Chapter Twelve

39.8K 920 95
                                        

"Magandang umaga..." 

Nakangiting pumasok ako sa unang klase ko para sa araw na iyon. It's the start of a new school year and I'm just as excited as my new students. 

"Good morning, Ma'am!" masiglang bati nila. Inilapag ko sa teacher's table ang mga gamit ko at saka hinarap ang mga estudyante ko. 

"Ako nga pala si Miss Mary Grace Cabling. At dahil Filipino ang subject natin, gusto ko na kapag babatiin ninyo ako, tagalog, okay? Ang mag-English, magbabayad ng piso." nakangiting sabi ko. Nagtawanan naman ang mga estudyante ko. Akala yata nila nagbibiro ako. Napangiti na lamang ako. 

"Teka, anong section nga pala kayo? Ang dami ninyo kasi tapos hindi ko pa nakukuha iyong sched ko kay Ms. Magracia." humalukipkip ako habang naghihintay ng sagot mula sa kanila. Hindi naman ako nabigo dahil makalipas lamang ng dalawang segundo ay sabay-sabay silang sumagot. 

"IV - Aguinaldo po...." 

Na-freeze ang ngiti ko. 

Aguinaldo.... an image of a good looking angel with no clothes flashed on my mind... 

Yes, it was him.. Yes, I still think about him. And by just merely mentioning his name, I felt a shiver run down my spine... 

Eighteen months na siyang wala. Eighteen months ko na siyang namimiss pero ni text, ni sulat, ni e-mail, wala akong natatanggap mula sa kanya... 

Pero paano nga naman mangyayari iyon eh, hindi niya alam ang e-mail at ang bago kong number? At mas lalong hindi na uso ang snail mail ngayon kaya lalong dapat hindi ako umaasa sa Aguinaldong kumag na iyon.

Mukha namang maayos ang lagay niya eh. Alam ko iyon dahil nakakarinig pa rin ako ng mga bali-balita ukol sa kanya. And last night, I saw him on the news... they flashed a picture of him, and he looked so good. 

Biniro pa nga ako ni Shany kagabi.. ang sabi niya patayin ko na daw iyong t.v kasi baka maiyak ako. Inirapan ko lang siya at saka nagpatuloy manuod. 

"Uy.. si Ma'am, natitigilan. Siguro pangalan din iyong ng boyfriend mo..." muli na namang umalingawngaw ang tawanan ng makukulit kong estudyante. 

"Sige, first day ng klase, may minus kayong lahat.." nagbibirong pahayag ko. Tumahimik naman agad sila saka muling nagtawanan. Napailing ako. Dalawang buwan rin akong nabakasyon at ngayon ko lang naisip na, miss na miss ko na palang maging teacher. 

Iyon lang ang nangyari sa buong araw ko. First day pa lang naman kaya hindi pa regular ang klase. Iba-iba ang ugali ng mga estudyante ko... at natutuwa ako sa kanila. 

"Uuwian na...." ganoong kabilis ang araw ko. Ni hindi ko namalayan ang oras. Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na mula noong umalis si Aguinaldo, nawalan na rin ng kulay ang buhay ko. 

I tried drowning myself with work. Sobra-sobrang work load ang kinuha ko makalimutan ko lang na wala na siya, pero wala pa ring nangyari. Everynight, before I fall asleep, i look at my ceiling and think about him. 

I just couldn't help it.. I just couldn't help thinking about what if's... 

They say what if's are the hardest questions to answer.. and they were right... dahil kahit ilang beses kong itanong sa sarili ko ang mga what ifs na iyon... hindi ako makahanap ng sagot. 

Huli na kasi. Wala na si Aguinaldo sa akin... At ni hindi ko alam kung babalik ba siya o kung sa pagbalik niya ay dala-dala pa rin niya ang sinasabi niyang pagmamahal na nararamdaman niya para sa akin. 

"Ate Grace!" napangiti agad ako nang makita ko si Anne na nakatayo sa parking lot ng eskwelahan. Nakangiti siya sa akin at di magkamayaw sa kaka-kaway. 

Wanted: Brother-in-law (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon