Chapter 15

4 0 0
                                    

"Good Morning, Atty. Ruiz. I'm Andrea, and I will be your secretary." bungad ng isang matangkad at maganda babae sa akin nang makarating ako sa 25th floor.

"Good morning, Andrea." nakangiti kong bati sa kaniya.

"I lead you the way to your office, Atty. Ruiz." saad niya at naunang maglakad.

Mukha siyang Filipina sa paningin ko dahil sa kulay ng balat niya. Pinagmasdan ko siyang maigi mula ulo hanggang paa.

"Are you a Filipina?" I asked curiously.

"Yes po, Atty. Ruiz. Sobrang saya ko nga po nang malaman ko na kayo ang magiging boss ko kase parehas tayong Filipino. Hindi ako mahihirapan." nakangiti niyang saad sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Masaya rin ako na may katrabaho akong kababayan ko. Saan ka nakatira sa Pilipinas?"

"Ah, sa Samar po."

"Bakit naisipan mo na rito magtrabaho?" tanong ko kahit medyo may idea na ako sa rason niya. Palagi namang opportunity ang habol ng ibang tao kapag nangingibang bansa sila.

"Mas malaki po kase ang sahod dito kaysa sa Pilipinas. Maganda rin po ang mga benefits na makukuha rito sa kompanya. Sobrang saya ko nga po na rito ako nakakuha ng trabaho." magiliw niyang saad.

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa opisina ko.

Ngayon ko lamang ito nakita dahil hindi naman ako nagpunta rito kahapon pero maayos naman ang opisina ko. Malawak, malinis, at maaliwalas.

"Minadali po itong ayusin kahapon nung sinabi ni King Dwight na ito ang gagawin mong opisina. Grabe po ang pagaayos na ginawa ng mga taga maintenance." paliwanag ni Andrea sa akin kahit na hindi ko tinatanong.

"Ah, gano'n pala."

Tumango lamang ito sa akin. "Sa laba po muna ako, kung may kailangan po kayo sa akin ay gamitin niyo na lang po yung intercom. Nasa computer na rin po ang mga need niyong gawin, naayos ko na po kanina at ito naman po 'yong ibang files." saad ni Andrea.

Tiningnan ko ang hindi kakapalan na files na nasa harap ko. Siguro kailangan ko lang itong i-review.

"Thank you, Andrea." nakangiti kong saad.

"Welcome po, Atty. Ruiz. Sa labas po muna ako." paalam niya sa akin. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon.

Naupo ako sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa ko. Binuksan ko na rin ang computer para naman makapagsimula na ako.

Narito na nga ang lahat ng kailangan kong gawin. Lahat ay related sa contract, at karamihan ay puro lamang review ang gagawin ko.

Nang magtagal ako sa computer ng dalawang oras ay tinigil ko muna, ibinaling ko ang pansin ko sa mga hard copy na files na narito sa lamesa ko para maipahinga ko ang mga mata.

Habang nagbabasa ay tumunog ang cellphone ko kaya naagaw nito ang pansin ko.

From Dwight:
Are you tired? Or hungry?

Napangiti na lang ako bigla. Delikado na ako.

To Dwight:
No, I'm not tired and hungry. I'll just call my secretary kapag nakaramdam ako ng gutom. Thanks for asking!

Nahiya naman ako na hindi siya tanungin kaya naman nag text ako ulit.

To Dwight:
How about you?

Wala pang isang minuto ay nakapag reply siya agad sa akin.

From Dwight:
I'm not hungry, but I am tired. I want your hug to gain my energy again.

Luh, parang sira naman 'to. Kumakalembang tuloy ang petchay ko sa kilig.

Accidentally Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon