Aguinaldo Emilio. Iyon ang pangalan ng lalaking mukhang anghel na napulot ko sa labas ng bar na iyon. Hindi ko napigilan ang pagtawa nang mabasa ko ang pangalan niya sa I.D. na nakita ko sa bulsa ng pantalon niya. Naisip ko pa nga na hindi man lang nag-effort ang tatay o ang nanay niya na mag-isip ng pangalan niya. Na-imagine ko na nung nakita siya ng tatay niya noong araw na iniluwal siya ng nanay niya sa mundong ito, basta na lamang nasabi ng tatay niya na... "Ah! Lalaki ang anak natin. At dahil doon, Aguinaldo ang ipapangalan ko sa kanya dahil Emilio ang apelyido ko..
Ang lakas ng sense of humor ng tatay ng taong ito. Siguro, frustrated maging bayani ang tatay ni Aguinaldo kaya pinangalanan siya ng ganoon. Kung may kapatid kaya itong si Aguinaldo, ano naman kaya ang pangalan? Jacinto? Grabe.. naiiisip ko pa lang natatatawa na ako.
Pangalan pa lang, wala nang ka-effort-effort."
"Buti pa ako, maganda ang pangalan ko.." natatawang ibinalik ko ang I.D. sa wallet niya. Tinitigan ko si Aguinaldo, hanggang ngayon ay natutulog pa rin ito. Kanina habang nasa daan, isip ako ng isip kung saan lupalop ko dadalhin ang lalaking ito, at dahil wala akong maisip, napagdesisyusnan ko na iuwi na lang siya dito sa bahay.. mas safe dito kesa dalhin ko siya sa kung saanmang lugar, at isapa kahit naman dalhin ko siya dito at dito ko patulugin, hindi ako nag-aalala, ano ba ang magagawa ng isang lalaking halos hindi na makagulapay sa sobrang kalasingan?
"Jasmine...." napabuntong-hininga ako ng maring ko na naman ang pangalang iyon. Kung sinuman ang Jasmine na iyon, malamang ay mahal na mahal ito ng Aguinaldo na ito. Walang lalaking nasa tamang katinuan ang papakalasing dahil sa isang bbaeng nakilala lang niya kahapon. Sigurado ako na malaki ang puwang sa puso ni Aguinaldo para sa Jasmine na iyon.
"Oo, na. Jasmine na kung Jasmine.. Pwede ba tumigil ka na? Kung mahal ka noon, hindi ka iiwan noon..." nanghuhula lang ako. Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan kung bakit iniwan ni Jasmine ang kumag na ito. Pero sigurado ako na isa sa mga dahilan na iyon ay dahil hindi na niya mahal ang pekeng bayaning ito.
"Tita Bling.... anong nigagawa mo?" nilingon ko ang maliit na tinig na tumawag sa akin. Natagpuan ko si Letlet na nakatyo sa labas ng pinto nang silid na iyon. Nakalimutan ko palang isara ang pinto. Ngumiti ako at saka lumapit sa kanya.
"Bakit gising ka pa?" ginulo ko ang buhok niya. Ampon namin ni Shany si Letlet. Natagpuan namin siya two years ako sa lansangan, namamalimos. Ang gandang bata kasi niya kaya naisip kong dalhin siya sa DSWD noon, pero ayaw naman niyang magpaiwan, kaya in the end, nanghingi na lang ako ng pahintulot sa mga taga-DSWD na iuwi si Letlet para ako ang maging legal guardian niya.
"Wala kasi akong katabi. Wala si Tita Shany. Tapos wala din ikaw. Intinin ko si Ate Dian, tulog na siya... kaya nanuod ako ng t.v. Sinu yan? Bolpren mo?" natawa ako.
"Hindi noh." napapalatak ako. "Halika na... maatulog ka na nga..." hinwakan ko ang kamay niya at saka sinamahan siya sa itaas ng bahay. Hindi ko agad iniwan si Letlet, sinugurado ko munang tulog na siya bago ko binalikan si Aguinaldo.
Kumuha na rin ako ng isang plangganang tubig at malinis na bimpo para sa kanya. Wala akong magagawa kundi ang asikasuhin ang kumag na iyon.
Tulog pa rin si Aguinaldo ng makabalik ako sa kwarto... syempre, alangin naman na matagpuan ko siyang nagatatatalon eh lasing nga siya.
"Mayaman ka siguro noh?" tanong ko kahit na hindi niya ako naririnig. "Ang ganda ng suit mo eh." bahagyang itinayo ko siya upang tanggalin ang coat niya, pagkatapos ay muli ko siyang hiniga para alisan mula sa pagkakabutones ang polo niya.
Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa ko iyon. Hindi ko rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng mumunting kaba sa aking dibdib habang tinitigan ko ang maamong mukha ni Aguinaldo.
BINABASA MO ANG
Wanted: Brother-in-law (Published)
RomanceWhen Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano kung biruin siya ng "destiny" na hindi naman niya pinaniniwalaan? Will she fight for Aguinaldo or w...
