Nang makarating kami sa bahay niya ay agad kaming umakyat para makapaglinis ng katawan bago kumain.
"I'll go first. Para habang naliligo ka, nagluluto naman ako." saad ko nang makapasok kami sa kwarto.
Tumango naman ito habang nagtatanggal ng neck tie.
Pumasok muna ako sa walk in closet para kumuha ng damit. Kinuha ko ang spaghetti strap na damit at penguin shorts ko. Hindi na rin ako nag bra para maaliwalas sa pakiramdam, wala naman sigurong titig sa akin sa labas. Gusto ko na presko ang suot habang nagluluto kase kadalasan ay mainit.
Dumiretso na ako sa bathroom para makaligo. Hindi na rin ako nagtagal, minadali ko lang ang pag-ligo dahil sa gutom na ako.
Nang matapos ako ay nakita ko si Dwight na nakaupo sa kama habang hawak pa rin ang cellphone ko. Hindi ko naman maiwasan na hindi siya pagtaasan ng kilay. Hindi pa rin siya tapos sa pagkalikot ng cellphone ko?
"What food do you want?" tanong ko rito habang binoblower ko ang buhok ko.
"I want a menudo, and carbonara." nakangiting saad nito sa akin.
Mas gwapo siya kapag nakangiti, bihira lang din siya ngumiti kaya naman hindi ko maiwasan na titigan siya nang matagal.
"Okay. Aren't you done using my phone?" kuryuso kong tanong sa kaniya.
Umiling lamang ito bago pumasok sa bulsa niya ang cellphone ko. "Yeah. I'm searching for the boys who's trying to hit on you." saad nito.
"That's too much." he's invading my privacy too much, but I just let him. Wala naman akong dapat itago. Bahala siya kung makita niya kung paano ako makipaglandian sa chats. Well, that was before. Last last month ata yung huli kong fling.
Hinayaan ko na lang siya at lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako agad sa kusina at halos lahat ng nadadaanan ko na mga bodyguards ay umiiwas ng tingin sa akin at ang iba ay binabati ako pero sa baba ang tingin. Weird.
"Good Evening, Atty. Ano pong lulutuin niyo para po matulungan ko po kayong ihanda ang mga recipes?" magalang na bati sa akin ng Filipina na maid. Bumaling ang tingin niya sa dibdib ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang.
My boobs are standing proud. Hindi ko dapat ikahiya. Besides, makapal ang tela ng damit na suot ko kaya hindi gano'n ka-bakat ang utong ko, unless tititigan mo talaga.
"Good evening. Menudo ang Carbonara, pwedeng pakilagay na lang d'yan sa gilid tapos ako na ang bahala." saad ko rito.
"Sige po, Atty."
"Kumain na ba kayo?" tanong ko, magpapaluto na lang ako sa chief ng para sa kanila. Konti lang kase ang lulutuin ko, sakto lang para sa amin ni Dwight.
"Yes, Atty. Bago po kayo nakauwi ay kumain na po kaming lahat." sagot nito sa akin.
Tumango lamang ako bilang sagot. Inihanda ko sa gilid ang kaserola na gagamitin ko pati ang knife, cutting board, at kung ano ano pa habang inaayos ng katulong ang mga rekado na gagamitin ko.
Nang matapos naming ihanda lahat ay iniwan na ako ng maid, at sinimulan ko naman ang pagluluto.
Hindi naman gano'n kahirap lutuin ang ni-request ng kamahalan. Sanay din akong magluto kaya madali lang ito para sa akin.
Nang matapos kong lutuin ang carbonara ay narinig ko na pumasok si Dwight sa kusina.
"It smells good." saad nito habang naglalakad papalapit sa akin. Mabango ang niluluto ko pero mas mabango siya. Ininvade ng pabango niya ang amoy ng carbonara at menudo.
Malapit na rin matapos maluto ang menudo, nag-aantay na lang ako saglit. Kaya habang nag-aantay ay naisipan ko na ihain na ang carbonara.
Naupo si Dwight sa upuan habang nag-aantay na ihain ko sa kaniya ang pagkain. Grabe 'tong lalaking 'to halatang sanay na pinagsisilbihan.
BINABASA MO ANG
Accidentally Meant For You
RandomYanna Elyzze Ruiz is 28 years old and She is known as one of the most powerful attorney in the Philippines. She's an independent woman and just wants to enjoy her life by not getting committed to anyone. She hates being committed since she hates re...