Moving on...
That word seems so easy but heck... it was a hard thing to do. It was never easy to let go of something that you need and wanted to be a part of your life.
Aguinaldo. How can I be so messed up about him? Ni wala naman kaming malalim na gbut there he is, sending tears to my eyes everynight just because I feel like he put a huge rock on my head.
Hindi naman ako dapat nagkakaganito. I have to make myself okay. I'm good at that. When my father died, I conviced myself that I'm going to be okay, at naging maayos naman ako, kahit na hindi siguro iyon ang iniisip kong magiging kalagayan ko naging maayos pa rin ang lahat. Iyon lang naman ang kailangan kong gawin pero bakit hindi ko magawa? Bakit hindi ko maalis sa isipan ko si pekeng bayaning iyon? Dahil sa kanya hindi ako makatulog sa gabi. Ilang araw na rin akong mukhang zombie dahil sa laki ng eyebags ko pero wala naman akong magawa.
Lagi ko na lang siyang naiisip at kahit saan ako tumingin parang nakikita ko siya.
Bad.. bad... bad..
Hindi ito maaari. Hindi ko naman talaga gusto itong nararamdaman ko. Hindi pwede.
Kahit pa sabihin niya sa akin na gusto niya ako --- na mahal niya ako, hindi pa rin pwede dahil nakita ko naman kung gaano siya kagusto ng kapatid ko.
Kahit anong mangyari, my sister's happiness will always be on the top of my list. I would give up everything ---------- even Aguinaldo Amilio -------- the pekeng hero --------- kung iyon ang magpapasaya sa kapatid ko.
"One month? Leave? Bakit?" sunod-sunod na tanong ng principal namin. Ngumiti lamang ako.
"I guess kailangan ko po ng pahinga, Ma'am. Sana po payagan ninyo ako. One month lang naman po. Mabilis lang iyon."
"Then who will handle your work load?" she asked me again.
"Kinausap ko na po si Miss Magracia at si Mr. Domingo. Sampung sections lang naman po ang hawak ko, hinati ko na po iyong work load ko sa kanila." mahinahong sagot ko. Napamaang siya. Tahimik akong naupo roon. I was silently praying na sana payagan ako ni Ma'am. Gusto ko talagang magpahinga muna. I need to re-evaluate my priorities. I need to clear my head. I need to forget about this stupid feelings I have for Aguinaldo.
"Okay. I guess you know what you're doing Miss Cabling. Just have a good vacation and comback, alright? You're one of the most skilled teachers here, i don't want to lose you." kahit paano ay napangiti na rin ako. Kahit kailan kasi ay hindi pa siya nagsasalita nang ganoon sa akin. Mrs. Poblete is a strict principal at minsan lang talaga kami makarinig ng papuri mula sa kanya.
"Thank you, madame." ngumiti ako saka nagpaalam na. Bumalik ako sa faculty at inayos ang mga gamit ko. Tahimik lamang ako at wala akong balak makisali o makihalubilo muna sa mga co-teachers ko.
Nalulungkot pa rin kasi talaga ako. Hindi ko alam kung paano pa muli ibabalik sa dati ang tahimik at organisado kong buhay. Isa pa sa mga inaalala ko ay kung paano ko muling haharapin ang kapatid ko. Alam na kasi niya ang lahat, na ako ang dahilan kung bakit sila nagkita ni Aguinaldo sa coffee shop na iyon. Kitang-kita ang pagkadismaya niya. Mula noon, hindi na muli niya ako kinibo. Ni hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, ni hindi niya ako hinaharap.
"Bling, saan ka pupunta?" tanong ni Domeng ng makasalubong niya ako.
"I'm going to talk to Anne." i sighed. I hope this time, she talks to me na. I really miss her and I really am feeling bad about hwat happened between the three of us.
"Okay... " he smiled. "Goodluck." tinapik niya ang balikat ko at saka tinalikuran ako. Nagmamadaling tinungo ko ang main gate ng school at saka agad na pumara ng taxi. Sinabi ko ang lugar na pupuntahan namin, at makalipas lang ang ilang sandali ay nakatayo na ako sa harap ng malaking bahay ng tiyahin namin ni Anne. I pushed the doorbell.
BINABASA MO ANG
Wanted: Brother-in-law (Published)
RomanceWhen Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano kung biruin siya ng "destiny" na hindi naman niya pinaniniwalaan? Will she fight for Aguinaldo or w...
