Tapos na?
Nakatitig lng ako sa pari habang hinintay kong sabihin niya sa amin ang mga silitang magpapa-opisyal nang kasal na ito. Masaya ako, masaya ako, sobrang saya ko. Hindi ko alam kung saan ko pa ilalaga ang sayang nasa puso ko. Nag-uumapaw ito. Binalingan ko si Agui na nasa tabi ko. Kagabi ay nag-uusap kam sa telepono. Buong gabi lang kaming nagkwentuhan and we talked about herest of our lives together. Iyong mga plano at iyong mga pangarap namin, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na sabihin sa kanya ang lahat ng nasa isipan at nasa puso ko.
Mahal ko si Agui at masaya ako dahil pakakasalan niya ako. Hindi ko talaga naisip na darating kami sa puntong ganito.
"Kayo ngayon ay mag-asawa na. Aguinaldo, maaari mo nang hagkan ang asawa mo." Hinarap ako ni Aguinaldo at saka nginitian. Official nang ako si Ginang Mary Grace Cabling -Emilio ang asawa ni Agui at ang magiging ina ng kanyang mga anak. Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay hinaplos niya ang mukha ko. Hinagkan niya ako na para bang iyon ang unang pagkakataon naming dalawa.
Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga tao sa loon ng simbahang iyon. Naroon ang lahat ng malalapit naming kaibigan at ang aming pamilya. Si Anne ang aking maid of honor. Masaya siya para sa akin. Iyon naman ang gusto ko, ang magkasundo kaming dalawa.
Napakagandang araw nito para sa akin. Hinawakan ni Agui ang kamay ko at hinagkan iyon. Tahimik lang ako. I was feeling so overwhelmed by the fact that I am married to the man I love. Naaalala ko ang mga sinabi sa akin noon ni Papa - ang tungkol sa paghahanap sa bagay na nawawala at kukumpleto sa akin sa oras na mahanap ko iyon. At heto na ako. All I know is that everything that happened before led me here to this moment today and it completed me and made me who I am.
Matapos ang picture taking ay sumakay na kami sa bridal car. Naiiyak pa rin ako. Si Agui naman ay hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. Nakangiti siya na para bang kumpleto na rin ang mundo niya. Iisa nga kaya kami ng nararamdaman?
"Masaya ako." Halos hindi ako makahinga. "Tang ina! Kinikilig ako!" Natatawang sabi ko. "Alam mo, hindi ko naisip na...." Natawa na naman ako. Agui was the one driving the car. Papunta kami sa reception kung saan naghihintay na ang lahat. "Excited ako!"
"Saan?" Nakangiti rin siya. All I could feel is pure bliss.
"Maging hindi na virgin!" Kinindatan niya ako tapos ay sinabayan niya iyon ng tawa. Hindi ako papayag na walang honeymoon na magaganap ngayong gabi. Minsan kasi ay nabasa ko sa isang interview na may mga mag-asawa na hindi nagagawa iyon pagkatapos ng kasal dahil sa sobrang pagod samantalang aklong gusto ko nang gawin. Para sa akin kasi ay iyon na ang regalo ko kay Agui. Buong-buo kong ibibigay sa kanya ang sarili ko - ang buong pagkatao ko because he deserves that. I held his hand.
"Gawin na natin...." Nakita kong nanlaki ang mga mata ng asawa ko. "Dito na natin gawin si Giting." Giting ang sinabi kong ipapangalan namin sa magiging panganay namin. Agui looked at me.
"Bling, nakapaghintay na tayo, kaunting hintay pa——"
"Ayoko na ngang maghintay! Naiinip na ako. Gusto ko na kaya tara na dito na natin gawin!" Hinatak ko ang braso niya papalapit sa akin. He was laughing and that was turning me on. Nagpatuloy pa rin siya sa pagmamaneho pero inihinto niya iyon sa isang tagong lugar malapit sa may hi-way. Iniliko niya muna ang sasakyan tapos ay itinabi niya sa may ilalim ng puno ng Narra. He made sure that the doors were locked and that no one was around. Tinted naman ang bintana ng sasakyan kaya walang makakakita sa amin.
BINABASA MO ANG
Wanted: Brother-in-law (Published)
RomanceWhen Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano kung biruin siya ng "destiny" na hindi naman niya pinaniniwalaan? Will she fight for Aguinaldo or w...
