Chapter 5

125 5 0
                                    


"Uy hannah, san ka pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya, naka ebike kasi ako nag iikot ikot, eh nakita ko siyang nag lalakad

"Ah si maxene nag aya ng tambay, hatid mo nga ako" sabi niya sa akin at tumango tango na lang ako sa kaniya at sumakay na siya sa ebike, habang papalapit na ako sa bahay nila maxene, nakita ko si don na tumingin sa direksyon ko at itinuro ako, agad namang napalingon sila maxene at biglaang nagmadali pumasok sa loob ng bahay nila maxene. Nang nakarating kami doon ay bumaba na si hannah, at nakita ko sila gillian at maxene na nag tatago kasama ang iba pa, pag baba naman ni hannah ay deretcho na akong umalis dun...

"Hon, ayos ka lang?" Takang tanong sa akin ni mark, tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti lang habang natango sa kaniya, kinurot naman niya ng bahagya ang pisnge ko at tumabi na lang sa akin, naka upo kasi ako sa sahig sa pinaka sulok ng room. I instantly realized what had happened last week, yung nakita ko silang nag tatago... tinataguan nila ako, they didn't want to include me. You might say na I'm just overthinking things, but we have a group chat for the whole class and a separate one for our so called "gang", as I have witnessed, kumpleto sila dun, ako lang ang wala at hindi nakatanggap ng invitation, and they ran and hid the moment they saw me, those are factual evidence and not just some overthinking shits. I mean i have always known that iniiwasan nila ako or pinag iiwanan nila ako, cause everytime na ako ang mag aaya ng tambay, all i get is seen, pero the moment na may mag aya na iba lahat sila active. This isn't the only time that they hang out without me, but that scenario just gave it all away, all the things that I thought would happen, just happened. It does hurt, because at first I was fine with it, kasi alam ko naman na may kaniya kaniya pa rin naman silang circle of friends outside ng so called gang namin, so it was really fine for me to know na may mga ginagawa sila together, but this, I only have this "gang" and yet out of all its members, I am the only one na hindi pala belong, kala ko dati eto na yung forever na group of friends ko, kala ko magkakasama kami forever, syempre nung una ganyan yung nasa isip ko, pero as time goes by, I started seeing cracks with my relationship with them, and as it turned out, I am the crack that needs to be sealed shut so things can function well, completely covering me up, forgetting that I was ever there.

"Oy kael hinaan mo yan baka marinig sa kabilang room, malaman pa na connected tayo sa wifi" sabi ni joan kay kael, napatingin naman ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin na on game siya at naka on mic kaduo niya yung jowa niya ata, kinuha ko na lang yung phone ni mark, pero naalala ko na baka may jowa din toh kaya di ko na pinakelaman. Sobrang pakelamera ko kasi, sa lahat ng bagay lalo na sa cellphone, kaya pag alam kong may jowa yung tao di ko na pakekelaman yung tao, minsan lumalayo pa ako dun sa tao physically, kasi ganun din naman mangyayari pinapaaga ko lang. I mean magkakajowa sila, syempre sa umpisa medyo pasok pa dyan yung friends, pero pag tumagal tagal na mas mafofocus dun sa jowa hanggang sa out of the picture na si friends, i mean hindi naman ganyan dapat yung nangyayare, pero lalo na sa teenager na may jowa, ganyan ang nangyayari.

"What? Why? Anong meron?" Takang tanong ni mark ng napansin niyang ibinalik ko yung phone niya without opening it, umiling iling lang ako sa kaniya, dahil napapagod na ako sa lahat ng bagay, simpleng pag sagot kinakatamaran ko na

"Aalis sila mama, gusto mo sa bahay matulog? 1 week sila wala" sabi niya sa akin at napa isip naman ako, buti hindi siya nag iisip ng masama about sakin, i mean regarding sa stereotypes sa gender ko, kung makapag aya kasi siya sa akin ng ganyan kala mo walang ibang nakakarinig eh

"Pinapapunta mo si scar sa inyo pag wala parents mo? Dun din siya natutulog?" Takang tanong ni kael na para bang may iba pang ibig sabihin, parang gusto ko tuloy siya batuhin ng teacher's table tapos salaksakin ng ballpen sa dalawang mata

"Oo, bakit pre? Sama ka?" Nakangising sabi ni mark at para namang nandiri si kael sa sinabi nito.
Napatingin naman ako ng masama kay mark, napakamot na lang siya sa batok niya, at agad naman akong tumayo at pumunta sa rooftop.

Always Been with YouWhere stories live. Discover now