. Naisipan ko namang pumunta sa isang cafe malapit sa bahay, bagong bukas lang din kasi kaya ngayon ko lang mapupuntahan. Pag dating ko naman doon, ay agad din akong umiba ng way at napag isipan na lang na mag mall mag isa... andun kasi si mark, kasama yung babae niya, di ko pa rin nakita mukha kasi na order sila kaya naka talikod sila mula sa view ko. Parang ang ganda nung babae, matangkad, maputi, and medyo wavy yung hair niya, likod pa lang nila halatang bagay na sila para sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala na makakalimutan niya na ako ng dahil lang sa isang babae, may pasabi sabi pa siya na nakatali na siya sa akin or something, tapos once na nakakita siya ng girl na gusto niya bigla akong di nag exist... hindi sa nag seselos ako, ay sige nag seselos ako, pero hello siya yung nangako ng kung ano ano about sa hindi niya pang iiwan sa akin tapos ganito nangyare, may saltik pala tong hayup na toh nakakainis.

"Miss, wag mo namang sirain yan, kawawa yung mga bulaklak" sabi bigla ng isang lalake sa likod, napatingin naman ako dito, at tinignan siya mula ulo hanggang paa, at pinag taasan ko siya ng kilay, tapos tinuro niya yung hawak ko, pag tingin ko naman sa kamay ko ay nagulat na lang ako na may hawak akong flower at inisa isa ko ang bawat parte nito, agad ko namang binitawan ito.

"Sorry" sabi ko na lang at ilalabas ko na sana ang wallet ko, ng pigilan niya ang kamay ko

"Wag mo na bayaran, no need, atsaka grabe ka halos mag 2 months na tayong magka klase ni hindi mo pa ako kilala sa mukha or sa pangalan" sabi niya at medyo na-tilt ko yung ulo ko habang tinitignan siya, hindi ko siya mamukhaan, who am I kidding? Eh lagi kay mark ang tingin ko, pano ko makikilala tong isang toh? Teachers ko nga di ko kilala eh. Hay nako nakakairita, naalala ko na naman si mark

"Alam mo parang ang dami ng sama ng loob mo, tara arcade tayo, para makilala mo na din ako, by the way Marc ang name ko" sabi niya at ngingiti na sana ako kaso narinig ko yung name niya, agad ko naman siyang inirapan at tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa balikat

"Joke lang, alias ko lang yun, inaasar lang kita obvious naman na si mark iniisip mo eh, david talaga name ko, name ko lang yung marc sa gaming accounts ko" sabi niya, masyado namang madaming sinasabi toh wala pa nga akong tinatanong sa kaniya, parang maikukwento na niya sa akin buong life niya

"Tara na" sabi niya sa akin at hinila ako papunta ng arcade, syempre sumunod na lang ako dahil need ko din mapagod at mag tanggal ng stress dahil sa punyetang lalake na yan, kairita eh

"Ako muna bibili ng tokens natin, tapos manaya ikaw naman if gusto mo pa mag tagal, gusto mo ba ng foods? Pwede naman mag pasok foods dito? Or baka gusto mo sa karaoke booth?" Sunod sunod na tanong niya sa akin at medyo nahilo ako, napaka hyper naman ng lalakeng toh, kaka-meet nga lang namin tapos ganito na siya ka-close umakto... okay joke lang, di pala ito ang first meet namin, kasi halos 2 months na kaming magka klase ako lang di naka recognize sa kaniya, dahil medyo broken kuno ako today, hinila ko na lang siya sa karaoke booth, at doon ako nag labas ng sama ng loob, puro kanta lang talaga ako, at siya naman ay sayaw ng sayaw kahit slow yung kanta.

"Ikaw na kumanta, ayoko na, pagod na ako" sabi ko sa kaniya at inabot ang mic, agad naman akong humilata sa sofa at siya naman ay tumayo at kinuha ang song book

"Sige kanta lang ako isa, tapos hatid na kita sa bahay niyo" sabi niya at tumango tango na lang ako sa kaniya, nag simula naman nang tumugtog ang kanta niya, heather ni conan gray ang kinakanta niya, ng nag simula siyang kumanta ay napa ayos talaga ako sa upo at napatitig sa kaniya, ang ganda ng boses niya shemay, nakakakilig yung boses niya, ang sweet pakinggan...

"May jowa ka ba?" Wala sa uwisyo kong tanong sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin at umiling

"Bakit mo natanong? Type mo ba ako?" Natatawang sabi niya at sabay na kaming nag ayos ng gamit at lumabas ng booth

"Oo, medyo, pero mas na attract ako sayo dahil sa boses mo" sabi ko sa kaniya at medyo napatahimik siya, aba first time ko ata makakita ng lalakeng na flustered ng ganyan

"Ang straightforward mo pala talaga, usually idedeny ng iba yung about dyan eh" sabi niya, i mean yeah mostly sa mga tao idedeny nila pag medyo attracted sila sa isang tao specially sa kausap or kasama nila, but then its pointless for me

"Does it matter? I don't know about other people, but denying my feelings is pointless, i mean specially for me kasi never naman na reciprocate yung feelings ko, so it doesn't matter kung i-deny ko siya, or i-confess, kasi yung outcome is always the same." Sabi ko sa kaniya at napatigil kami sa harap ng isang kotse na walang bubong, i mean meron naman pero retracted kasi, halatang yayamanin ang may ari, kanino kaya toh?

"Sakay na" nagulat na lang ako ng sabihin niya yan at ng makita ko siyang pinag buksan ako ng pinto, pumasok na lang agad ako at umupo

"Shet may ganito kang kotse? Ang yaman mo naman" gulat na sabi ko ng makasakay na siya tumawa naman siya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan

"About dun sa sinabi mo, tatanong ko lang, may gusto ka ba sakin? Kasi kung oo, ibig sabihin hindi na always sa wala ang ending ng feelings mo for someone. First day pa lang, ikaw na agad napansin ko, ikaw na ang araw araw kong iniisip at hinahanap sa room... gusto kasi kita eh"

Always Been with YouWhere stories live. Discover now