Chapter Nine

39.4K 932 77
                                        

Look, I'm sorry. Hindi ko lang talaga matiis na hindi ka makita." 

Ayokong magsalita. Ayokong tingnan siya. Hindi dahil sa naiinis ako sa kanya, kundi dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang saplot sa katawan. Nagyuko ako ng ulo. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. bakit ba kailangan niyang lalo pang guluhin ang buong mundo ko? 

"Hindi mo ba talaga ako papansin? You're just gonna look at my carpeted floor and count the dustmites?" sarksatikong sabi niya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Ayoko nga. Ayokong makita ang mga mata niyang tila laging nag-iisip ng katamaran at kamunduhan. Napangiwi ako. bakit ba kasi nagpunta-punta pa ako rito sa bahay ng kumag na si Aguinaldo? Argh!

"Mary Grace Cabling?!!!!" tawag pa niya sa akin. Nainis ako. "Tingnan mo ang napakagwapo kong mukha! Ang gwapo gwapo ko oh!"

"Magbihis ka, tapos kakausapin kita!" sigaw ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong namumula ang mukha ko nang muli ko na namang masilayan ang gwapo niyang mukha. Hindi. Hindi talaga ito maaari. A.Y.O.K.O.

Nakipagsukatan sa akin ng tingin si Aguinaldo. Sa huli siya rin ang unang nagbawi at saka pumasok sa isang pinto. Nang muli siyang lumabas ay nakadamit na siya. Nakahinga ako ng maluwag. 

Maa damit na siya, hindi na ako mag-aalala na anumang oras ngayon, maaakit rin ako sa kanya. I knew he was trying to seduce me. Kung mali ako, bakit niya bubuksan ang pinto wearing only his towel, then after noon hahalikan niya ako?

"Okay now let's talk." he said. He sat infront of me. I was waiting for him to say something and yet he didn't speak at all. 

"Oh akala ko ba mag-uusap tayo." hindi makatiis na tanog ko. Umiling siya. 

"Paano tayo mag-uusap kung nakatitig ka lang diyan sa carpet ko?" naiinis na tanong niya. "Alam mo kung anong problema mo? Masyado kang maarte." 

"Ako?" napamaang ako. "maarte? Eh sira ulo ka pala eh!" ako pa ngayon ang sinasabihan niyang maarte? Anong karapatan niya at anong basehan niya? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Kung ako maarte siya maniac!

"Oo, maarte ka! After that rain kiss you started avoiding me. Pumupunta ako sa inyo, pero lagi kang wala. You know what Letlet told me? She over heard you talking to Shany, and you said that the only reason that you wanted me around is because you need someone to date your sister." tila gigil na gigil na sabi niya. Lalong kumunot ang noo ko. 

"Iyon naman ang usapan natin diba? Na-ide-date mo ang kapatid ko, tapos liligawan mo siya." Napailing si Agui. "Pumayag ka naman diba. You said yes." 

"Yeah, but that's a one time thing only." 

One time thing? You mean you don;t have any plans of making ligaw to Anne?" hindi maaari ito. Anne likes him. Kaya hindi pwede ang sinasabi niya. Tumayo ako at saka lumapit kay Aguinaldo. 

"Hindi pwede iyang sinasabi mo. Anne said she likes you! You have to like her back!" sigaw ko sa kanya. Agui smirked. 

"That is not the point!" he yelled. Naihilamos niya ang mga palad niya sa kanyang mukha. He looked frustrated, he looked like he was in pain. 

"Eh anong point? As far as I know iyon ang dahilan kung bakit kita kinakaibigan." natigilan ako. Wait, did I just said that out loud. He turned to me. Disappointment was written all over his face... but wait, what's that other thing.. he looked.... hurt... 

But why?

"You befriended me so you could convice me to date her?" muling sigaw niya. Napangiwi ako. If I say yes, what will happen? Is he really hurt? Pero bakit? Wala namang masama sa sinabi ko eh. 

Wanted: Brother-in-law (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon