The day ended awkwardly. Masaya naman kahit papaano pero ang awkward ng dating nito para sa akin. However, he looks so comfortable.
"I can't see any reasons for you to postponed and cancel your meeting just for this." saad ko nang iginiya niya ako papasok sa sasakyan.
Kakatapos lang namin maglibot sa ilan sa mga sikat na pasyalan sa Singapore, at balak na niya akong ihatid pauwi sa hotel.
" I just want to relax." tipid na explanation niya.
Sabagay. Assumera lang ako kaya iniisip ko na gusto niya talagang mag spend ng time sa akin.
Nasapo ko ang noo ko dahil sa iniisip. God, Yanna Elyzze! Pangatlong beses pa lang uli kayo nagkikita pagkalipas ng dalawang taon tas kung ano ano na iniisip mo.
"So, what's your hotel room number?" pagtanong nito makalipas ng ilang minuto na katahimikan.
"I'll tell you later kapag nandoon na tayo. Malayo pa naman ata."
Nakita ko na lamang ang pagtanggo nito habang seryosong nakatingin sa kalsada.
I look at him, hindi ko talaga maiwasan na hindi purihin ang itsura niya. Siya na yung tipo ng lalaki na papangarapin ng ibang babae. He's a successful bachelor, talented, and a wise business man. Hindi niya inasa ang buhay niya sa mga magulang niya. He build his own empire.
"Are you done looking at me?"
Napukaw niya ang atensyon ko dahil sa tanong niya.
"Tse! Where are we?" tanong ko nang mapansin na tumigil na pala ang sasakyan. Nakakahiya ka, Yanna! Hindi mo man lang napansin.
"We're already in your hotel. Let's go." saad niya at naunang lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan.
"Thank you."
Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakasunod lamang siya sa akin. Hindi ko na siya pinigilan kase gusto niya rin naman malaman kung saan talaga ako tumutuloy.
We entered the elevator silently. Pinindot ko ang 5th floor ng hotel.
Nanatili ang katahimikan namin hanggang sa nakarating kami sa 5th floor. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang siya ay tuloy lang ang pagsunod. Huminto ako sa tapat ng hotel room ko, bago ko binuksan ang pinto.
"Tuloy ka." paanyaya ko sakanya papasok. Sumunod naman siya at pumasok sa loob ng room ko.
Inilibot niya ang paningin niya, tila tinitingnan kung may malalait ba siya sa tinutuluyan ko.
"This place is kinda good, but just like what you said earlier you'll only stay here for a week. After that you'll move in into my house." saad niya bago umupo sa couch sa sala.
"Don't worry, I always keep my word."
Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng maiinom niya, pero dahil hindi naman ako namili at umaasa lang ako sa delivery kaya wala akong stock ng pagkain o kahit wine.
Kumuha na lang ako ng pitsel na puno ng tubig at dalawang baso, bago bumalik sa sala.
"Here, I'm sorry I don't have other things to offer you. Hindi ako nag gogrocery, but if you want pwede akong magpa-deliver. May gusto ka ba?" tanong ko rito, pero kinuha lamang niya ang baso at uminom.
"Meron." Sagot nito pagtapos niyang maubos ang isang basong tubig.
"Ano?"
"Ikaw."
Kumunot ang noo ko na ikinangisi niya. Nang maintindihan ko ang tinutukoy niya ay hinampas ko ang braso niya.
"Shut up."
BINABASA MO ANG
Accidentally Meant For You
AcakYanna Elyzze Ruiz is 28 years old and She is known as one of the most powerful attorney in the Philippines. She's an independent woman and just wants to enjoy her life by not getting committed to anyone. She hates being committed since she hates re...