I still cannot believe that Aguinaldo agreed to date my little sister. Masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon para ipakilala sa kanya ang kapatid ko. Kahit na alam ko na nakakaramdam pa rin siya ng pangamba sa gagawin niyang ito, masaya pa rin ako dahil nakikita ko na na may malaking posibilidad na matupad lahat ng plano ko.
"Nasaan na ba ang lalaking iyon?" natetensyong bulong ko. Nakaupo ako sa isang bench sa labas ng coffee shop na magiging tagpuan ni Aguinaldo at ni Anne.. Kanina ko pa hinihintay si Aguinaldo pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nakadama ako ng kaba. Paano kung magbago na naman ang isip ng kumag na iyon?
Bago dumating ang araw na iton ay makailang ulit na nagbabago ang isip ni Agui. Madalas niyang sabihin sa akin na hindi naman siya sigurado kung magugustuhan niya si Anne, at sa tuwing mangyayari iyon, kinukumbinsi ko siya, at ipinapaliwanag sa kanya ang mga bagay na maaaring mangayri kapag nagkakilala sila ni Anne.
Muntik ko pa ngang sabihin sa kanya na kung sakaling kikilalanin niya ang kapatid ko, maaaring matulungan siya nitong kalimutan si Jasmine, pero pinigilan ko na lang ang aking sarili dahil hindi ko kayang sabihin kay Aguinaldo na alam ko ang patungkol sa babaeng iyon. I took out my phone. May message ako galing kay Anne. Ayon sa kanya, papunta na daw siya.. maghintay-hintay na lang daw ako.
Lalo akong natensyon. Papunta na si Anne, pero wala pa rin si Agui. Saan na naman ba kasi nag-suot ang sira ulong iyon!!!
"I still don't know why I'm doing this." napaawang ang mga labi ko nang marinig ko ang tinig ni Aguinaldo. Napatayo ako, kulang na lamang ay yakapin ko siya sa sobrang tuwa.
"Bakit ngayon ka lang?" high pitch ang boses na tanong ko. I looked at him form head to toe, and oh boy.. he looked so damned good!
Siya lang yata ang nag-iisang lalaking sa tuwing nakikita ko ay lalong guma-gwapo.
Mukha siyang modelo na parang hinugot na lamang basta kung saang magazine at pinaglakad sa mataong lugar.
"Wow, nagbibinata ka, Mary Grace?" malokong tanong niya. Umiling ako.
"Heh! Ano ka ba? Akala ko kasi hindi ka na pupunta." pinagpag ko ang polo niya, may kaunting dumi kasi iyon. "So alam mo na kung anong gagawin mo?" Tanong ko.
"I'm going to walk inside the coffee shop, look for your sister, talk to her and if it goes well, i'm going to ask her out again." napahawak ako sa balikat niya.
"You've learn so fast." napangiti naman siya. "Basta ah... galingan mo. Sigurado talaga ako na magugustuhan ka ng kapatid ko." I said to him. Somehow, a little pin manage to make its way to my heart. Suddenly I felt a sharp pain on my chest.
"How can you be so sure?" tila nanghahamong sabi niya. Nagkibit-balikat ako. Somehow, I sounded so sure.. actually, sure na sure ako na magugustuhan ni Anne si Agui. Bakit? Dahil kapatid ko siya. Noong mga bata pa kami madalas nilang sabihin na pareho kami ng gusto...
At dahil gusto ko si Aguinaldo... natitiyak kong gugustuhin rin siya ng kapatid ko.
Teka... gusto ko si Aguinaldo? Napatitig ako sa kanya. Naroon pa rin siya at nakatitig lang din sa akin. Gusto ko si Aguinaldo? Gusto ko siya? teka... sa paanong paraan? bakit ko siya gusto?
Bwisit... bakit ba ako nagkakaganto?
"Mary Grace..." I shhhed him.
"Sabi ng Bling eh..." naaasar na sagot ko.
"Oo na, Bling..." he sighed. "Gusto mo ba ako?" kulang na lang ay ibuga ko lahat ng laway ko. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. Bakit? Bakit niya ako biglang tinanong nang ganoon? Nababasa niya ba ang isipan ko? Bakit niya ako tinatanong ng isang bagay na hindi ko kayang sagutin?
BINABASA MO ANG
Wanted: Brother-in-law (Published)
RomanceWhen Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano kung biruin siya ng "destiny" na hindi naman niya pinaniniwalaan? Will she fight for Aguinaldo or w...
