Chapter Six

39.7K 968 37
                                        

I still cannot believe that HE saved me.

"Aray!" napangiwi ako noong sumigaw siya. "Dahan-dahan naman pwede?" tila inis na tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. 

"Tanga ka kasi! Bakit ba kasi naisipan magpa-gulong-gulong doon sa side walk?" naiirita ako. Niligtas ako ni Aguinaldo. Hinatak niya ako, papalapit sa kanya bago pa man bumangga sa akin ang itim na SUV na iyon. At dahil sa ginawa niyang iyon, nawalan siya ng balanse, bumagsak kami at iyon ang dahilan kung bakit nagpagulong-gulong kami sa side walk. At iyon din mismo ang dahilan kung bakit may sugat ngayon ang braso niya. 

"Ako pa ang tanga, ikaw nga iyong muntik ng masagsaan eh." napapalatak na sabi niya. Huminga ako ng malalim. Kung saka-sakali kaya na wala roon si Agui para sagipin ako, namatay kaya ako? Babangga kaya sa akin ang itim na SUV na iyon? Mamatay kaya ako? Kung hindi niya ba ako hinatak papalayo, saan na kaya ako pupulutin ngayon?

"Bakit ka nadoon?" biglang tanong ko. Wala na kasi akong maisip na sabihin sa kanya. At isa pa, ayoko naman na tahimik kami. Naiilang ako. Kumuha ako ng malinis na bulak at muling nulagyan ng alcohol iyon para itapal sa sugat niya. Napasinghap pa siya. 

"Sa school?" tanong niya. Ngumiwi ako. 

"Hindi, sa mall, sa mall, sa mall... Sa school nga diba? Kainar!" natawa siya. Pinindot niya ang dulo ng ilong ko. Saglit akong natigilan. 

Ayan na naman ang butterflies at rainbows na umiikot sa paligid ko sa tuwing nariyan siya... 

Sabi sa pinapanood ni Letlet, nkakakilig na sensation daw iyon.. pero ano ba naman ang kinalaman noon sa akin, walong taong gulang palang si Letlet, habang ako, bente-siete anyos na... dapat hindi na ako naniniwala sa mga ganoon. Tama na iyong pinapanood ko si Spongebob at Barney. 

"Napadaan lang ako doon kanina. May ka-meeting kasi ako sa isang restaurant malapit sa school mo. It's a good thing doon pa rin ako dumaan kundi, malamang sa ospital kita pupuntahan sa Sabado..." natigilan ako at napatitig sa kanya. Sa Sabado? Balak niya akong puntahan sa Sabado? Napadiin ang pagkakahawak ko sa kanya. 

"Aw! balak mo yata akong patayin, Mary Grace eh... sabihin mo lang, papaakyatin ko i mang Tino dito!" tinutukoy niya ang driver niya. Kanina, pagkatpos mangyari ang di inaasahang insidente, inalalayan niya akong tumayo at saka niya ako dinala rito sa pad niya. Nagulat nga rin ako, dahil ang buong akala ko, iuuwi niya ako sa bahay pero nagkamali pala ako... 

"Sorry na.. saka pwede ba? Bling na lang tawag mo sa akin."mahinang sabi ko. Nagyuko ako ng ulo. Suddenly, I felt his hands on my chin.. then he made me look at him. Kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa sobrang kaba... hindi ako makahinga. Bakit niya ba ito ginagawa?

"Look at me, Grace..." Grace... he called me Grace... why would he do that... I looked at him. I saw certain emotions in his eyes, things that I couldn't name, but I liked seeing it on his deep brown eyes... 

I was waiting for him to say something... pero hindi niya iyon ginawa. He just satyed motionless, he was looking at me, eye to eye... as if he was counting the beat of my heart... 

And I felt like I was drowning... drowning beautifully on him.. iyong pagkalunod na tila hindi ko na gugustuhing masagip pa... dahil alam ko, kahit na malunod ako, naroon si Agui para hawakan ang kamay ko. 

"You're shaking..." he said in a low voice... 

"I'm... I'm scared...." bulong ko, he smiled.. then he pulled me closer and embraced me.. 

"I know... as long as I'm here, nothing bad will ever happen to you..." he whispered. Ewan ko ba kung bakit.. pero naniniwala ako kay Agui. Naniniwala ako na habang nadyan ssiya, hindi ako masasaktan... 

Wanted: Brother-in-law (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon