Nang makarating kami sa opisina ni Dwight, ay naroon na sya at nakatunganga sa lamesa habang may hawak na ballpen. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"You're here"
"I'm not here. I'm just a standee" I said sarcastically. Umismid naman siya sa sinabi ko.
"Are you tired? What did you do while I'm in the meeting?"
Naupo ako sa sofa na malapit sa kaniya bago ako sumagot.
"I'm not tired. I tour around your company and observed your employees."
"Are you hungry? You tour around the company so, I bet you're hungry." saad niya bago tumayo at tumungo sa pwesto ko. Naupo siya at inilingkis ang braso niya sa bewang ko na tila ba ayaw akong pakawalan.
"No, I'm not hungry. Kumain ako kasama yung mga ibang employees. I like the environment here, people are not toxic and they are friendly." nakangiti kong saad at hinayaan siya na yumakap sa akin.
"So you had some chit-chats with them huh"
Tumango lamang ako at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. I need to be comfortable with him. We'll be together for a months so I need to do my best to get used of everything.
"I'm sleepy." saad ko. Siguro napagod ako ng konti sa paglalakad lakad kung kaya't nakaramdam ako ng antok ngayon.
"I still have a meeting. You can sleep in my bedroom here in my office. Hindi pa kita mahahatid sa hotel na tinutuluyan mo."
Tumango na lang ako at pumayag na dito muna umidlip.
Tumayo siya at inalalayan ako patungo sa isang pintuan. Pakiwari ko ay ito ang kwarto na tinutukoy niya. Pumasok kami roon, at hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa ganda nito.
Malawak at maaliwalas ang paligid.
"You probably bring you girls here and fck them here." malamig na saad ko bago dumiretso sa kama. Napangiwi na lamang ako kapag iniisip ko na rito siya nakikipagtalik sa mga babae niya.
Nai-imagine ko tuloy 'yong mga ungol nila. The heck.
"Yes, before."
Tiningnan ko siya nang masama bago ako umirap.
"Whatever."
Tinulugan niya akong ipatong ang paa sa kama, kahit na kaya ko namang gawin yon ay hinayaan ko na lang siya.
"Sleep now, I'll wait for you 'till you fell asleep before I go to my last meeting for today." malambing na saad niya habang hinahawakan ang buhok ko.
Hindi na ako nagsalita at inantay na lamang na makatulog ako. Nakakaantok ang paraan ng paghaplos niya sa buhok ko kung kaya't naramdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ng mata ko.
"Sleep well, my love." huling narinig ko bago ako tuluyang makatulog.
Nagising ako nang pakiramdam ko ay may lumingkis sa bewang ko. Inaantok kong tiningnan kung sino 'yon.
Nakita ko ang gwapong mukha ni Dwight na nakapikit habang nakapulupot ang mga braso sa akin pati ang mga binti. Ang bigat naman nito.
Hinayaan ko na lamang siya, at tiningnan ang paligid. Dim na ang ilaw, hindi katulad kanina na maliwanag ang paligid. Gabi na ata.
Hindi ko muna ginising si Dwight. Hindi ko alam kung nagpunta ba 'to sa meeting niya o hindi. Parang ang sarap ng tulog niya eh. Pinilit kong kunin ang cellphone ko na nasa side table, pero nang maramdaman ni Dwight na aalis ako ay mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Accidentally Meant For You
DiversosYanna Elyzze Ruiz is 28 years old and She is known as one of the most powerful attorney in the Philippines. She's an independent woman and just wants to enjoy her life by not getting committed to anyone. She hates being committed since she hates re...