"What's the meaning of this?" pag-uulit ni Dwight sa tanong niya kanina nang wala ni isa sa kanila ni Calvin ang nagsalita
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Dwight sa akin kaya naman hindi ko maiwasan na mapa aray. "A-aray." saad ko.
Napatingin silang lahat sa akin, maski si Dwight na madilim at matalim ang tingin kanina ay biglang lumambot. Agad niyang niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"I'm sorry." nagsisisi na saad nito habang tinitingnan ang kamay ko na medyo namumula na.
"It's f-fine." kinakabahan kong saad.
"May I see?" singit ni Calvin na naka ngisi. Baliw ba 'to? Nakangiti pa talaga siya eh badtrip nga sa kaniya si Dwight.
Agad itong sinamaan ng tingin ni Dwight at tinulak nang malakas. Nasubsob si Calvin sa dulo ng sofa, pero hindi nawala ang ngisi nito na parang nang aasar. Tumayo naman si Nicholas at 'yong lalaki na hindi ko kilala para pigilan si Dwight.
Wala naman akong magawa kaya nakatingin lang ako sa kanila.
"He's my friend." saad ko para tumigil na si Dwight.
"Then why are hugging each other? You're even crying." malamig ang tono ng boses niya kaya mas kinabahan ako.
"I just missed him. We didn't see each other for years." pagpapaliwanag ko.
Bumuntong hininga na lamang ito bago lumapit sa akin at yumakap. "I'm sorry." mahinang bulong niya na kami lang ang nakakarinig.
"It's okay. I'm hungry, let's eat?" saad ko bago tapikin ang likod niya.
"I'll order a food. What do you want?" tanong nito sa akin bago tumayo para kunin ang cellphone niya na nasa ibabaw ng table niya.
Nakatingin naman sa amin ang tatlo na tila nagmamasid at namamangha sa kinikilos ni Dwight.
"We want a Hainanese chicken rice, Char siew meats on rice or noodles, Rojak, and a tea, please." sagot ni Nicholas kahit na hindi siya ang tinatanong.
"Go on. Order for yourself." saad ni Dwight bago bumaling sa akin. "What do you want, Elyzze.?" tanong niya ulit sa akin.
"For sure she wants pork barbeque, sinigang na baboy, salad, and any drinks." preskong saad naman ni Calvin na parang kilalang kilala niya ako.
Nang lingunin ko si Dwight ay ang sama na naman ng tingin niya kay Calvin. Ba't kase hindi na lang manahimik ang mokong na 'to?
"Why don't you leave my office? My wife and I will have our lunch here. All of you are disturbing us." he said irritably.
Imbis na matakot ang mga lalaki na kasama namin ay mas lalo pa silang ngumisi habang umiiling.
"Delikado ka na." saad nung hindi ko kilala. Mukha siyang Amerikano kaya naman hindi fluent ang pagsasalita nya ng Filipino.
"It's okay. They can eat with us. Also, you can order the food that they want, and you don't have to order food for me because I already bought food for the both of us." nakangiti kong saad.
"Hear that brute?" saad uli nung hindi ko kilala. Napansin ata nito na tinitingnan ko siya kaya tumayo ito at naglakad palapit sa akin. "Anyways, I'm Chris, short for Christopher." pagpapakilala niya.
"She's not asking." sabat ni Dwight at dali daling lumapit sa akin.
"I'm Yanna. Nice meeting you." saad ko bago inabot ang nakalahad niya na kamay.
Ilang segundo lang na nagdikit ang mga palad namin dahil ipinaghiwalay agad ni Dwight. What the fck is wrong with this guy? Ayokong isipin na nagseselos siya, dahil imposible na gusto niya ako agad. Baka natatamaan lang ang ego niya gaya nung una kase kasal kami tapos nakikipag-usap ako sa ibang lalaki.
BINABASA MO ANG
Accidentally Meant For You
RandomYanna Elyzze Ruiz is 28 years old and She is known as one of the most powerful attorney in the Philippines. She's an independent woman and just wants to enjoy her life by not getting committed to anyone. She hates being committed since she hates re...