Chapter Eight

40.4K 1K 29
                                        

"Hinalikan mo ako?!"

Stupid me! do I really have to say that out loud? Do I really have to make myself look like a moron in front of Aguinaldo? Pero.. hinalikan niya ako! Hinalikan niya ako sa labi?!! Sa ilalim ng malakas na ulan, sa gitna ng mga sinampay ni Ate Dian, ninakaw ni Aguinaldo ang una kong halik. 

I put my hand over my mouth, I can still feel the warmth of his sweet lips. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapniwala a hinalikan ako ng walang hiyang kumag na ito. Ano bang pumasok sa isip niya at ginawa niya ito sa akin? Bakit niya ako hinalikan. Utang na loob naman, bakit ba lalo niyang ginugulo ang isipan ko?

Ang gulo-gulo na nga nang lahat eh. Litong-lito na ako dahil lahat ng akala kong pinaniniwalaan ko ay nawawalan na ng kasaysayan ngayon, tapos gagawin niya pa ito? Hahalikan niya pa ako na walang pasintabi?

"You kissed me?!!!!" muli ay sigaw ko. Umalingawngaw ang halakhak ni Aguinaldo sa likod bahay. 

"You're such a kiss and tell. baka gusto mo pang ilakas kasi baka mamaya hindi pa naririnig ng kapitbahay ninyo." he said playfully. Lumayo ako sa kanya. Iisang kataga lang ang nasa isipan ko ngayon, at iyon ang salitang, BAKIT?

"Pero, hinalikan mo ako?!!!" muling sigaw ko. Kahit yata anong sabihin ni Aguinaldo ngayon, iyon at iyon lamang ang lalabas mula sa bibig ko. 

"Yes, I did. What's wrong with that?" sa pagkakataong iyon ay kunot na kunot na ang noo niya. 

"What's wrong?! What's wrong? Everything's wrong! First, you came into my life, and just like that, everything I thought that was real just faded away! Now I'm confused! I do't know what to think anymore. pagkatapos, pagkatapos, hahalikan mo ako?!!!" I felt so frustrated. At ang mas nakapagtataka pa, tila nakikisama ang nakakainis na ulan na ito sa confusion na nararamdaman ko para kay Aguinaldo, pagkatapos na pagkatapos niya akong halikan, pagkatapos niyang nakawin ang first kiss ko, biglang tumila ang ulan! nong ibig sabihin noon?

Huwag mo namang sabihing magkasabwat si Aguinaldo at si Mother Nature?!!!

"Hindi kita maintindihan, Bling." inirapan ko siya. 

"Talagang hindi mo ko maiintidihan kasi nakakainis ka!" muling sigaw ko sa kanya. Pumasok ako muli sa bahay, dala ko ang sinampay ni Ate Dian. Nadatnan ko sa kusina si Shany at si Ate Dian. Tinapunan ko sila ng tingin. 

"Masarap iyong sinigang mo, Ate..." nakatawang sabi ni Shany. "O Bling, kamusta iyong sampay ni Ate Dian?" 

"Bling c'mon let's talk.." inirapan ko si Aguinaldo, pagkatapos ay nilipat ko ang tingin ko kay Shany. 

"Sinigang? Adobo iyang kinakain mo, bwisit..." sa sobrang inis ko ay basta ko na lamang binitiwan roon ang mga sinampay na isinilong namin kanina. Nagtuloy-tuloy ako papunta sa itaas ng bahay. 

Alam kong nakita ni Shany at ni Ate Dian ang ginawa ng walang hiyang kumag na iyon. Alam kong nakikiosyoso sila kanina, mga mapagpanggap! Hindi ba nila naiisip na kahihiyan para sa akin ang ginawang iyon ng sira-ulong lalaking iyon?!

Isang kahihiyan.... masarap na kahihiyan... 

Napabuntong hininga ako. 

Wala pang kahit sinong lalaki ang nakahalik sa akin. My Dad was the first and the last man in my life.... And when he died, I never let anybdy in. 

Siguro iyon ang bunga nang maaga kong pagkaulila... Tulad noong mga batang kasing edad ko noon, naniniwala rin ako sa fairytales and happy endings. 

Si Cinderella pa nga ang paborito kong fairytale character. 

But when he left... when he died, all my dreams were crushed. 

Si Dad, siya nagsilbing knight in shining armour ko, pero noong mawala siya, napilitan akong maging knight in shining armour ni Anne. Bigla akong nawalan ng karapatan para maging masaya, bigla akong napilitang maag-mature agad... 

Wanted: Brother-in-law (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon