Mukha akong tanga. Bakit? Kahit sinong taong makakakita sa akin na nakaharap sa salamin, hawak-hawak ang kanang pisnging hinagkan ni Aguinaldo kanina ay iisipin na nawawala na ako sa sarili kong katinuan.
Ano ba iyan? Bakit ganoon? Bakit ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko? Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang bakas ng labi ni Aguinaldo sa pisngi ko. Talo ko pa nga ang hinalikan sa labi eh, as in talagang nanunuot sa sitema ko ang bakas ng mga labi ni Aguinaldo.
Noong nalasing siya, hinaplos ko ang mga labi niyang iyon, pero hindi ko inaasahan na mas malambot ang pakiramdam noon sa pisngi ko.
Bakit ganito? Hanggang ngayon ay tila nakukuryente pa rin ako.
"Uy, si Bling... kumekerengkeng na..." nakita kong nakatayo si Shany sa hamba ng pinto, sinusuklay niya ang mahaba niyang buhok, habang nakangiti sa akin na tila nanunudyo. "Masarap ba ang first kiss?" itinaas-baba niya ang kanyang kilay. Napanguso ako.
"Manahimik ka!" biglang namula ang mga pisngi ko. First kiss na ba iyon? Ni hindi naman naglanding sa lips ko iyong malambot na lips ni Aguinaldo, tapos first kiss na iyon?
"Sabagay, bebe... hindi naman sa lips iyong kiss niya sa'yo kaya hindi pa iyon ang first kiss ninyo." lumakad si Shany papasok sa kwarto ko at naupo sa kama. Ipinagdikit pa niya ang kanyang mga palad at nagkikikisay roon. "Grabeh, bebe Bling... may lalaki na yatang mahuhumaling sa'yo!"
Hinarap ko siya. Kunot na kunot ang noo ko. Lalaking mahuhumaling sa akin? Sino? Si Aguinaldo Emilio? Napangiwi ako.. hindi noh... hindi ko papayagang mangyari ang bagay na iyon. Tulad nga ng palagi kong sinasabi. Hindi ako naniniwala sa ROMANTIC LOVE.
"Paano iyon, Bebe? Paano kung ligawan ka noon? Sasagutin mo?" nanlaki ang mga mata ko.
"May gunting ka ba?" tanong ko sa kanya... saglit na kumunot ang noo niya.
"Wes akes guntengs... why?" nagkibit-balikat ako. Lumipat ako sa kama at saka hinatak ang mahabang buhok niya.
"Babawasan natin iyong buhok mo, baka sakaling manghina ka na..." pabirong itinulak ako ni Shany..
"Hay nakoo.. pampam ka eh..." ngumuso siya. "Seryoso ako, bebe... paano kung manligaw sa'yo iyon?"
"Hindi manliligaw sa akin iyon. Sisiguraduhin ko na kung manliligaw man siya, hindi sa akin..." huminga ako ng malalim.. Tama... gagawin ko na talaga iyong planong naiisip ko kanina pa...
"Ha? Wes kita gets, bebe..." tumitig ako sa kanya.
"Remember what i told you?" kumunot ang noo niya. "You know, about me, searching for a guy who will date my sister..." napaawang ang mga labi ni Shany..
"Huwag mong sabihin na si..." hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. Tumango ako, natigilan siya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang gumilid. The next thing I knew, sinampal ni Shany sa akin ang unan ko.
"Aray!"
"Gaga! Ano ba iyang gagawin mo! Hindi mo ba naisip? o hindi mo talaga iniisip? Baka mamaya si Aguinaldo na ang lalaking ipinadala ng destiny para sa'yo tapos ibibigay mo siya sa kapatid mo? Jusmio Marimar!" muli ay inihampas niya sa akin ang unan ko.
"Heh!" inagaw ko sa kanya iyon. "Makinig ka mga muna sa akin Maria Shany Magracia!" pilit na pinapaupo ko siyang muli sa kama. "Ganito lang iyan eh, noong bata pa ako, madalas sabihin sa akin ni Dad, na kapag nakita ko na iyong hinahanap ko, biglang babagal ang pag-ikot ng mundo ko... At kanina noong hinalikan ako ni Aguinaldo, nangyari iyon."
"Oh, iyon naman pala eh, Mary Grace Cabling! Eh di ang ibig sabihin, siya na ang soulmate mo!" sigaw niya sa akin. Kulang na lang ay lumuwa ang tonsil ni Shany.
BINABASA MO ANG
Wanted: Brother-in-law (Published)
RomanceWhen Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano kung biruin siya ng "destiny" na hindi naman niya pinaniniwalaan? Will she fight for Aguinaldo or w...
