Chapter 11

7 0 0
                                    

Hindi pa rin ako nakaka recover sa gulat ko nang magsalita ulit siya.

"I thought we're going to talk? Why are you just staring at me?" kita ko ng ngisi sa kaniyang mga labi na kinakunot ng noo ko.

"Marunong kang magtagalog?" di pa rin ako makapaniwala. Buti na lang at hindi gano'n kasama ang sinabi ko.

"Yup. All of my friends know how to talk Filipino. Your friends Hogu thought us so..." kibit balikat niya na sabi.

"Okay, I'm impressed." hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman mahirap aralin ang lengwahe ko, pero lumaki siya rito sa ibang bansa kaya nagulat ako na napaka ganda ng Filipino accent niya.

"After running away for 2 years, you want a divorce?" may diin ang bawat sinasabi niya.

"Look. Just like what I said earlier, ayoko pang matali sa kahit kanino. I ran away because I was afraid, but now I already showed up-"

"You showed up to have a divorce."

"Yes. I waited for you for almost a week. I don't want to missed this chance. I want us to have divorce now." seryosong saad ko dahil ayoko ng humaba pa ang paguusap namin.

"We will have our divorce, but let's have an agreement first."

Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano bang gusto nito?

"What?"

"We'll have our divorce but you'll stay and act as a real wife for 6 months. If it won't work out then let's separate." seryosong saad nito.

"Ano bang trip mo?" inis na saad ko.

"Take it or leave it."

"I don't have any choice!"

"I know." Presko niyang saad.

Nagtiim bagang ako bago ko siya tiningnan muli.

"Fine." pagsuko ko. Bigla namang pumasok sa isip ko ang magiging bayarin sa hotel na tinutuluyan ko. If I stay here for 6 months, I always spend 25k a day and I already spent 200,000 pesos in just 8 days of staying here. Paano pa kung 6 months? There are 182 days or 181 days in the span of 6 months, If I will compute my expenses in 6 months staying in the hotel it would probably cost 4,550,000 pesos.

"Are you listening?" Napukaw ni Dwight sa attention ko.

"Hmm, sorry. Pardon?" nahihiya kong saad, na-busy ako sa pagcompute ng magagastos ko kaya hindi ko napansin na nagsasalita pala siya.

"I said, sign this."

May inabot sya sa akin na papel. It is a contract to be exact. Nandoon lahat ng gusto n'yang mangyari sa agreement namin.

Binasa ko muna ang lahat ng nakasulat, bago ko pinirmahan.

"You can stay in my house." saad niya nang maibalik ko sakanya ang kontrata namin.

Nabasa niya ba ang iniisip ko kanina?

"Do you have extra room in your house?"

Alam ko na papanindigan namin ang pagiging mag-asawa namin for 6 months pero ayoko naman na kasama sa gagawin namin ay ang pagtabi sa pagtulog.

"Of course." maikling sagot nya na para bang common sense lang ang kailangan sa tanong ko.

"Okay, meeting adjourned." saad ko at dali daling tumayo. Naiilang na kase ako at sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pang magtagal lalo na sa mga tingin niya na parang tinitingnan ang buong pagkatao ko.

"Thank you for today. I'll go ahead now."

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at tumalikod na ako. Hindi pa man ako nakaka tatlong hakbang ay hinila niya ako pabalik.

Accidentally Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon