"I still cannot believe that you let Aguinaldo slip away..."
Tuwing umaga ng buhay ko iyon ang isinasalubong sa akin ni Shany. Hindi ko lang talaga si mabara ng bonggang-bongga dahl na rin sa katotohanan na nasasaktan pa rin ako dahil sa nangyari. Oo, hindi ko hinintay si Agui. Hindi ako naghintay dahil alam kong walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay, pero iyong maliit na parte ng puso ko, umasa, nagmahal at naghintay.
Mahal ko si Aguinaldo, pero mukha namang masaya na siya s ababaeng iyon.. kay Rose Black, at mukhang nagmamahalan naman sila. Kaya ano pang magagawa ko? Wala na, pakakawalan ko na lang siya dahil iyon ang tama kasi nga mahal ko siya.
At least Agui was happy, at kung talagang masaya siya, masaya na rin ako para sa kanya.
That morning, tamad na tamad akong bumangon, linggo kasi at walang pasok. Wala naman akong gagawin kundi ang magmukmok at isipin ang mala-anghel na mukha ng bwisit na lalaking iyon.
Ngayon ang araw ng engagement party niyaa... Talagang ikakasal na siya at ang Rose na iyon. Muli kong binunot ang dyaryo sa ilalim ng aking unan... front page ng society page si Aguinaldo.
Black -Emilio Nuptials --- Soon..
Oh diba? Parang teleserye lang ni Judy Ann. May soon pa sa dulo.
Nakakalungkot. Ang buong akala ko kasi talaga, si Aguinaldo ang tutupad sa mga paniniwalang akala ko noon ay kalokohan lang. Ang ending ko pala, maniniwala ako sa mga iyon, pero hindi naman matutupad ang happy ending ko nang ang prince ko ang kasama ko.
Kasi iyong prince ko, kinalantari ng ibang princess.
Kinuha ko ang nag-iisang picture ni Aguinaldo sa akin. Naka-frame iyon at sa tuwing natutulog ako, yakap ko iyon. Wala, sucker na rin ako for love. Lahat ng sinabi ko noon tungkol sa pag-ibig, wala.. kinain ko na ngayon at sa dami noon, na-impacho na ako.
"Good Morning, mahal.." bulong ko sabay halik sa litrato niya. Hanggang kailan kaya ako tatanga? Tumayo ako at lumabas ng kwarto, nadatnan ko si Jenny at si Shany na nag-aalamusal at pinag-uusapan ang kembelar.
"Sinong kulang sa kembelar?" tumingin silang dalawa sa akin saka nagtawanan. Sabay rin silang sumagot.
"Ikaw." napailing na lang ako at saka nagtuloy sa kusina upang mag-tooth brush at maghilamos. Mamaya na lang ako maliligo, tutal wala namang tao. Habang nagse-sipilyo ay napatingin ako sa likod bahay, nakasabit na naman ag teddy bear ni Letlet... napabuntong hininga ako, dahil sa teddy bear na iyon, na-in love ako sa mokong na si Aguinaldo. At dahil rin sa teddy bear na iyan, hinalikan niya ako.
Oo na, sige na mahal ko talaga siya at miss na miss ko na ang halik niya. If I could just turn back my moment...
Bumalik ako sa dining area, naroon pa rin ang dalawa at nagke-kwentuhan.
"Si Ate Dian?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi hindi naririnig ang bunganga niya.
"May date, ako rin may date. Kaya ikaw lang ang maiiwan dito sa bahay, Bling..." binalingan ko si Jenny.
"May pasok ka, Bebang? Linggo ngayon ah wala kang off? saglit na nag-isip si Jenny.
"Ewan ko ba, itatanong ko na lang..." sagot niya. Napailing ako. "Magusuklay ka nga!"
"Mamaya na lang tinatamad ako."
"Tita Bling!" napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Letlet. Maya-maya ay nakatayo na siya sa harap ko, pilit hinahatak ang damit niya. Sakit yata talaga ng bata iyon, iyong tipong mahaba na nga ang bestida, hinahatak pa nila..
![](https://img.wattpad.com/cover/290883-288-k555350.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted: Brother-in-law (Published)
RomanceWhen Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano kung biruin siya ng "destiny" na hindi naman niya pinaniniwalaan? Will she fight for Aguinaldo or w...