Chapter 6

9 0 0
                                    

Natatawa akong pinagmamasdan si Zandrius na nagtatampisaw sa dagat. Nakatanaw lang ako sa kaniya mula sa dalampasigan, kasama naman niya yung mga body guards kaya hindi ako kinakabahan na malulunod s'ya.

Ang saya siguro maging bata uli, walang problema, stress, at responsibilidad. All you need to do is to enjoy life.

Napangiti na lamang ako nang makita ko na kinawayan ako ni Zandrius. Kinawayan ko naman s'ya pabalik. Kanina niya pa ako inaanyayahan na samahan sya na maligo pero hindi ako pwede dahil may regla ako.

Yes po, opo. May regla ako, hindi nagbunga ang isang gabi na pagkakamali ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na may nabuo kami kahit na gustong gusto ko na magkaanak.

Nakatuon lamang ang tingin ko kay Zandrius nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya doon nabaling ang atensyon ko.

"Walang araw talaga na hindi mo dinidistorbo ang araw ko." Bungad ko kay Monique nang sagutan ko ang tawag.

"Wow, you should be greatful that you have a chance to hear my angelic voice everyday." Litanya nito.

"What do you want?" I asked.

"Nothing, I just want to tell you that I'll be there tomorrow." Masiglang saad nito sa kabilang linya.

"You don't have to go here, Mon. Uuwi na rin kami next week, tapos na ang dalawang buwan na pagtatago ko." Kunot noong saad ko rito.

"How dare you to refused me? You don't have a choice, I'll be there tomorrow with Hogu."

"Fine, take care." I said before I ended the call.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, after a two months of staying here, mamimiss ko rin ang lugar na 'to. Sobrang relaxing niya at talagang mawawala lahat ng stressed mo sa buhay.

Time flies so fast, ang bilis lang natapos ng 2 buwan. Hindi na rin ako kinakabahan na bumalik sa Manila dahil wala naman kaming nabalitaan na may pumunta rito sa Pilipinas at hinahanap ako. Baka nag assume lang ako masyado na hahanapin ako.

"Ouch!" Sigaw ni Zandrius na dahilan para mapalingon ako rito.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sakanya nang makita ko na nadapa pala s'ya sa buhanginan habang tumatakbo. It's no one's fault.

"Are you okay, baby?" I asked. Nagpanik naman ako nang makita ko na may dugo ang tuhod niya.

"I'm fine mommy, it's just a small wound." Nakangiti nitong sabi sa akin na tila ba hindi sya nasasaktan. Napailing na lamang ako.

"Let's wash and treat it. You're daddy will be here tomorrow, he will get mad if he saw that." saad ko rito.

Naglakad na kami papasok sa bahay habang akay akay s'ya.

"Are we going home, mommyta?" He asked confusedly.

"Yes, baby. We'll go back in Manila next week." sagot ko.

Tumungo kami sa banyo rito sa first floor dahil may first aid kit naman dito na nakatabi.

Pinaliguan ko muna si Zandrius bago ko ginamot ang sugat n'ya sa tuhod. Hindi naman ito kalakihan, pero kailangan pa ring gamutin para hindi ma impeksyon.

"Mommyta, I want a mango graham po. Can you make some?" magalang na saad nito.

"Sure, baby. Come with mommyta in the kitchen, we'll make a mango graham." nakangiti kong sabi.

Marami akong bagay na namaster gawin dahil kay Zandrius, lalo na ang pagluluto. Kung ano man kase ang nire-request nito ay ako mismo ang nagluluto lalo na kung nasa puder ko s'ya. Ayoko na kumakain s'ya ng kung ano ano mula sa labas kase di ako sure sa luto nila.

Accidentally Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon