Chapter 9

7 0 0
                                    

Natapos ang gabi na pagewang-gewang akong naglakad pabalik sa tinutuluyan namin.

"HAHAHA mommyta is walking like a zombie!" Natatawang saad ni Zandrius habang pinapanood kami ni Hogu. Inaalalayan kase ako ni Hogu na maglakad.

Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang tinutuluyan namin. Yung kwarto namin ay may tatlong kwarto rin sa loob. Isa kila Hogu at Zandrius, isa sa akin, at isa kay Jake na personal body guard ni Zandrius. Kung kaya't ayos lang na magkakasama kami kase di naman kami tabi tabi sa isang higaan.

Sa sobrang lasing ko ay hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Nakatulog na rin ako agad.

———

Nagising na lamang ako na ubod ng sakit ang ulo ko. Ito ang pinaka ayaw ko na part kapag nag-iinom ng alak eh. Hangover.

Gustuhin ko mang bumalik sa tulog ay hindi ko na magawa. Tanginuminmowagmilo. Bumangon na lamang ako para nakaligo dahil lapot na lapot na ako sa katawan ko.

Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko si Zandrius na nakaupo lang sa higaan ko.

"Good morning, baby." Bati ko rito. Buti na lamang at sa banyo na ako nagbihis kung kaya't di na ako hassle sa pagtakip ng katawan.

"Good morning, mommy. Daddy is at the sala with 5 of his friends." saad nito. Kaya naman pala at nandito siya.

"Did you eat already?" tanong ko rito habang nag-aayos ng mukha ko. Ayoko naman lumabas doon na walang kaayos ayos.

"Not yet. I'm waiting po for you." Magalang na sagot nito sa akin.

"Sige, just wait for me, okay?" saad ko rito. Tumango naman ito bilang pag sangayon.

Nang lumabas ako ng kwarto ay nasa sala ng ng hotel room namin yung limang kaibigan ni Hogu. Kabilang na rito si Dwight.

"Good morning." Nakangiting bati ko sa kanila.

"Good morning, Yanna." sabay sabay nila na bati, maliban lang kay Dwight na tila ine-examine ako.

"Did you eat already, Hogu?" tanong ko rito. Balak ko kase na magluto na lang ng sarili naming almusal.

"Yep, I'm done." sagot nito, tumango lamang ako.

"How about you, guys?" tanong ko naman sa mga kaibigan niya. Nagsipagtanguan naman ang mga ito kung kaya't nagpunta na ako ng kusina para magluto ng almusal namin ni Zandrius.

"Why don't you just eat in the restaurant inside the resort?" tanong ng kung sino mula sa likuran ko.

"Kabayo ka, nagulat ako." saad ko.

"Huh?" tanong nito kaya't nilingon ko na. Tumaas naman ang kilay ko ng makita ko na si Dwight pala ang nagsalita.

"Nothing. I don't want to go outside to eat. I know how to cook so, I'll just cook rather that going outside." Saad ko dito at ngumiti ng peke.

Akala ko ay aalis na ito pero nanatili lang itong nakatayo sa pintuan ng kusina. Hinayaan ko na lang ito, kung ayan ang trip niya edi bahala siya.

Kahit pinipilit ko na hindi siya pansinin hindi ko magawa dahil nadi-distract ako.

"What do you want?" tanong ko na tila nauubusan na ng pasensya.

"Nothing." Tipid na sagot nito. Nagkibit balikat na lamang ako.

Nang matapos na akong magluto ay nandoon pa rin siya. Nakakahiya naman na hindi ko siya imbitahan kumain tas kami kakain ni Zandrius.

"You can join us if you're hungry." saad ko rito.

Accidentally Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon