Chapter 8

6 0 0
                                    

Nang matapos ang program, ay nagsimula na ang party. Ayoko man sana uminom ng alak ay hindi ko mapigilang uminom dahil sa kaba.

"My friends are inviting me to their table, let's go there." Saad ni Hogu after niyang pumunta sa comfort room.

"Sure." saad ko.

Si Zandrius ay sinamahan na ng body guard niya sa kwarto na tutuluyan namin ngayong gabi dahil antok na raw siya.

Halos mawala ang kalasingan ko ng makita ko na makakasama namin sa table si Dwight.

"Babatukan kita mamaya." Mahinang bulong ko kay Hogu na kinatawa niya.

"Just act like you're my girlfriend. Para wala tayong problema." Bulong nito sa akin.

As if naman may choice ako.

"Hogu, you can sit here." saad ng lalaki na hindi ko kilala.

Sakto naman na may extrang upuan sa tabi ni Hogu kaya roon ako naupo.

Isang pahabang lamesa ang inupuan na tansya ko ay nasa 20 katao ang nakaupo.

"Is she the mother of Zandrius?" Tanong ng isa sakanila. "By the way, I'm Nicholas." saad nito at naglahad ng kamay sa akin.

"I'm Yanna, nice meeting you." Nakangiti kong saad at tinanggap ang kamay niya.

"No, she's not the biological mother of Zandrius." sagot ni Hogu sa tanong nito.

"Of course, she can't be the mother of your child." singit ni Dwight na nasa harapan ko nakaupo.

Of course I can't be. Zandrius is already 6 years old, while I lost my virginity two years ago. Saad ko sa isip ko.

Pinagtinginan naman siya ng mga kasama namin. Yung tingin na malisyoso.

"Why, Dwight? Do you know Yanna?" tanong naman ng isa na hindi ko kilala.

Nagkibit balikat lamang ito at hindi sinagot ng direkta ang tanong. Buti na lamang ay dumating ang waiter at nag offer ng alak sa amin. Agad ko naman itong tinanggap.

"So, you're Monique's bestfriend?" Patanong na saad ni Nicholas.

"Yup, since elementary." nakangiti kong saad.

Speaking of Monique, bigla na lamang itong lumitaw mula sa likod ko.

"Finally, I already saw you. I've been searching for you." Saad nito at yumakap sa akin.

"I'm with Hogu." Maikling saad ko. Tiningnan naman niya ang lalaki na nasa harap ko at tumikhim.

"Let's dance." paanyaya nito sa akin na agad kong tinanggap.

Sanay kaming magsayaw dalawa lalo na kapag nag paparty kami. kung kaya't hindi na ito bago sakin.

Nagsayaw kami ni Monique na gaya ng dati, na tila walang nanonood sa amin. Puro lamang kami tawanan.

"Nakakapagod, maupo muna tayo." Saad ko nang makaramdam ako ng pagod.

"Let's sit here." saad niya at tinuro ang upuan sa tabi.

"So what are you planning?" Tanong ni Monique sa akin.

"What do you mean?" tanong ko sa tanong niya.

"About you and Dwight." sagot niya habang umiinom ng alak.

"I'm planning to have a divorce with him. But I still can't find a way." seryosong saad ko.

"So you won't go back in the Philippines yet?" tanong niya.

"Yes, I can't go back. Gusto kong nakapag divorce na kami kung sakali man na uuwi ako sa Pilipinas." Sagot ko habang nakatingin sa table nila Dwight. Nahuli ko naman na nakatingin din ito sa gawi naman kung kaya't nag-iwas ako ng tingin.

Accidentally Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon