Chapter 16

8 0 0
                                    

Sa sobrang inis niya kay Dwight ay hindi niya ito pinansin. Naupo na lamang siya sa sofa na nasa tapat ng coffee table para may distansya sila.

Wala na ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Nang sinulyapan niya si Dwight ay nakita niya ang matalim na titig nito sa kaniya na parang sobrang laking kasalanan ang ginawa niya.

That's the reason why I hated to be in a relationship. Ayokong nadedeprived 'yong rights ko. Kaya nga ako nag-lawyer eh. I hate it when someone is trying to control me or demand me to do something that I don't want.

Hindi ko hahayaan na masunod si Dwight sa lahat ng gusto niya. Kung kaya niyang kontrolin at pasunurin ang isang bansa at mga tao roon, pwes iba ako sa kanila. Hindi sa lahat ng oras ay masusunod siya.

Umabot ng 10 minutes mahigit bago may kumatok sa pintuan ko.

"Come in!" saad ko.

"Good Afternoon, Atty Ruiz. Sorry to interrupt the both of you, but King Dwight I want to remind you about the meeting later." magalang na saad ni Sean, ang secretary ni Dwight.

Buti na lang ay may meeting siya. Makakapag-relax na ako rito sa office ko. Hindi ako mapakali at hindi ko masimulan ang mga gagawin ko dahil nandito siya.

"I'll be there in a minute." saad ni Dwight sa kaniya.

Tiningnan ko ito at nakita ko na naglalakad na ito palapit sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"We'll talk later." saad niya pero hindi ako nagsalita. Tumayo lang din ako at dumiretso sa swivel chair ko na inuupuan niya kanina.

"Elyzze..." tila nagsusumamo na tawag nito sa akin, pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Magtiis ka. Hinding hindi kita papansinin.

Tinawag niya akong muli sa ikatlong beses pero kahit tingin ay hindi ko ibinigay sa kaniya. Narinig ko na lang ang buntong hininga niya bago siya nagsalita.

"Fine. I'll cancel my meeting, we'll talk now." mahinahon na saad nito kaya napatingin na ako sa kaniya.

What's wrong with this guy?

"We'll talk later. Go to your meeting now." malamig na saad ko para naman maintindihan niya na hindi ko natuwa sa inakto niya kanina.

Tumango lamang ito at lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng opisina ko.

Kahit na tila nawala ang inis ko sa ginawa niyang paghalik, ay papanindigan ko ang pagmamaldita ko.

Sinimulan ko ang ginagawa ko kanina. Hindi naman ito ganoon ka hirap at sigurado akong matatapos ko ang lahat ng ito ngayong araw.

Lumipas na ang ilang oras, pero nang tumingin ako sa cellphone ko ay wala pa ring message mula kay Dwight. Kanina ay maya't maya siya message sa akin, pero ngayon wala kahit isa.

Bakit ko ba iniisip? Bahala siya sa buhay niya.

Nang lagpas kalahati na ang natatapos ko, narinig ko na nagsalita si Andrea sa intercom.

"Good afternoon, Atty. Gusto niyo po ba ng meryenda?"

"Yes, please. Kahit ano lang. Thank you!"

"Copy, Atty."

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa ginagawa ko. Patapos na rin naman ako, ilang pirasong files na lang 'to. Kaya naisipan kong mag-cellphone muna habang inaantay na bumalik si Andrea.

Nang ilalapag ko na sana nag cellphone ko ay tumunog ito, tanda na mayroong nag message. Buong akala ko ay si Dwight na pero si Monique pala. Kumusta na kaya ito? Huling usap ata namin ay noong wedding niya pa.

Accidentally Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon