[R18]
Nauna akong umuwi kaysa kay Dwight dahil may mga meetings pa siya na kailangang tapusin.
Kahit na narito na ako sa bahay niya ay tila naiwan ang isip ko sa office niya. Pilit ko mang alisin sa isip ko ang tungkol sa photo album ay hindi ko magawa.
Maraming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Bakit meron siya nun? May mga pictures ako na nawawala sa mismong photo album ko sa bahay. Paano 'yon napunta sa kaniya?
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko napansin na nasusunog na pala 'yong piniprito ko na manok.
"Fuck!" sobrang lakas na sigaw ko. Sa sobrang panic ko rin ay napaso ako ng kawali.
"Atty. Are you okay?" tanong ng mga maid na pumasok sa kusina. Halos lahat din sila ay nagpanic. Marahil narinig nila ang sigaw ko.
"Yes. I'm fine," saad ko habang nakangiti para ipaalam sa kanila na ayos lang ang lahat.
"You have a bruised, Atty. We'll call the private doctor." saad nung mayordoma.
Tumango lamang ako sa kanila.
Masakit ang paso sa braso ko. Namumula na rin ito, mukha kailangan ko nga ng doctor para mabigyan ako ng resita na cream.
Tiningnan ko ang niluluto ko kanina. Itim na itim na iyon. Gano'n ba ako ka distracted? Iniligpit ko iyo, bago nagsalang uli ng panibago.
"Atty. I'll do that." saad nung chef dito sa bahay.
"No. I can do this. No need to worry. All of you can go back to your own work now." I said, full of authority.
All of them follow my command, except for the chef. Tinaasan ko ito ng kilay."I said go back to work." kunot noo kong saad dito.
Lumapit naman ito sa niluluto ko, at binaliktad ang manok.
"I work here, Atty. I'm the chef of this house." magalang na saad nito.
Para tuloy akong napahiya. Chef nga pala siya. Napahawak na lang ako sa sintido ko.
"Yeah, sorry. Don't touch that. I'll cook for my food and for Dwight's food." saad ko rito.
Tumango naman ito at lumayo sa kalan. He's a chef. Naiilang tuloy akong magluto. I'm not a professional like him, he might judge me. Kaya bago pa niya ako mahusgahan ay nagsalita na ako.
"Don't judge the way I cook, I'm not a professional like you. I only have a little knowledge when it comes to this." nahihiyang saad ko habang hindi makatingin sa kaniya.
"I'm actually impressed, Atty. I thought you are only good at laws, you're also good at cooking. " Papuri nito, tila lumaki tuloy ang ulo ko.
"Thank you. You can go to your room, or anywhere. I can handle this." saad ko rito para umalis siya.
Agad naman itong tumalima sa utos ko. Nakayuko itong umalis ng kusina.
Natapos na akong mag prito, isusunod ko naman ang sinigang na baboy. Puro pagkaing Pilipino ang niluluto ko, kase mas gamay ko ang mga ito.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang narinig ko ang boses ni Dwight na papalapit sa akin.
"What happened to her?" rinig kong tanong nito.
Sumagot naman ang isa sa mga maid at kinukwento ang nangyari. "We let her in the kitchen, like what she always wanted, your highness. Then, we suddenly heard her loud scream that's why all of us panicked. We called Doctor Brinton to check her up." mahabang litanya ng maid.
Nang marinig ko ang yapak nila na malapit sa akin, ay doon lamang ako lumingon saglit. Tiningnan ko sila, nandoon si Dwight, yung chef, mayordoma, at isang lalaki na sa tingin ko ay doctor dahil sa suot nito.
BINABASA MO ANG
Accidentally Meant For You
DiversosYanna Elyzze Ruiz is 28 years old and She is known as one of the most powerful attorney in the Philippines. She's an independent woman and just wants to enjoy her life by not getting committed to anyone. She hates being committed since she hates re...